Author Topic: Patay naba talaga ang PBA?  (Read 7799 times)

lawrencium

Patay naba talaga ang PBA?
« on: May 28, 2015, 10:17:20 am »
26 na ako ngayon at Naalala ko nung 90's nung prime pa ng PBA at kapanahunan ni jaworski bilang playing coach, kahit mga pipitsuging team lang ang naglalaro eh punuan parin ang araneta at cuneta, nung bata ako bakasyon sa school sinasama ako ng dad ko sa pba pagkatapos ng work niya ,nanood kami non nung championship ng ginebra at alaska kasi die hard fan ni Jawo ang tatay ko at nahawa narin ako, take note nung 90's pa to at patok na  patok ang basketball noon at hindi ko malilimutan ang  mga panahong yon but gradually pansin na pansin ko yung pagdecline ng PBA pagdating sa mga nanonood, kitang kita naman ngayon ni wala nga sa 1/4 ang mga nanonood  kahit na finals, madalang nalang punuan pag ginebra ang may laban at finals pa yon kahit ang ratings sa tv vanishingly low na 1-3% lang ang nakukuha nila kahit na s Pangilinan na ang nagpapatakbo nito ngayon,nawalan narin ako ng interest at nakakalungkot din, bumalik nalang kahit papano kasi yung kaibigan ko na classmate ko rin nung highschool ay isang PBA player na myembro ng GILAS sa maniwala kayo sa hindi, sa sobrang taas ng mga achievements niya ay siya na yung tipong 350k a month ang sahod, ayaw ko nalang banggitin kung sino.

nivek_nayr

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #1 on: May 28, 2015, 10:35:11 am »
siguro dahil sa
puro fil-am na naglalaro dati kasi purong pinoy

naruto789544

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #2 on: May 28, 2015, 11:44:57 am »
add to this ung nawawalang never say die attitude ng mga members... before kung magliparan ang mga players walang kaba... ngayon halos mangilan ngilan na lang ang talagang inaabangan na players...

sleepless_blvd

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #3 on: May 28, 2015, 01:09:43 pm »
napansin ko pamahal ng pamahal ang ticket dati may give me 5 gen ad na,tapos 250 mo maganda pwesto ngaun ub na lang ata. sulit kung finals or maganda talaga laban pero ordinary game sa tv.

cheempanzee

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #4 on: May 28, 2015, 04:48:51 pm »
tama si nivek.... pano ba naman si isang team ilan ang egoy na nag lalaro? dami kasing gusto bumida

wildgang_10

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #5 on: May 28, 2015, 06:18:22 pm »
Mas exciting nung araw i think peak nga nito yung 90's san miguel, ginebra, shell, purefoods, alaska championship games..

ang sarap manuod nung araw kahit sa tv lalo na pag championship some fans may mga drums and tambol na dala ang saya!

tapos naalala ko yung mga Bading na nag fashion show during half time breaks and time out sa upper box..

then yung face of the game yung mga good looking na audience minsan celebrity i focus sa camera.

how about  pag announce na yung "LAST TWO MINUTES"

and who can forget Rudy Distrito yung famous shot nya!

nuon talaga may puso sa pag lalaro ng basketball, do or die saka na lang problemahin kung mag karoon ng injury

ngayun pera pera lang ang labanan very lame ang game and isa pa ang dami ng filams / foreign players na kasi...

 nuon mga imports lang ang makikita mo ngayun parang may tatlong import na nag lalaro sa isang team.

raiz3n

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #6 on: May 28, 2015, 08:17:06 pm »
panget na ngayun puro fil-am na talaga kasi,..  :(

BlueAlphaZero

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #7 on: May 29, 2015, 03:21:18 am »
There was a time--I think it was 2002--when veteran college and pro coach Bill Bayno labeled the PBA as the "San Miguel Basketball Association". For many fans, that was a low point of the league. They didn't like that it was turning into an intramural game for one company.
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

-=Kurabo=-

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #8 on: May 29, 2015, 08:24:18 am »
Corporate na corporate na kasi, meron nga one time sa araneta, habang nakatambay ako meron pinagkakaguluhan tinignan ko kung sino kaso di ko kilala tapos narinig ko PBA player pala ::laffman, minsan nakakatawa kapag mga katrabaho ko nagkwekwentuhan tungkol sa PBA kaso wala ako mashare dahil wala na talaga ako interest unlike nung dati, wala ng dating at minsan sobrang pulpol pa, simpleng lay up at open shot di ma ishoot, mas exciting pa panoorin ang WNBA eh.. siguro ang pagasa na lang kung gagayahin nila ang set up ng MBA noon para magkaroon ng solid fan base..

it ain't over. . .till its over

kobeyaki

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #9 on: May 29, 2015, 10:40:07 am »
Wala na solid fan base kasi mga players di nagtatagal sa isang team

rodeo

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #10 on: May 29, 2015, 10:47:44 am »
Nuon kasi lahat ng laban ay parang championship, nagdidive sa bola, nagsisikuhan, nagsusuntukan, takbo ng takbo, lalong maaksyon kapag ginebra pa ang laban.

ngayon ang mga player medyo cinderella na maglaro , ingat na ingat sa sarili, takot mainjury.

Master Dave

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #11 on: May 29, 2015, 11:44:31 am »
This sums up how the PBA is today.. A big joke.. And the refs just allowed the play to go on..

<a href="http://www.youtube.com/watch?v=nvpM_7R6mys" target="_blank">http://www.youtube.com/watch?v=nvpM_7R6mys</a>

raginghormones

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #12 on: May 29, 2015, 12:53:00 pm »
There was a time--I think it was 2002--when veteran college and pro coach Bill Bayno labeled the PBA as the "San Miguel Basketball Association". For many fans, that was a low point of the league. They didn't like that it was turning into an intramural game for one company.

this. lalo na pag trade between smb sister teams parang lokohan lang nangyayare. plus laking factor sa downfall ng pba ung pamamalakad ng commissioner. maganda pa nung si jun bernardino humawak ng pba, nung kay noli eala na dun na pumangit.

namiss ko classic late 80's and early 90's teams nuon. from smb to purefoods/coney island to alaska then shell, presto/swift, anejo rum/ginebra/gordon's gin. tas imports na sina tony harris, lamont strothers, kenny redfield, chambers etc.

zensuke101

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #13 on: May 29, 2015, 01:51:01 pm »
na 20,000 tuloy ng fine siya sa shoe pal pal

gardov

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #14 on: May 31, 2015, 06:41:58 pm »
puro mga diva na kasi naglalaro.


Josh29

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #15 on: July 14, 2015, 10:10:38 pm »
Meron pa rin naman mga bro.  Pero ang fan base nila MASA talaga.  Mga messenger sa office namin, mga sekyu, mga driver, subaybay talaga sa PBA.

Bring that higher, NO.

davpuno

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #16 on: July 15, 2015, 01:23:00 am »
tama si Kurabo!.. gayahin nalang ang MBA, para mas solid talaga ang Fans, tulad ng NBA. hahhaha
you got sexy in my eyes!!!!..

wildgang_10

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #17 on: July 15, 2015, 07:24:19 am »
tama si Kurabo!.. gayahin nalang ang MBA, para mas solid talaga ang Fans, tulad ng NBA. hahhaha

Thats the reason kung bakit bumagsak ang MBA ginaya yung NBA style, each team may kanya kanyang homecourt!

everytime na may game constant  yung transportation sa ibat ibang lugar....

 mga players and staff lalo na kung malayo air travel and hotels lahat, ang laki ng expenses hinde lahat ng local teams naka afford ng ganun, plus yung salary pa nila.


unlike sa manila ang venue astrodome, philsports arena or MOA malapit lang mag mobilized pati na mga logistics.

bigbanggoo

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #18 on: July 15, 2015, 07:47:36 am »
They don't even have their own website lol. Nakikisakay na lang sa inquirer.

TheDIRE

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #19 on: July 15, 2015, 07:54:21 am »
at mapapansin mo dn puro papogi na lng mga players ngayun... and one thing parang wala na din yung excitement kasi halos every 2 months yata may finals?? lol..  kakatapos lng ng championship,,next week,,may bagong season agad or kng ano man tawag nila dun ;).parang negosyo na lang,.. hanggang mauumay ka na lng kakapanood

-=Kurabo=-

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #20 on: July 15, 2015, 10:33:09 am »
at mapapansin mo dn puro papogi na lng mga players ngayun... and one thing parang wala na din yung excitement kasi halos every 2 months yata may finals?? lol..  kakatapos lng ng championship,,next week,,may bagong season agad or kng ano man tawag nila dun ;).parang negosyo na lang,.. hanggang mauumay ka na lng kakapanood

ito na lang bakit mas pinili ni Bobby Parks na sumugal sa NBA summer League kesa sa PBA? simple lang, wala kasing development dito.. oo andun ang training pero kapag pinanood mo yung Japan at korea, natatalo tayo hindi sa takbuhan pero sa basic fundamentals like lay ups, shooting, and passing. hopeless na ang PBA.. nakakatawa kasi basketball pa naman ang laro ng Pinas pero nakakaawa kapag nakikita mo kapag regular season halos langawin ang nanonood minsan kahit finals eh.. ganda pa naman ng effort ni MVP na ipromote ang basketball

it ain't over. . .till its over

naruto789544

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #21 on: July 15, 2015, 11:33:12 am »
part of the reason na din ang technology... before pba lang talaga ang puwede mo mapanood.. now you can watch mga leagues from other countries which is much more exciting para satin... dying slow ang pba and i hope sana maagapan pa...

raberdaki

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #22 on: July 15, 2015, 08:54:00 pm »
one big factor rin kaya di gaanong matao sa venue is traffic papunta and pauwi....

Zbuffer101

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #23 on: July 15, 2015, 11:24:50 pm »
May mga ref sa pba . Na malabo na ang bata

kenji321

Re: Patay naba talaga ang PBA?
« Reply #24 on: July 16, 2015, 07:36:40 am »
Patay? Feeling mo lang un. Buhay na buhay ang pba. san miguel beer  na yan.