Author Topic: Duterte mag- a-announce na sa Setyembre  (Read 367 times)

A7x

Duterte mag- a-announce na sa Setyembre
« on: August 17, 2015, 01:23:44 am »


“Wala pong maa­asahang announcement ngayong August mula kay Mayor Duterte, sa Setyembre na po siya mag-a-announce kung meron ba siyang dapat na i-announce.”

Ito ang naging tugon ni Sen. Koko Pimentel ng partidong PDP-Laban na tumataguyod sa kandidatura sa pagka-pangulo ng nabanggit na alkalde.

Binanggit din ni Pimentel na kung sakaling mag-announce na ang Davao City mayor ay da­lawang bagay din lamang ang sasabihin nito at ang mga katagang ito ay yes or no lamang umano.

“Yes kung siya ay tatakbong Presidente, no kung hindi siya tatakbong presidente,” banggit pa ni Pimentel sa panayam sa kanya.

Walang binanggit ang mambabatas kung ano ang dahilan ng hindi pagsa­salita ni Duterte ngayong buwan pero posibleng naniniwala din ito sa ghost month.

http://www.abante.com.ph/news/nat/32980/duterte-mag-a-announce-na-sa-setyembre.html