Author Topic: Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?  (Read 718 times)

smiLe~aLways

Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?
« on: April 02, 2016, 04:18:27 am »
Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?

Noong una kitang nasilayan
Hindi na naalis sa aking isipan
Ang iyong mukha
Isang kakaibang pakiramdam
Na inakala ko noo’y
Hindi ko na mararamdamang muli
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na
May isang taong tulad mo
Ang pumukaw ng aking atensyon
Sa dinarami-raming taong pwede kong magustuhan
Ikaw pa ang pinili ng puso ko

Bakit ganoon?
‘Pag tuwing ikaw ay nakakasalubong
Gumagaan ang aking pakiramdam
At para bang kinukumpleto mo ang araw ko

Gustuhin ko mang makipagkaibigan sa ‘yo
Masyadong mailap ang pagkakataon sa akin
Nais ko sanang makilala kang mabuti
‘Yung bang nasasamahan kita sa saya’t lungkot mo
Hindi naman ako umaasa ng anumang kapalit
Nakakalungkot lang
Dahil alam kong hindi mangyayari ‘yun

Hay… Ano ba ‘tong nararamdaman ko para sa ‘yo?
Isang paghanga nga lang ba o mahal na kita?
Hanggang pangarap na lang ba talaga?

Sana… Sana… Sana…

"God grant me the serenity to accept the things I cannot change; courage to change the things I can; and wisdom to know the difference."

naruto789544

Re: Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?
« Reply #1 on: April 02, 2016, 11:39:11 am »
nice one... well, admiration is one sign of feelings for the other one... :)

lawrencium

Re: Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?
« Reply #2 on: April 02, 2016, 12:00:40 pm »
Noong ikay aking unang masilayan
biglang tinding itong si janjan
hindi na naalis sa aking isipan na mapopoy ka kinabukasan

smiLe~aLways

Re: Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?
« Reply #3 on: April 03, 2016, 04:10:51 am »
nice one... well, admiration is one sign of feelings for the other one... :)

haha! para yan sa prof ko dati, akala ko in love ako sa kanya. hindi pala, it was just an "infatuation" pero friends na kami. masaya ako kung anong meron kami ngayon. hindi rin ako hopia sa kanya ah, dahil iba ang mahal ko ngayon. haha

thanks uli!

"God grant me the serenity to accept the things I cannot change; courage to change the things I can; and wisdom to know the difference."

lawrencium

Re: Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?
« Reply #4 on: April 03, 2016, 02:58:50 pm »
haha! para yan sa prof ko dati, akala ko in love ako sa kanya. hindi pala, it was just an "infatuation" pero friends na kami. masaya ako kung anong meron kami ngayon. hindi rin ako hopia sa kanya ah, dahil iba ang mahal ko ngayon. haha

thanks uli!

hinaras mo sana papayag yon

smiLe~aLways

Re: Isang Paghanga Nga Lang Ba o …?
« Reply #5 on: April 03, 2016, 09:24:18 pm »
hinaras mo sana papayag yon

Okay na yun. Wala na akong feelings sa kanya..

"God grant me the serenity to accept the things I cannot change; courage to change the things I can; and wisdom to know the difference."