Kinasuhan na Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ng usurpation of authority, si dating Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Allan Purisima.
Ayon kay VACC Chairman Dante Jimenez, ito ay kaugnay sa pag-uutos ni Purisima ng operasyon sa Mamasapano, na ikinasawi ng 44 na Special Action Force commando kahit suspendido siya.
Binigyang diin ni Jimenez na kailangang managot si Purisima sa nangyari sa mga commando.
Samantala, sinabi din ni Jimenez na kanilang kakasuhan ng reckless imprudence resulting to multiple homicide ang Pangulong Benigno Aquino III kapag natapos na ang termino nito sa Hulyo. (DWIZ)