Thank You for Your Love
Celebs, netizens mourn death of Alamid's Gary Ignacio
April 17, 2015 6:13pm
Kasunod ng pagkakaulat ng pagpanaw ni Gary Ignacio, lead vocalist ng bandang Alamid, ilang celebrities at netizens ang kaagad na nakiramay at nagpasalamat sa musika na kaniyang iniwan.
Biyernes ng hapon nang bawian ng buhay ang 49-anyos na si Gary dahil sa komplikasyon sa kaniyang sakit habang nasa National Kidney and Transplant Institute.
Kabilang ang OPM artist na si Noel Cabangon, presidente ng Filipino Society of Composers, sa mga naunang nag-post sa kanilang social media tungkol sa pagpanaw ng kaniyang kaibigang ni Gary.
Maliban sa "Your Love," ilan pa sa mga inawit ng Alamid ay ang "China Eyes," "Batibot", "May Pag-asa," "Just Wasn't Brave Enough," Panaginip, "Still Believe in Love," at "Sama-Sama."
More from:
http://www.gmanetwork.com/news/story/471798/showbiz/chikaminute/thank-you-for-your-love-celebs-netizens-mourn-death-of-alamid-s-gary-ignacio RIP Mr. Your Love..