iisa lang naman ang dahilan ng lahat eh....PERA!!! hindi na sila nagkasundo sa laki ng kinikita ng kulto nila.
GAANO BA KALAKI ANG KINIKITA NG INC SA MGA "ABULOY" NG MGA MIYEMBRO?
Nabasa ko lang po sa post at sine-share.
Ok since sinasabi nila na ang iba dito ay wala walang karapatan magsalita tungkol sa pera ng iglesia dahil wala naman silang naibigay na pera sa iglesia, lets take it from someone na "may naibigay".
Handog ako sa iglesia at lahat ng tao sa lugar namin ay umaasa na lalaki ako bilang ministro, mula pagkabata ay humawak na ako ng ibat ibang tungkulin sa iglesia bilang kagawad ng PNK(pagsamba ng kabataan), to pangulo ng pnk when i was old enough, nuong umabot ako sa tamang edad ay naging pangulo ako ng binhi, juniors choir, pananalapi, pangulong kadiwa hanggang umabot ako na kagawad ng mga kadiwa sa distrito(nakalimutan ko na yung exact term).
Lumaki ako sa sobrang hirap na pamilya. Apat kaming magkakapatid so bale anim kami sa pamilya (+nanay at tatay).
Ipinanganak at lumaki bilang iglesia so norm na sa akin ang konsepto ng pagsamba at pagaabuloy. Tanggap ko rin ang konsepto na kailangan unahin ang handog sa iglesia bago ang pansariling kapakanan kaya kahit kadalasan na naghahati-hati kaming apat ba magkakapatid sa dalawang pirasong nilagang itlog ay dapat kaming lahat ay may handog tuwing pagsamba, dahil naniniwala ako na duon nalulugod ang dios. 90s pa nun kaya uso pa ang limang pisong papel(nabanggit ko lang ito kasi naalala ko pagtitinginan ka ng mga katabi mo sa upuan pag naghulog ka ng pera sa hulugan ng pera at kumalansing). Sa kabila ng hirap ng buhay ay laging sagana ang aming handog(base sa spending power namin nung time na yun) para sa iglesia. Kami ng panganay kong kapatid ay tiglimang piso, ang tatay ko ay P20 at ang sa nanay ko ay P10. (90s pa po ito, uso pa ang puto seko na 5cents ang isa). Dalawang beses ang pagsamba sa isang linggo, kadalasan 2 beses sumasamba ang nanay ko dahil tumutupad ng straight bilang mang-aawit(choir) at auditor ng pananalapi. Ang 2 nakakabata ko naman kapatid ay tuwing linggo nagsasamba sa PNK, at nagbibigay sila ng P2 yung octagon na may buko sa likod. So ibig sabihin sa isang linggo, nagbibigay kami ng humigit kumulang sa P84. x sa apat na linggo sa isang buwan =P336 x sa 12 months sa isang taon = P4032, ito ay para lamang sa ordinaryong pagsamba. Ang iglesia ay may regular na special na pagsamba gaya ng mid year pasalamat, end of the year pasalamat, sta.cena(banal na hapunan). At ang mga pagsambang ito ay nangangahulugan ng malaking handog na kailangan ilagay sa sobre(puwera sa sta.cena, hindi nakasobre), may pangalan(buong pangalan) at kung magkano ang pera na nakalagay sa sobre. Alam ko na sasabihin nila na hindi naman ito sapilitan, at ibigay mo lang kung ano ang laman ng iyong puso at hindi dahil sa kailangan... blah blah. Pero we all know naman kung papano magbrain washed ang relihiyon gamit ang bibliya, at kaya nilang iparamdam sa yo na hindi sapat ang iyong pananampalataya kung maliit ang iyong handog sa mga natatanging pagsamba na iyon. Kalimitan pag malapit na ang abuluyan ginagamit nila ang bible verse na Lucas 21 na nagsasabing
"Sa kaniyang pagtingala, nakita ni Jesus ang mga mayayaman na naghuhulog ng kanilang mga kaloob sa kaban ng yaman. 2 Nakita rin niya ang isang dukhang balo na naghuhulog doon ng dalawang sentimos. 3 Sinabi niya: Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang dukhang balong ito ay naghulog ng higit kaysa sa lahat. 4 Ito ay sapagkat mula sa kaniyang karukhaan ay inihulog niya ang lahat niyang kabuhayan. Ang mga mayamang ito ay naghulog ng mga kaloob sa Diyos mula sa mga labis nila."
Sabay ipapaliwanag nila na ang dios ay mas nalugod sa babaeng balo kaysa sa mayayaman, dahil ang babaeng balo ay nagbigay ng labis o lahat ng kanyang kayamanan, hindi gaya ng mga mayayaman na nagbigay lang ng sobra sa kanilang yaman. Majority ng miyembro ng iglesia ay ordinaryong tao, mahihirap at hindi nakapag aral, hindi ko minamaliit ang kanilang katalinuhan pero gaya ko nuon na nasa loob pa ako ng iglesia, ang implikasyon sa akin nito ay isipin na ibigay ang lahat ng pera na meron ako sa bulsa sa panahon na iyon. At yun ang madalas na nangyayari sa aming pamilya, wala kaming pasko na mga iglesia, at ang year end pasalamat ay well sa end of the year o mga petsa na malapit sa pasko, kalimitan “by co incidence†after ng bigayan ng 13 month pay sa mga ordinaryong manggagawa, nab aka naman nagkakataon lang every year. At ang tangi naming isine-celebrate ay ang bagong taon, dahil after na ito na maibigay naming ang lahat ng pera sa iglesia kaya kalimitan ay nauuwi sa pangungutang ng panghanda sa medya noche.
Gano ba kalaki ang pera na inihahandog mahirap naming pamilya sa mga special na okasyon na gaya nito. Sa mid year pasalamat ito ay tuwing july, tuwing anniversary ng iglesia. Ang tatay ko ay naghahandog ng P2500 ang nanay ko ay P1000, ako at ang panganay kong kapatid ay 500 at 200 sa dalawang sasamba sa PNK na may total na P4900.
Sa year end pasalamat ang pinakamalaking handog na ibinibigay namin nuon. 10,000 ang sa tatay ko, 5000 ang sa nanay, tig 1000 kaming malalaking anak at tig 500 ang sa PNK. Total of 18,000.
Ang sta cena o banal na hapunan, though itinuturing ito sa isa sa pinakamahalagang pagsamba ng iglesia, hindi ganun kalaki ang “required†na abuloy, sabihin na lang natin na 600 para sa amin buong pamilya. Katuwaan lang na i-compute ang pera na nainbibigay naming sa iglesia sa isang taon at ang total ng pera na naibigay naming sa iglesia hanggang sa time na umalis ako sa poder ng magulang ko at narealize ko na ang relihiyon na ito ay isa lang malaking business kaya ako tumalikod.
Ordinaryong pagsamba – 4032
Midyear pasalamat -4900
End of the year pas. – 18,000
Sta.Cena – 600
Total/year = 27,532
Sabihin na lang natin na naduon ako ng 18 years, siyempre lumaki na rin ang mga kapatid ko, lumaki na rin ang bigay at pati na rin ang tinatawag na “sulongâ€(dapat mas malaki ang ibibigay mo sa susunod na taon kumpara sa nakaraan taon kahit magkano dahil duon natutuwa ang dios for some reason). Pero for the sake of computation mag sstick ako sa figures na mayroon na ako.
Meaning sa 18 years ko bilang iglesia, ang mahirap ko na pamilya ay nakapagbigay sa iglesia ng halagang 495,576 pesos.
Mahirap lang ang pamilya ko gaya ng majority ng kaanib sa relihiyon na ito, pero sa maliit naming na local sa isang katamtaman na bayan sa isang may kalayuang probinsiya, na may bilang ng kaanib na aabit sa 700, marami din naman kaanib ang may kakayanan o mayaman at bilang pananalapi, isa ako sa mga nagbibilang ng pera tuwing matatapos ang pagsamba, at ang pinakamalaki na nakita ko na inihandog ng isang tao sa end of the year pasalamat ay 120,000php.
Since nandito na rin naman tayo, katuwaan lang, icompute natin kung magkano ang income ng iglesia sa isang taon, gamit ang mga numbers na nasa itaas, considering na lahat ng mimyembro ay mahirap na gaya ng pamilya naming(i-klaro ko lang, ito ay nuong mga panahon na ako ay bata pa, nagsumikap ako sa buhay kaya kahit papano nakaahon sa kahirapan at nakapag aral ng kahit konti, baka kasi sabihin nila eh bakit kung mahirap ako ay bakit may time ako na gawin ang lahat ng ito at alam kong gawin ang mga bagay na ito, gusto ko lang isarado ang butas na ito). Ok back sa computation. Ang range ng abuluyan sa iglesia ay mula sa 5 piso hanggang 2000++, depende sa estado sa buhay, at depende kung saang bansa sila sumasamba, pero for the sake ng computation na ito ay gagamitin ko ang numbers sa itaas, take note na handog ito ng isang mahirap na pamilya.
Sabihin na lang natin na 2 million ang mga kaanib sa iglesia, alam naman natin na higit pa or else hindi mag interest ang mga politiko sa voting power ng relihiyon na ito.
Ordinaryong pagsamba – 4032x2M = 8,064,000,000 (yup billion po ito)
Mid year pasalamat – 4900x2M = 9,800,000,000 ( yup billion din po ito)
Year End pas. – 18,000x2M = 36,000,000,000 (billion)
Sta.Cena – 600x2M = 1,200,000,000
Total per year = 55 Billion per year
Gusto ko lang gumawa ng disclaimer na ang mga figures na ginamit ko sa computation na ito ay base sa personal knowledge ko sa inihahandog ng pamilya namin, at hindi ko alam ang eksaktong bilang ng kaanib ng iglesia ni cristo. O ilan ang bilang ng sumasamba every pagsamba. Pero since ang computation na ito ay from 90s pa, I can easily conclude na hindi bababa sa 50billion pesos ang kinikita ng iglesia sa isang taon galing sa handog ng mga miyembro nito. Tax Free!
Marahil sasabihin nila, makikita niyo naman ang naglalakihan naming kapilya, mahal magpagawa niyan, diyan ginagamit ang pera ng iglesia, gusto ko lang sabihin, na sa bawat pagsamba ay mag tinatawag na lagak, may tinatawag na drive, may tinatawag na tanging handog, never ko pa ito ginawa at wala akong personal knowledge ditto kaya pilili ko na lang na hindi I elaborate dahil baka makapagsabi ako ng maling impormasyon at magamit pa itong butas sa post na ito. Pero sa pagkakaalam ko specially ang tanging handog ay tulong na pondo para sa pagpapatayo ng kapilya, hindi naman ito sapilitan, at kalimitan na may ipinapatayo ang iglesia ay nakakakuha ito ng mga libreng tulong mula sa miyembro na tinatawag na “batares†pero in fairness meron din naman silang mga binabayarang trabahador.
At marami din rumor na kumakalat sa mga kapatid na maraming mamayamang kaanib ang nagdodonate ng buong kapilya sa iglesia, isa sa pinakapopular na rumor ay si Ben Chan ng bench ay nagbigay ng isang buong kapilya sa isang probinsiya. Wala akong personal knowledge at maaring hindi ito totoo.
So sa sobrang haba kong reply na ito, ito lang ang gusto kong sabihin, oo business ang iglesia ni cristo, isang business na nagbebenta ng isang invisible na produkto sa mga taong gullible enough na maniwala sa kanila, at nangyayari ang lahat ng kaguluhan na ito sa iglesia dahil sa inggitan ng magkakapatid sa pamumuno ng multi billion peso tax free business + political perks. Yun lang!