Author Topic: Convert to Piso Net  (Read 4340 times)

aeon14zyx

Convert to Piso Net
« on: May 03, 2015, 08:33:51 am »
May Internet Cafe ako na sinara ko muna for the meantime kasi di na ganun kalakas, parang ang kinikita lang ay pangbayad lang sa nagbabantay ng shop. Naisip ko kung iconvert ko kaya to Piso Net. Ano po ba advantage and dis-advantage pag PisoNet.

TIA.

heishinei

Re: Convert to Piso Net
« Reply #1 on: May 04, 2015, 06:26:49 am »
Personally I think PisoNet shops are very popular kung nasa skwater areas ka, more kids ang maglalaro sa PisoNet.

Here's what my calculations are
PisoNet kita per unit:
1 peso = 3 minutes
20 peso = 60 minutes

Non-PisoNet kita per unit:
15 pesos = 1 hour
25 pesos = 2 hours


Pros and Cons for Piso Net:
Pros :
Mas malaki kita mo and less problematic ka sa maintenance
Cons :
Walang accounts to add time
Dito sa shop namin kasi ang mga player namin (which is 80%) lagi sila 6 hours added time per day.
Mas mahirap lang pakiusapan mga bata (magulo, naninira, etc)
Marami kang bubuhating piso paguwi mo hahaha! (Unless mapapalit mo)

Pros and Cons for Non-Piso Net (Accounts):
Pros:
Ang pag gamit kasi ng account para sa mga user parang formal eh, maayos siya compared sa PisoNet, Strictly kung ayun lang ang pera mo, ganun lang.
Nasasave ang oras, if di ka na lalaro at may remaining time ka pa. Pede pa naman ipagpabukas o mamaya.
Nababantayan mo yung mga gumagamit through the main computer, pede mo icheck kung anong ginagawa nila without them knowing.
Mas madaling iupdate ang games dito kasi through the main computer din ang updates
Pede ka mag add ng promos (100 pesos/10hrs)
Pwede mo iupgrade ang specs ng computer.

Cons:
Kung bata ang mga gusto mong customer, well hindi to para sayo kasi mas madalang mga matatanda dito at lalo na mga adik.


Conclusion:

I prefer PisoNet kung maraming bata sa area mo, I prefer the non kung marami kang suki na matatanda. I prefer to find another area kung marami kayong kompyuteran dyan at hindi talaga maayos ang kita.

May mga hindi pa ko naadd, ito nalang maisip ko. As of now nagbabantay pa ako ng shop.

Personal Suggestion:

Sa tingin ko kailangan mo iupgrade lahat ng units mo, plus pagandahin mo yung mismong shop. Like add a new aircon, a faster internet, better specs and monitors for the computers and more importantly better staff na accommodating at medyo pranka para masaya ang mga suki!

:) Hope you decide.

naruto789544

Re: Convert to Piso Net
« Reply #2 on: May 04, 2015, 11:12:29 am »
i agree with the recommendations of sir heishinei... check mo din at baka saturated na area mo ng mga internet shop kaya madalang na customers mo...