Author Topic: KINSE  (Read 499 times)

deosh_pilyo

KINSE
« on: April 22, 2015, 04:19:05 am »
KINSE

Humayo ka at maglayag
At tuklasin mo ang lawak at lalim ng dagat
Sa hawla, ikaw ay lumabas
At hahayaan kitang lumipad
Upang malayang laruin ng hangin
Ang iyong mga pakpak
Subukan mong ihakbang
Ang iyong mga paa
At dalhin ka sa mga lugar
Kung saan malalaman mo ang kahulugan
Ng pagiging isang Malaya

Subalit ANAK…
Huwag iwaglit sa iyong isip
Na bumalik sa iyong pinagmulan

Dahil ANAK…
Kahit ang maglalayag, kapag inabot ng sigwa sa laot
Hahanapin ang parola upang makabalik sa pampang
Kahit ang ibong Malaya, kapag malapit ng lumubog ang haring araw
Ay babalik sa kanyang pugad upang doon magpahinga
Kahit ang manlalakbay, saan mang lupalop sya mapadpad
Darating ang panahon at muli niyang  masusumpungan
Ang lugar kung saan siya nagsimulang humakbang

Sapagkat ANAK…
Ako ang iyong AMA..
… Ang iyong PAMPANG
… Ang iyong PUGAD
… Ang iyong PINAGMULAN
Narito lang lagi ako ANAK… Para sa IYO… KINSE!

 ;) ;) ;)

yonipspy

Re: KINSE
« Reply #1 on: April 22, 2015, 04:28:24 am »
galing... ;)


online 24/7

deosh_pilyo

Re: KINSE
« Reply #2 on: April 23, 2015, 05:36:31 am »
Thanks for the appreciation yonipspy!  ;)