Author Topic: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider  (Read 13463 times)

TobleRONe

Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« on: March 07, 2015, 07:25:23 am »
Nagulat na lang ako pagbukas ko ng espiya, biglang mag pop up na bumukas. natawa pa nga ako na ang espiya ba ngayon naglalagay na rin ng ads.

nang mapuna ko kung ano yung pop up it came from PLDT. at first akala ko baka malware kasi its saying may outstanding balance daw ako.



then pagclick ko, nagulat ako na nakaspecify yung account number ko with PLDT, plus yung amount na hindi ko pa raw nababayaran as of Feb 14.



obviously its computer generated kasi its already March 7, almost 1 month na ang lumipas. Sana man lang check their records kasi bayad na.

But that's not what irritated me the most, feeling ko may violation somewhere. Like, privacy perhaps. Paano kung may nakigamit ng computer ko eh di makikita ng iba hindi ako nagbabayad. Kung sa email nila pinadala maiintindihan ko pa. Pero yung biglang may magpa-pop up sa isa sa mga websites na pinuntahan ko, it doesn't feel right.

May naexperience na ba kayong ganito?

KaMushroom

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #1 on: March 07, 2015, 07:35:05 am »
sa smart bro dati. pag malapit na, pag open mo ng browser mareredirect sa smart bro page saka ung balance mo
.

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #2 on: March 07, 2015, 07:55:37 am »
unang una ipanadadala nila yung bill thru courier. Hindi na kasalanan ng subscriber na hindi natatanggap ang bill dahil according to them tinatapon or hindi dinedeliver ng courier yung bill.

pangalawa may landline yung DSL subscription ko. so pwede nila akong tawagan doon, na ginagawa naman nila.

pangantlo, hiningi nila email address ko, para sa reminder din.

pang-apat, wala sa usapan ito na magpapadala sila ng pop up.

imaginin mo na lang para bang ginawa nila ay "Uy is account number na ganito, ginagamit itong IP na ito ngayon, padalhan natin ng pop up notification na hindi pa sya bayad" it just doesn't feel right.

=====
Anyway, wake up call na rin na para bang sinasabi nilang "we're monitoring you, bawas bawasan mo na ang porn."

rodeo

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #3 on: March 07, 2015, 08:19:26 am »
totoo plang galing sa pldt yan akala ko spam may nagpopup din sa akin today hindi ko click

d_sinner78

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #4 on: March 07, 2015, 09:33:52 am »
Lesson of the day: read the terms and conditions carefully before agreeing to any service (or at least pag may reklamo ka). I know lahat naman guilty sa pag-agree-agree nang hindi nababasa/naiintindihan mabuti, but the consequence is that you're essentially giving them permission to do things that you may object to. Chances are their legal department would have taken steps to make sure they are either shielded from liability or that you have waived your rights.

Acceptable Use Policy – In PLDT’s efforts to promote good citizenship within the Internet community, PLDT will respond appropriately in the event that it becomes aware of any inappropriate use of the service. PLDT reserves the right to monitor bandwidth, usage and content, and from time to time to operate the service to identify violations of the Acceptable Use Policy or any inappropriate use of the service and/or to protect the PLDT network and other PLDT subscribers.
...
Billing - PLDT shall forward to the Subscriber a monthly billing for the use of the pertinent PLDT Service. Notwithstanding the non-delivery or late delivery of the pertinent PLDT bill, it shall be the responsibility of the Subscriber to inquire about his outstanding Total Charges by calling the PLDT hotline at telephone number 171 and pay the outstanding Total Charges, without need of further demand, on or before the due date thereof.

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #5 on: March 07, 2015, 06:15:32 pm »
Lesson of the day: read the terms and conditions carefully before agreeing to any service (or at least pag may reklamo ka). I know lahat naman guilty sa pag-agree-agree nang hindi nababasa/naiintindihan mabuti, but the consequence is that you're essentially giving them permission to do things that you may object to. Chances are their legal department would have taken steps to make sure they are either shielded from liability or that you have waived your rights.

Acceptable Use Policy – In PLDT’s efforts to promote good citizenship within the Internet community, PLDT will respond appropriately in the event that it becomes aware of any inappropriate use of the service. PLDT reserves the right to monitor bandwidth, usage and content, and from time to time to operate the service to identify violations of the Acceptable Use Policy or any inappropriate use of the service and/or to protect the PLDT network and other PLDT subscribers.
...
Billing - PLDT shall forward to the Subscriber a monthly billing for the use of the pertinent PLDT Service. Notwithstanding the non-delivery or late delivery of the pertinent PLDT bill, it shall be the responsibility of the Subscriber to inquire about his outstanding Total Charges by calling the PLDT hotline at telephone number 171[/color] and pay the outstanding Total Charges, without need of further demand, on or before the due date thereof.


hindi rin naman tama ito, by law, required silang magpadala ng disconnection notice. just like meralco, meron silang disconnection notice bago nila putulin ang service.

and kung responsibility nga ng subscriber na alamin ang balance, naviolate nila yung kontrata by sending pop ups about sa billing.
Quote
it shall be the responsibility of the Subscriber to inquire about his outstanding Total Charges by calling the PLDT hotline at telephone number 171

Quote
pay the outstanding Total Charges, without need of further demand, on or before the due date thereof

so bakit kailangan pa nilang magpadala ng pop up?
« Last Edit: March 07, 2015, 06:31:42 pm by TobleRONe »

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #6 on: March 07, 2015, 06:39:47 pm »
hindi ba't further demand yung ginagawa nila nang magpadala sila ng pop up?

Here's the whole picture, sa kapatid ko yung subscription. Binibigyan ako ng pambayad monthly. Baka maya nyan magpop up din yung notification sa computer nya at isipin kung saan napupunta yung binibigay nya at hindi nababayaran ang phone bill. at kung magpapadala naman sila ng notification dapat alamin muna nila yung records kung bayad na lalo na't 3 weeks ago pa yung pinadala nilang notice na hindi pa nababayaran.

palagi na lang sasabihin na "if na settle yung account disregard the message"

pamamahiya yung ginawa nilang iyon.

d_sinner78

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #7 on: March 08, 2015, 01:37:48 am »
1) Na-disconnect ba yung connection mo without notice?
2) Did you read anywhere in your contract na 'paper bill' ang ipapadala nila? Or is that your own assumption? Unless you've read somewhere in your contract na bills will *only* be sent via hardcopy/paper bills. It doesn't violate your contract.
3) Pag sinabing '...without the need of...", hindi ibig sabihin na hindi na nila pwedeng gawin.

Anyway, I'm not from PLDT. What I'm saying is that  I haven't seen/you haven't shown anything illegal. You can complain to their Customer Service, but I doubt that will make any difference. You can also switch providers, though the others will likely be employing similar methods.

On a personal note, kung ang concern mo e 'pamamahiya', missed bill for 1 month is no biggie. It happens every now and then even to those who are well off. It kinda speaks more about personal insecurities than shaming.

bigbanggoo

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #8 on: March 08, 2015, 03:41:05 am »
Tinawagan mo na ba sila at nag inquire ka na about dito?

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #9 on: March 08, 2015, 06:04:18 am »
yung pagtawag nila dito sa bahay, hiningi pa nila yung permission. eto wala.

kung hindi na nila need ng permission dahil pwede nilang gawin, hindi na sila dapat humingi ng permiso.

at kung gagawin nila ng tama serbisyo nila, makikita nilang long before mag due date ng March 8 ay bayad na.

kung pwede nga lang bang ipaputol ang DSL subscription dito matagal ko ng ginawa. Sad to say PLDT lang ang may hawak sa area namin.

yun nga eh, kung magrereklamo ako, mapupunta lang iyon sa deaf ears. kaya mabuti ng dito ako magvent ng frustration ko at least baka makakuha ng attention from the right people.

similar methods? in laws ko they are using globe dsl at wala silang naexperience na nagpapadala ng pop up notification from globe.

Idiot

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #10 on: March 08, 2015, 07:33:19 am »
nyahahhahahahahha

wala naman naka-sulat na in paper yung bill sabi nila they will forward it walang sinabing medium kung papaano

kase alam mo iho ang mga pinoy mahilig magpalusot hangga't kaya nyang mag-palusot may official receipt ka naman kung sakaling hindi nila na-update yung bill unless hindi mo binayaran at nag-worry ka dahil malalaman nilang hindi mo binayaran dahil sa pop-up

hindi yan pamamahiya marami na silang experience na nagpapalusot  kaya ginagawa nila yan sa amin nga on the spot disconnection walang notice notice sa kuryente ang daming nakakakita okay lang sa kanila

kapag may notice naman nagagalit sasabihin baka kala nila wala kaming pambayad
mga pinoy talaga

and some University and Schools they adopt paperless submission wala na kaming hardcopy ng mga assignments pure email na lang

ngayon kung nakakaapekto sayo ang ganyan scheme MAG-PADISCONENCT KA AT LIPAT KA SA GLOBE kaysa reklamo kayo ng reklamo na alam  nyo naman walang solusyon

O:T
Sa mga IT dyan magandang thesis yung pop-up ng PLDT

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #11 on: March 08, 2015, 08:00:14 am »
actually March 11 pa pala ang due date. so kung napakagaling nila dapat updated din na alam nila kung kailan nakapag bayad.

9 years na ako nagtitiyaga sa PLDT. as i have said kung meron lang akong ibang choice dito sa area naman nagpalit na sana ako. PLDT lang ang may wired connection dito at ayaw ko naman lalo ng wireless broadband service ng sun/smart or globe. dahil mas lalong sakit ng ulo ang wireless broadband.

rodeo

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #12 on: March 08, 2015, 11:52:07 am »
actually nonsense kasi ang  ginawa ng PLDT na pop up kasi nagpapadala na sila ng bill sa email eh...

sa case ko natakot ako na baka mamaya spam pala yun pop up na yun kasi alang proper notice  kahit sa email man lang sana nagpadala sila ng notice ng panibagong system nila ng reminder

soundwav0

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #13 on: March 08, 2015, 12:09:24 pm »
Simple lang solusyon diyan.

KUNG AYAW MO AT MARAMI KANG REKLAMO SA SEBISYO NG PLDT...

EH DI MAGPA-DISCONNECT KA NA AT HUMANAP KA NG IBANG INTERNET PROVIDER...

KUNG MAY PROBLEMA KA PA DIN SA IBANG PROVIDER...

EH DI GUMAWA KA NG SARILI MONG INTERNET SERBIS...

OR HUWAG KA NA LANG MAG-INTERNET...


Tapos ang problems!

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #14 on: March 08, 2015, 04:33:19 pm »
ang dami talaga di nakaka intindi. wala ngang ibang provider dito sa area namin. kung meron lang ba bakit ako magtityaga dito sa PLDT.

kung yung 3g services naman ng smart, sun at globe sakit din ng ulo kaya bakit ko rin kukunin.

at ang point dito na-violate ang privacy namin.

kung sa printed bill kung kanino lang nakapangalan sya lang makakakita.

kung sa email, kung sino lang ang may email sya lang din makakabasa dahil sa hindi namin pinapakialaman ang email ng bawat isa

kung tumawag man sila sa phone hinahanap nila yung subscriber.

SAMANTALANG SA POP UP, kung sino ang gumagamit ng IP namin, lahat pwedeng makakuha ng notice. kayo ba gusto nyong nabobroadcast kung magkano bill or ginagastos nyo? Dito sa bahay ang gumagamit ng internet, ako, anak ko, asawa ko kapatid, pinsan at kung minsan may bisita na nakikiconnect sa internet. Hindi ko gusto na nabobroadcast sa lahat yung bill ko.

ruruti

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #15 on: March 08, 2015, 05:27:28 pm »
Kakatawa reply dito nang iba. Kala mo ang gagaling talaga. Haha! Kesyo nagpapalusot daw or lumipat na lang. Di ba pwedeng mag isip muna nang husto kung ano ang sinasabi ni TS? Legal man o ilegal, yung iba dyan di na kailangan mag magaling pa. As if naman walang karapatan mag reklamo ang isang customer.

Tignan mo na lang reply nitong si soundwav0, panalo sa [email protected]#$$%!.

Ang concern ng TS ay security at privacy nya, not much between him and pldt, but more on other people seeing the notification/pop-up when they are not the intended recipients.

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #16 on: March 24, 2015, 08:29:52 am »
palagi ng may nagpopop up na blank notification sa browser since ng magpadala ng pop up notification ang PLDT.

hindi kaya they screwed up with their pop up notification?



@rodeo
nangyari rin ba sa iyo ito.

TobleRONe

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #17 on: May 08, 2015, 08:19:29 am »
update:

spam na nangyayari:



halos lahat ng site na puntahan ko bigla magpa-pop up. tapos hindi pa rin naman updated yung bill. last feb bill pa rin yung pinapakita after clicking the link.

while typing this message, lumabas din  >:(
« Last Edit: May 08, 2015, 08:21:34 am by TobleRONe »

-=Kurabo=-

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #18 on: May 08, 2015, 12:00:24 pm »
try mo ireklamo sa Cusomer service nila kasi possible na error nila sa side nila yan na naging bug na sa ating mga subscribers

it ain't over. . .till its over

takume

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #19 on: May 08, 2015, 06:53:30 pm »
ako din mga sir ganyan nangyayari. tinawag ko na, kung ano ano lang pinagsasabi. wala namang nangyari. may pareset reset pa ng modem nalalaman, eh di naman conection ang problema. sabi pa baka daw naiwan lang sa router ko, pwede ba yun?

MasterChief63

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #20 on: May 08, 2015, 08:18:55 pm »
One time nung nagreformat ako PC and wala pa adblock ayun lumabas Yan, nung nainstall Ko na adblock wala di Ko nabulit Yan nakita
SaayaStrips...

Zbuffer101

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #21 on: July 12, 2015, 04:06:36 pm »
tae yan outstanding balance dati.... late payment lang ako ng ilan araw.... dapat sa outstanding balance yung ilan buwan ka na di nag bayad diba ?

Sixth_String

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #22 on: July 12, 2015, 09:37:15 pm »
baka may youtube downloader ka or something meron kasi ung mga ganun na parang malware na lahat ng site na iopen mo magkakaron ng ads kahit wala naman. Yang sa pldt nagsusuply lang sila ng ads sa mga ad network so nagkakataon lang na kapag may ad network lalabas yan, malay mo meron ka nung ad block ad spot something kaya lagi lumalabas yan. Im sure di sa PLDT yan may nadownload ka lang something na nagpapalabas ng mga ads

screamshot

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #23 on: July 13, 2015, 12:04:24 am »
check your extensions sa settings ng browser. baka merong extensions na naka activate kaya naggaganyan. try to disable them or better remove.
        

"knowledge comes from finding the answers..."

rodeo

Re: Is this legal? Pop up from PLDT DSL Provider
« Reply #24 on: July 13, 2015, 06:55:14 am »
@toblerone

nangyayari din minsan sa akin yun parang spam paulit ulit. minsan blank din...

sadya sila nang aasak para bayaran on time or minsan kahit ontime ka maypop up pa rin. gusto ata nila before pa magdue ng husto...