Author Topic: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.  (Read 7475 times)

akinsengmarso

Part – 1
Buwan ng Hunyo, 2006 nang una akong tumapak dito sa disyertong lugar dito sa Saudi Arabia. Di ko akalain na mapadpad ako sa ganitong lugar. Kung gaano kalungkot sa unang pagkakataon na mahiwalay ka sa pamilya ay ganun din pala sa unang pagapak dito sa tigang na lupa. Sa unang labas ko pa lang sa airport ay parang gusto ko nang bumalik ng Pilipinas kung pwedi nga lang maglulupasay sa Airport ay ginawa ko na pero tiniis ko na, nagkasubuan na, inisip ko isang taon lang naman ang bubunuin ko at makakauwi na rin ako.  Kakaiba ang itsura ng mga tao, mahahaba ang mga balbas, ibat-ibang lahi, ibat-ibang amoy.
27 years old pa lang ako nun nung una akong makapunta dito sa Saudi Arabia. Napilitan akong mangibang bansa dahil hindi sapat ang aking kinikita sa Pilipinas, kahit na regular ako sa isang malaking kompanya ay bitin na bitin pa rin ang aking kita para sa dalawa kung anak. Matagal din akong nagaapply sa ibang bansa pero iniisip ko wala yata sa palad ko ang makapagabroad. Nagbakasakali ako na magpasa ng application ko sa isang agency na kumukuha ng trabahador papunta dito sa Saudi, at pagkaraan ng isang buwan nakatanggap ako ng balita isa ako sa pinalad na napili ng employer. Inasikaso ko kaagad ang mga kailangang dokumento, medical hanggang magPDOS at pagkaraan lang ng ilang araw ay tinawagan na ako para sa aking takdang pag-alis. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang pagkakataon ko para makaalis na rin sa dati kong trabaho, para makaipon ng pera para sa pamilya ko.
Sa una, talagang hirap na hirap ako magadjust kasi kakaiba ang kultura dito Saudi. Marami ang bawal. Yong mga dati kung nagagawa sa Pinas ay di ko na nagagawa dito,  minsan napapaiyak ako pag naaalala ko ang magiina ko na naiwan sa pinas,  kung pwedi lang liparin ang pinas ay ginawa ko na. Pero sabi nga nila marami ang paraan para maibsan ang kalungkotan, pag gusto maraming paraan.
Na-asign ako sa isang malaking kompanya dito sa Riyadh, ok lang naman at maganda ang sahuran kumpara sa iba na hindi pinalad, kada taon ang aking bakasyon kaya ok na rin at least nakikita ko family ko taon-taon. Administrator ako ng opisina ng  isang kompanya, hawak namin ang mga petrochemical sales office sa ibang bansa kaya maganda ring experience, nakakausap ko ang mga matataas na opisyal ng kompanya, swerti naman ako at mababait mga arabong kasama ko sa office. Pero kahit gaano man kaganda ang paligid mo kung malayo ka naman sa pamilya mo ay lungkot pa rin ang aabutin mo. Halos araw-araw iisa lang ang ikot ng mundo ko dito sa riyadh, bahay-opisina-bahay mula Sabado hanggang Miyerkules iisa lang ang ruta…pag araw naman ng Huwebis at Biyernes ay araw ng pahinga, araw ng paglalaba. Kung gusto mo namang mamasyal sa mga mall ka lang pwedi o kaya sa Batha (lugar ng pinoy) at kung mamalasin ka, hindi ka makapasok sa mga mall pag family day, kailangan may kasama ka na family bago ka payagang pumasok. Walang night life, walang six life…mababaliw ka talaga.
Tumira ako sa Batha ng ilang taon hanggang sa mapilitan akong lumipat dahil irerenovate daw ang building na aming inuupahan,  maganda na sana kasi lahat ng mga kailangan mo accessible nasa baba lang ng aking tinitirhan, marami ring filipino restaurant kaya kahit di ka na magluto pwedi ka kumain anytime wag lang panahon ng Ramadan at kung nalulungkot ka at gusto mo makakita ng kababayang Filipina, tambay ka lang sa Manila Plaza ay makakakita ka na, pero ingat lang kasi marami ang Muttawa at kung mamalasin ka ay kulong ang aabutin mo, bawal kasi ang makipagusap sa mga babae pag di mo kamaganak kaya lalaki na lang ang iyong mata sa katititig at ang malungkot pa, mukha lang nakikita mo sa kanila kasi natatakpan sila ng suot nilang abaya (itim na tela)…
Buwan ng Mayo 2010, galing ako ng Pilipinas para sa aking taonang bakasyon. Pagdating ko ng Riyadh, dumiretso na ako sa aking bagong nilipatang bahay, medyo luma na yong bahay pero pwedi pang matirhan, wala akong magawa kasi wala akong ibang malipatang bahay. Isang matandang babae ang nakafront sa bahay. Dito sa Saudi kailangan may taong nakafront kung mangungupahan kayo ng isang flat, siya ang nakikipagusap sa mga Aqari (nagpapaupa ng bahay).  Sa kanya din magbabayad ng lahat ng gastosin, renta ng kwarto, kuryente, tubig, etc…Si Tita Nathy sa tantya ko ay nasa 60 taong gulang na, kahit di nya sinasabi ay nakikita naman sa itsura, kulubot na ang balat at marami na ring uban at sa tingin ko mas may edad pa ito sa nanay ko. Nagpasya kaming Tita na lang ang itawag ko sa kanya para kung sakali may magtanung eh palalabasin niya na magkamag-anak ako dahil may mga kasama rin akong family sa aming floor.
Sa una mabait si Tita Nathy, lahat ng kailangan siya ang nagaasikaso. Ginawan nya ng paraan kung saan ako kwarto ilalagay. Tatlong palapag ang bahay na inuupahan ni Tita, nilagay nya ako sa ikalawang palapag para daw medyo safe kasi may mga kasama akong family, bawal kasi magsama dito sa saudi sa iisang bahay ang mga bachelor na lalake at babae kaya ang purpose nya ay magpanggap na lang akong pamangkin ng isang family sa second floor para anytime na may magtanung ay safe kami. Dalawa kami sa kwarto, hati kami sa bayaran para di masyadong mabigat sa bulsa, kahit may binibigay ang kompanya ko para sa upa ng bahay, gusto ko ring tipirin para makakaipon ipadala sa Pilipinas.
May mga kasama si Tita ng mga bachelor na babae at nalaman ko ayon sa mga kwento kwento na ang mga babaeng ito ay mga takas sa kanilang amo (illegal). Iwan ko ba bakit marami sa ating mga kababayang Pinay ang namamasukan na katulong tapos tatakas sa amo, sabagay di natin sila masisi kasi naghahanap din sila ng magandang oportunidad para kumita ng malaki pero sa bandang huli sila rin ang lumalabas na kawawa lalo pa’t dito sa Saudi. Kararating ko lang noon, galing bakasyon so ang isip ko ay nasa Pinas pa, maghahanap ka ng paraan kung paano bumalik sa normal ang takbo ng buhay dahil nasanay ka na kasama mo pamilya mo. Naisip ko pagkakataon ko na ito para makipagkaibigan sa mga alaga ni Tita…
Naging malapit kami ni Tita, kung ano man ang kailangan nyang ipagawa, ako lagi ang tinatawag nya. Isang tawag lang nya ay ora mismo pumupunta ako kaagad syempre para na rin masulyapan ko ang mga alaga nya…minsan naisip ko mahirap din pala pag mabait ka kasi kahit may ginagawa ka ay di ka makatanggi.pero ang katotohanan ay gusto ko lang makilala ang mga alaga nyang mga babae. Ang hirap kumuha ng tyempo kasi halos di lumalabas ng kanilang kwarto, dahil takot din sila baka malaman ng iba na takas sila tapos isumbong sila sa muttawa…Lagi ako tumatambay sa baba para kumuha ng tyempo..hanggang sa makita ko sila na padaan daan na lang sa harap ko..minsan nakakausap pero kumustahan lang..
Minsan isang araw kagagaling ko ng trabaho, paakyat na sana ako sa kwarto ko ng maabutan ko ang isang alaga ni Tita sa labas ng pinto, di ko alam kung sinung hinihintay o ako ang hinihintay hawak nya ang kanyang cellphone kaya naglakas loob ako na kausapin siya kung sinu hinihintay nya..sabi nya nagpapahangin lang daw kaya parang biglang nabuhay ang dugo ko…Sinubukan kong makipagkilala at di naman ako nabigo, siya daw si Rina…taga Nueva Viscaya. Tipikal na filipina ang itsura ni Rina, nasa 5″0 ang height, may pagkapayat ng konte, hanggang balikat ang buhok at katamtaman lang ang boobs, maputi at makinis ang kutis, pero sa ganitong pagkakataon at lugar ay papasa na ito sa panlasa ko, ngayon pa at kagagaling ko lang ng bakasyon, naghahanap ako ng paraan para mapawi ang pangungulila sa Pinas. Iniwan din ni Rina ang family nya para makipagsapalaran dito sa Saudi. Nakipagpalitan ako ng number, sa una  ay medyo ilang sya pero ng tumagal na usapan ay binigay na rin nya, tinanung nya ako kung aanhin ko raw number nya, sabi ko wala para may makausap lang ako. Pagkatapos naming magusap, umakyat na rin ako sa kwarto ko, pumasok na rin sya sa loob at ito na ang umpisa ng paglalaro ko ng apoy dito sa tigang na lupa….(itutuloy)

leightot

Re: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.
« Reply #1 on: August 14, 2014, 06:12:12 am »
ang hirap basahin kasi copy paste.

SpyDrew

Re: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.
« Reply #2 on: August 14, 2014, 06:35:57 am »
ang hirap basahin kasi copy paste.

Nakahanda na popcorn ko  ::laffman
There isnt a day that goes by where I dont at some point think of you.. 😙💋💚 #missingyou

dada0524

Re: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.
« Reply #3 on: August 14, 2014, 07:58:57 am »
waiting mode  smoking::  music::

akinsengmarso

Re: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.
« Reply #4 on: August 17, 2014, 02:51:15 am »
Simula nung nakuha ko ang numero ni Rina, lagi ko na siya tinitext, minsan pag gabi tinatawagan ko siya, kwentohan ng kung ano-ano. Mabait si Rina, madali kausap at malambing kaya naging komportable na rin ako sa kanya, kahit biruin mo ng medyo bastos ay kaya nya sumakay at hindi napipikon. Nalaman ko na may asawa na rin pala siya sa Pinas at may isang anak. Nung una nagpanggap din ako na binata pero alam na rin pala nya na may asawa na rin ako, kaya umamin na rin ako para wala na akong itatago total magkaibigan naman kami.

Biniro ko si Rina, sabi ko bababa ako at hahalikan ko siya kaya lumabas sya ng kwarto nya. Akala ko di sya lalabas kasi nga binibiro ko siya, pagbaba ko nakita ko na siya sa pintuan at inaantay na rin pala ako, sa una nagkakahiyaan pa kami kasi text at tawag lang kami madalas naguusap…Medyo alerto ako kasi anytime ay may dadaan sa hagdanan kasi hanggang sa ikatlong palapag ng bahay ay may nakatira at baka makita rin kami ni Tita, mahirap na baka kabago-bago ko pa lang sa bahay ay gumagawa na ako kaagad ng kalokohan pero sabi nga “pag gusto maraming paraan”.  Hinawakan ko kaagad  si Rina sa kamay at di naman siya pumalag, nilapit ko mukha ko sa kanya at ramdam ko na parang gusto nya rin kaya hinalikan ko na siya sa labi, sa una dampi lang baka pumalag hanggang maramdaman ko na payag na rin siya kaya diniinan ko na…magkahalong kaba at excitement ang nangyari kasi baka may makakita…Ang bango ni Rina, gusto ko siya panggigilan at pupugin na ng halik hanggang leeg pero pinigilan ko sarili ko baka isipin nya na sinasamantala ko siya, hinayaan ko na munang masabik kami pareho sa isat-isa at makiramdam kung tama ba itong ginagawa namin. Pagkatapos ng eksina namin sa pintuan ay umakyat na rin ako na may ngiti sa labi, sa wakas nahalikan ko na si Rina. Pagpasok ko sa kwarto ko may natanggap akong text messages mula kay Rina, sabi nya bakit ko raw ginawa yon sa kanya, mali daw ang aming ginagawa. Pero ngayon na ako naniniwala na mas masarap talaga ang bawal lalo pa at pareho kaming malayo sa pamilya. Ang hirap umiwas sa tukso lalo pa at alam mong nandyan lang sa tabi mo lalo sa panahon na nangungulila ka sa pamilya mo sigurado maghahanap ka ng paraan para makalimot sa kalungkutan.

Parang ang bagal ng oras, gusto ko makita muli si Rina, parang gusto ko na siya yakapin ng mahigpit at ikukulong sa aking braso, nasasabik na ako sa muli naming pagkikita parang gusto ko na siya pasukin sa kwarto nya pero hindi pwedi at baka mabuko ako ni Tita sa mga pinaggagawa ko na noon ay di ko pa masyadong kakilala si Tita Nathy kahit may dinig-dinig ako na siya ang nagsisilbing bugaw sa mga alaga nyang babae sa baba nagaalangan pa rin ako. Di ko na alam ang nararamdaman ko, unti-unti na akong nahuhulog sa kumunoy ng tukso, bahala na kung ano ang magiging kalalabasan.

Lumipas ang ilang araw ganun pa rin ang eksina, hanggang text at tawag lang kami ni Rina. Akala ko di na maulit ung halikan namin sa hagdan. Araw ng Biyernes, sakto wala ako pasok kasi Huwebes at Biyernes ang weekend dito sa Saudi, umaga pa lang tinawagan ko na si Rina, sabi ko kung pwedi ko ba siya makita kahit saglit lang. Swerti ko naman at pumayag pero sa hapon na lang daw kasi aalis si Tita Nathy dahil nagpapart-time siya hanggang alas 10:00 ng gabi. Laking tuwa ko ng marinig ko ang sabi ni Rina, para na sinusundot ang pwet ko at gusto nang hilain ang oras para pumunta sa baba. Sa wakas masosolo ko na rin si Rina, ito na ang pagkakataon ko. Dumating ang oras na hinihintay ko, umalis na si Tita Nathy, wala nang kasama si Rina sa baba kundi ang mga roomate nya. Dumaan ako sa likod na pintuan para di ako makita ng ibang nangungupahan. Pagpasok ko sa bahay laking gulat ko ng makita ko si Rina at nakapambihis na pampasok, sabi papasok daw siya sa trabaho pero mamayang alas-kwatro pa. Tiningnan ko ang relo ko, wow nasa alas-dos pa lang kaya may ilang oras pa ako makipagkwentohan kay Rina. Ako naman, sa panahon na yon ay nagpapacute pa, kaya sabi ko ok lang pag dumating na sundo nya saka na ako aakyat sa kwarto saka iniisip ko mahaba na yong dalawang oras na kwentohan.

Pinapasok ako ni Rina sa Salas ng bahay, medyo madilim dahil walang bintana, tanging ang salamin na pintuan na may kurtina ang pinangagalingan ng liwanag. Ok na rin at hindi naman gaanong madilim sakto lang para makita namin ang isat-isa. Ang mga kasama nya ang tahimik sa kanilang kwarto kaya sabi ko, sakto ito medyo mahaba-habang kwentohan. Umupo kami pareho sa mahabang sofa, pareho kami nakikiramdam, kinakabahan ako na may halong excitement na may halong libog. Sa umpisa kwento-kwentohan lang muna hanggang dumikit pa ako ng konte kay Rina, sinubukan ko humawak sa kanyang kamay at di pumalag kaya naglakas loob na rin akong halikan ulit si Rina, sa una marahan lang hanggang pareho na kaming nagiinit, gigil na ako sa mga sandaling yon, kaya hinahalikan ko na rin siya hanggang leeg, sipsipan kami ng labi…sarap ng pakiramdam, para akong lumulutang sa ulap habang nakikipaglaplapan kay Rina, nakikiramdam din ako baka biglang may biglang may dumating na tao at abutan kaming naghahalikan. Halos mapigtas ang aming hininga bago kami maghiwalay at sa sandaling iyon ay halos pumutok na rin ang aking alaga. Sinubukan kong yayain si Rina na tuluyan na naming pagdugtungin ang aming katawan, pero natatakot sya, di pa raw nya ako masyadong kilala at baka may biglang papasok sa pwesto namin. Nakontento na lang kami sa halikan, lamasan, minsan pinapasok rin nya ang kanyang kamay sa akong shorts upang himasin ang aking alaga. Halos mabaliw-baliw naman ako sa kiliti habang hawak hawak nya ang aking alaga.

Ang bilis ng oras, pangtingin ko sa relo ko mag-aalaskwatro na, kaya malapit na rin siyang aalis para sa trabaho nya kaya sa sandaling iyon ay nagaayos na siya ng kanyang sarili at binalik ang make-up sa mukha na natanggal sa aming lampungan. Umakyat na rin ako sa kwarto ko at baka maabutan pa ako ng susundo sa kanya na maghahatid sa kanya hanggang sa kanyang pinapasukan. (itutuloy…)

Makisig Tagalog

Re: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.
« Reply #5 on: August 19, 2014, 07:47:48 am »
Kabayan kadyot bibe....hehehehe...Saudi Experience

Good Spy

Re: True story ito...gusto ko lang ishare, personal experience ko rin.
« Reply #6 on: November 29, 2015, 10:57:40 am »
buhayin natin... san na kasunod na story nito?