Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Blue Ribbon Hearing (September 4, 2014) Alleged overpricing of the 11-storey new  (Read 5286 times)

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Napanood ko yung hearing about sa mga overpriced building ng Makati government. Im proud to have watched this because I saw na may magagaling palang senador sa atin like senator Cayetano & Pimentel. Too bad na si JV Ejercito is mahina at walang alam. Its to obvious that he is defending the Binays. Wala kaya isip itong si JV? All his questions and suggestions is pang barangay level, saying lang ang pwesto nya sa senado. It's pretty obvious na overpriced and the whole nation knows about it and still he's defending the overpriced building? I cant believe the gal of this man. And after the hearing wala man lang news about it? Wala man lang nagsulat ng artikulo sa mga newspapers about sa mga nangyari sa senate hearing? Ganun na ba ang mga press dito sa atin? Kung alin ang importante para sa bansa at future ng atin bansa wala man lang nagmalasakit? Hope this coming Thursday mas marami pa tayong malaman na katotohanan para matakot ang mga nasa gobyerno na nanood at nakikinig ang buong mamayan at di natin palulusutin ang mga ganitong kalokohan.  >:(

here the link if you missed it
http://www.youtube.com/watch?v=AHNEIB6hCHg

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Obviously eh medyo shallow ang capacity ni JV when it comes to speaking and expressing.  Add the fact na tagilid pa yung kinakampihan niya kaya mas hirap uli siya.  Obviously eh divided ang Senate when it comes to this issue.  Do you thunk that without any backup, the senators will have the guts to grill the family of the VP?  Dagdag mo pa na running for President si VP and as of now, is the one leading.  The whole point of this blue ribbon committee is to bring the issues to the masses and to turn their votes around.  Di ba nakasampa na sa ombudsman ang kaso?  Hindi naman sa Senate magkakaroon ng judgement with regards the case.  Obviously eh malaking pera ang naibulsa sa paggawa ng building na iyan.  Pero obvious din naman ang intensyon ng blue ribbon committee.  Admittedy ay magaling si Pimentel and si Cayetano.  Thumbs down pero ako kay Trillanes.  Now ang tanong ko eh sino ang gagawing VP ni Mar Roxas?  On the job training ba at kumbaga eh selection process and committee hearing para sa Kung sino ang kukuning VP ni Mr. Palengke?
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

discO pOtatO

  • Mature (18+)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 8
  • Karma 3
i rather go for cayetano or miriam defensor for pres..just to make things interesting..

Smitty Werben Man Jensen

  • Once I met this guy who knew this guy who knew this guy who knew this guy who knew this guy...
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1443
  • Karma 56
  • Gender: Male
  • who knew this guy's cousin!
  • Special Skills: Necromancy
the sad part is, at the end of the day, they'd still get the majority of the votes and will come out of this unscathed

keep the poor poor, misled, and uneducated.. and let them multiply like zerglings! that's the corrupt politician's recipe for success

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
ha hahahahahaha

nagagaling kana

sabi ng Prof ko e naturally
ang mga pinoy e magaling talagang magsalita but sad to say hanggang dun na lang yun sa salita lang sila magaling

marami na akong naka-usap na taga-makati known fact na ang corruption pero wala pang CIty na nagbibigay ng libreng cake, Libreng hospital at libreng education sa makati lang, even libreng sine ng mga senior

kahit mga cayetano yan e may bulok din ang mga yan baka may billion anomalya din sila

sabi din ng nakausap kong rsearcher sa media
nag-start yan yun pumutok ang derailement ng MRT after a week biglan sira kay BInay eventhough di ako maka-binay, sabi nya yung pang-bili ng bagon ng 2011 at 2012 e kinuha ni noynoy para sa kanyang DAP therefore totoo ang sinasabi ng MRT na nag-request na sila ng bagong bagon so para maalis ang atention sa kapalpakan ng Penoy admin   nag misdirection sila towards BInay na mataas ang rating currently

as we discussed sa klase na before pa kung talagang may corruption may auditing team po yan then titignan pa yung liquidation kung overprice etc etc every centavo naka audit

alam ho lahat ng senador yan kung paano mandaya sa audit di lang si binay pati cayetano et al

even Trillanes na may travelling expenses kahit nakakulong sya

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Very well said idiot.  As I said prior, I'm not talking based on what or who I will vote for eventually.  It is just sad that issues like such are being used to further someone else's interest.  Ombudsman is the right avenue for this, hence stop the "in aid of legislation" and let's get back to reality.  Ang dami mga issues na isinasang-tabi pa lang para ang atensyon at opinyon ng mga pinoy eh magbago.  The wakeup thing that this incident has brought is one who screams he is against dirty tactics and deeds, is now being controlled by the actions he so denounced then!

And yes, I'd vote for Miriam too.  We have had enough and we are desperate to vote for someone who others have accused of losing her mind!

I'd be glad when election period will be conducted without the usual sing and dance act being done by seemingly-clown who are actually running for elective position!  Wake up, PINAS.  Let us end the practice of us being fed with crap.
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

BlueAlphaZero

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3860
  • Karma 213
  • Gender: Male
  • We would like you to know a few things.
"Panem et circenses," as the Romans are wont to say in Asterix. Bread and circuses--whether it's free cake and movies or political intrigue and drama by way of a Senate hearing--will always keep the people happy and content.

Meanwhile, the anti-Noynoy Aquino faction will call the hearing a cover-up; the anti-Jejomar Binay faction will call it long overdue; the self-proclaimed patriotic faction will call the other two corrupt and call for a revolution; the religious will call upon God to help our nation (He will, of course, in His mysterious way); the people will call it all more of the same and vote for all the familiar names and faces come election time; and so this form of government called democracy (with all its charming variety and disorder) will march forward on its usual course.
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Miriam is the best choice, hope he has a very good vice president. Pwede na si Cayetano mag VP!  bnana

VeilSpy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1390
  • Karma 28
boyo hindi libre yung mga cake na pinamimigay nila at etc.. galing sa pera ng taumbayan yan.. eto pa, yung mismonng bakeshop na pinagbbilan nila sila din may-ari. overpriced din ang cake na tig 1k mahgit ang isa.

kenji321

  • Anime Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 262
  • Karma 17
Miriam is the best choice, hope he has a very good vice president. Pwede na si Cayetano mag VP!  bnana

Miriam will not last anymore, Cayetano? good luck na lang sa mga ambulance at sa pera nang bayan na pinambili nang stocks. My bet, DUTERTE, GIBO, OR DICK.  toast::

schwack

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma 25
Masyado kayong nagogoyo ng Prof nyo master, Hindi lang sa MAKATI may ganyan actually kapag ang isang syudad may kakayanan, maibibigay niya yan lalo sa mga Senior Citizens. Sa Laguna ganyan maganda ang suporta nila sa mga Senior twice pa in a month sila may libreng sine. Wala nga lang Over Priced Cake na galing mismo sa pamilya ng mga Ninay PANDAGDAG COVER UP at additional kumikitang kabuhayan.

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
admittedly, marami anomalya sa pinas.  mula sa pinakamababang kawani papunta sa mga malakaki.  maganda ang malaman ng taong-bayan ang mga nangyayaring ganito.  ang hindi lang maganda ay ang timing, dahil nagiging kaduda-duda ang intensyon ng pag-usig.  dagdag pa na masakit sa teynga ang matindi at pilit na pagmamalinis ng mga umuusig sa mga isyu na pinupukol sa kanila ngayon.  COA at Ombudsman dapat ang nangungunang ahensiya para sa mga ganitong usapin.  hindi yung ginagawang napakaagang entablado ang senado para sa 2016.

and sa gibo, duterte at gordon.  malamang sa hindi ay magkakaanomalya rin ang mga yan pag nakaupo.  ang sa kanila lang ay malamang ay kuntento na sila sa barya, kumpara sa mga iba diyan na 100% markup ang ginagawa.
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
I read todays Star Newspaper columnist Cito Beltran. He is all negative about senators Cayetano, Pimintel & Trillianes. But he didn't mention about JV Ejercito's stupidness. Maybe for him the Makati 11 storey building is not overpriced and its ok to be overpriced. Akala nito na ma-gagago nya mga readers nya. Ano ba ang importante para sa ikaka usad ng bansa? Siraan ang mga taong gumgawa ng tama o protektahan ang mga tao na inaabuso ang kanilang kapangyarihan? Atleast itong mga senators na ito ay may guts, di bale ano ang sabihin ng mga tao basta tama ang gingawa nila. He should be a responsible journalist di tinatakpan ang katotohanan parang lumalabas nito gaya sya ng tatay nya, puro lang salita na walang kwenta. Sabihin nya nang deretso na walang maling ginawa si Binay at ok syang maging susunod na presedente, paikot-ikot pa.  >:(

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Quote
Masyado kayong nagogoyo ng Prof nyo master, Hindi lang sa MAKATI may ganyan actually kapag ang isang syudad may kakayanan, maibibigay niya yan lalo sa mga Senior Citizens. Sa Laguna ganyan maganda ang suporta nila sa mga Senior twice pa in a month sila may libreng sine. Wala nga lang Over Priced Cake na galing mismo sa pamilya ng mga Ninay PANDAGDAG COVER UP at additional kumikitang kabuhayan.

hindi yan ang sinabi ng prof ko

ang sabi ko marami na akong nakausap na taga-makati

sabi ng Prof ko e naturally
heto ang sinabi nya ang mga pinoy e magaling talagang magsalita but sad to say hanggang dun na lang yun sa salita lang sila magaling

then kaya nagkakagulo sa hindi PAGBASA ng mabuti kaya naniniwala agad sa sabi-sabi e

then naniniwala kayo agad na 1000k pesos ang isang cake sana nanuuod kayo ng follow-up yung tinanong kung anong basis nya at nasabi nya yun

"Kase daw hinala lang nya na tig-1000 yung cake" sinabi sa blue ribbon  committee 

sometimes kaya hindi umaayos ang PINAS e may conclusion agad kayo know the fact and analyze

porke't pumanig lang sa opinion nyo hanggang dun na lang pag-iisip nyo

currently every subject gumagawa kami ng Baby Thesis
hindi pwede ang opinion lang dapat may basis lahat ang mga conclusion hindi porke't sinabi na 1000k ang isang cake e 1000k na talaga kailangan may evidence kang magpapatunay or related literature to support your conclusion

kaya nasabi ni Cito beltran yan kase ang timing mali may motibo, Cayetano is one of the aspiring presidential candidates and BInay is one of the most popular ngayon sa survey therefore it is clear na character assassination.

or a preparation para humina ang kalaban because Roxas is unpopular dahil wala ng malakas na manok ang liberal party

Sad To say dahil sumablay ang blue ribbon committe especially the cake thing na hinala lang pala at walang clear evidence na overprice at perception lang pala Binay will gained more support to the masses dahil maitim na nga inaapi pa 




schwack

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma 25
Kaya nga may Comma yung sentence eh.. Para humiwalay dun sa Next sentence, So wag din dapat sabihin na sa MAKATI lang ang may libreng ganito ganyan kasi meron din sa ibang bayan na may kakayahang magbigay example nga sa Laguna.

Dapat pala gawa muna tayo ng THESIS mga pafs para malaman kung bakit 5 parts ang Bidding ng 2.7 Billion na building sa makati na WORLD CLASS na dalawa ang elevator yung isa SIRA, tapos THESIS na din kung bakit yung mga tiles ng building na WORLD CLASS eh merong parts ba walang Kisame at ang Tiles tipid ang pag mamasilya.

Dapat din gawa muna tayo ng THESIS kung bakit sa isang company lang napupunta ang Bids. Ang sakit naman sa ulo kung thesis muna bago ang lahat, nyahaha hindi ba pwede sense muna bago Thesis.

Guys dun naman sa mga expert na I.T dyan kaylangan ba talaga gumastos ng 350 MILLION sa paglipat lang ng Computers cables wires LAn connections etc etc??? Kasi sa mga may konting alam kung papaganahin mo ang common sense may kalakihan nga yung 350 Million, as TRANSFER ng fascilities maybe even if Brand new na lahat.

Tapos about dun sa maintenance ng mga Computers na umaabot ng 150 MILLION kada taon nagpapalit pala ng computers ang Makati yearly or sa maintenance lang. Patulong po sa mga I.T experts salamat.

KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
bakit kasi 2014 palang e takbuhan na ng 2016 ang iniisip?
.

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Guys dun naman sa mga expert na I.T dyan kaylangan ba talaga gumastos ng 350 MILLION sa paglipat lang ng Computers cables wires LAn connections etc etc??? Kasi sa mga may konting alam kung papaganahin mo ang common sense may kalakihan nga yung 350 Million, as TRANSFER ng fascilities maybe even if Brand new na lahat.

Tapos about dun sa maintenance ng mga Computers na umaabot ng 150 MILLION kada taon nagpapalit pala ng computers ang Makati yearly or sa maintenance lang. Patulong po sa mga I.T experts salamat.

- Kahit bumuo sila ng panibagong network at baguhin nila lahat ng gamit, hindi aabot ng 350M yun. Kahit sabihin mong Cisco Routers/Switches ang gamit nila. Baka nga D-Link/TP-Link/Linksys lang mga nakalagay sa LAN nila eh. Ngayon since naglipat lang naman sila at yung mga dating Routers/Switches pa din ang gamit, eh baka okay na yung 1M. Kahit sabihin mong bumili sila ng bagong LAN cables. 2500 lang naman ang 1 box (305 meters) ng UTP cable. Cat 6 na yun.

- About naman sa maintenance. Sabihin na nating 15,000 ang isang brandnew standard na office use computer. kung bibili sila ng bago taon taon edi ibig sabihin 10,000 na computer yun? eh iyan maintenance lang naman. Hay naku..KURAKOT TALAGA SA PINAS
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

Smitty Werben Man Jensen

  • Once I met this guy who knew this guy who knew this guy who knew this guy who knew this guy...
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1443
  • Karma 56
  • Gender: Male
  • who knew this guy's cousin!
  • Special Skills: Necromancy
binackupan din ng tsismis haha

jpesa

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 69
  • Karma 18
Sana di sila makalusot!

Zbuffer101

  • Who Am I
  • Regional: Ilocano/Ilocos
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 603
  • Karma 25
BIR mo mismo sa loob mga pc worth 15k . patong ko 1k each . sa kanila 20k each . kamot ulo na lang ako sayang rin

schwack

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 441
  • Karma 25
- Kahit bumuo sila ng panibagong network at baguhin nila lahat ng gamit, hindi aabot ng 350M yun. Kahit sabihin mong Cisco Routers/Switches ang gamit nila. Baka nga D-Link/TP-Link/Linksys lang mga nakalagay sa LAN nila eh. Ngayon since naglipat lang naman sila at yung mga dating Routers/Switches pa din ang gamit, eh baka okay na yung 1M. Kahit sabihin mong bumili sila ng bagong LAN cables. 2500 lang naman ang 1 box (305 meters) ng UTP cable. Cat 6 na yun.

- About naman sa maintenance. Sabihin na nating 15,000 ang isang brandnew standard na office use computer. kung bibili sila ng bago taon taon edi ibig sabihin 10,000 na computer yun? eh iyan maintenance lang naman. Hay naku..KURAKOT TALAGA SA PINAS

Ayun salamat sir kasi akala yata nila lahat ng pinoy hindi marunong sa computer. nyahaha

KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
BIR mo mismo sa loob mga pc worth 15k . patong ko 1k each . sa kanila 20k each . kamot ulo na lang ako sayang rin
Pero 6k ang orig na win8 + office diba?
Ang alam ko kasi DAPAT orig yung ginagamit nila. ewan ko lang kung orig nga.
.

notsky

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 35
  • Karma 4
nagtataka din nga ako bakit hindi ito kinakagat ng mga media. hndi ba sila na-inform?? o hndi sila convinced na overpriced ang building?? o they need to protect their business after 2016? khit mga militante no comment din e. this is 1,000+ million corruption na parang network din like pork barrel. lahat eh involved.

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Irregardless Kung transfer or new equipment yan, masyadong mahal yan.  Kahit ma pa-kontrata pa ng nanalo mismo dun sa contract, mahal pa rin.  Kahit nga sagutin ko pa ang board and lodging ng gagawa ng cabling at kahit stringent man ang standard ng paggawa ng cabling, mahal pa rin.  Kahit itira ko pa sa condo ang gagawa sa cabling at rerenta ng service nila a raw-a raw eh mahal pa rin yan na project.

Kahit nga magpalit sila ng server every year tapos kahit may mirroring pa sila in another location mahal pa rin yan.

Pero, sana itigil na ang imbestigasyon sa senado at hayaan na Lang ang kaso sa ombudsman.  Tutal, nangingilag naman ang mga nakaupo sa Kung sino ang pwede at Hindi pwedeng sagasaan sa mga imbestigasyon eh.
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

BlueAlphaZero

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3860
  • Karma 213
  • Gender: Male
  • We would like you to know a few things.
khit mga militante no comment din e. this is 1,000+ million corruption na parang network din like pork barrel. lahat eh involved.

There's a valid point here. Why does it seem as if the Makabayan Bloc is loathe to take Vice-President Binay to task the same way they've been demanding President Aquino's ouster?
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.