Author Topic: Corruption index ng Phl, bumulusok ng 10 pwesto  (Read 428 times)

A7x

Corruption index ng Phl, bumulusok ng 10 pwesto
« on: January 27, 2016, 09:00:07 pm »


Bumagsak ng 10 pwesto ang Pilipinas sa 2015 Corruption Perceptions Index base sa survey ng Transparency International.

Sa kabila ito ng "Daang Matuwid" na isinusulong ng administrasyong Aquino.

Sa ngayon bumaba sa ika-95 na puwesto mula sa dating ika-85 ang Pilipinas matapos bumagsak sa 35 ang corruption index ng bansa mula sa dating 38 noong 2014.

Mas mababa ito kumpara sa Indonesia na nasa ika-88 na pwesto habang ang Singapore ay pang walo.

Sa buong timog silangang Asya ang Pilipinas at Malaysia ang lumalabas na mas naging corrupt ngayong taon.

Sinabi ni Jose Ugaz, chairman ng Transparency International na masosolusyunan lamang ang korupsiyon kung magtutulungan ang mamamayan at ang pamahalaan sa pagpuksa ng nasabing problema.

Pero iginiit ng Malakanyang na patuloy naman ang kanilang kampanya laban sa korupsiyon. (Bomboradyo)

naruto789544

Re: Corruption index ng Phl, bumulusok ng 10 pwesto
« Reply #1 on: January 28, 2016, 11:49:59 am »
tinago lang nila ang corruption... pero nandoon pa din... at mas mataas pa ngayon lalo ang bigayan...

d_sinner78

Re: Corruption index ng Phl, bumulusok ng 10 pwesto
« Reply #2 on: January 28, 2016, 04:05:36 pm »
tinago lang nila ang corruption... pero nandoon pa din... at mas mataas pa ngayon lalo ang bigayan...
Na-check nyo ba kung pang-ilan tayo before nanalo si Pnoy?

naruto789544

Re: Corruption index ng Phl, bumulusok ng 10 pwesto
« Reply #3 on: January 30, 2016, 12:03:38 pm »
i know we are ranked even higher before that but that is because corruption is as we may say "lantaran"... now it is being in tagalog "tinatago na but mas mataas na ang lakaran.."