Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Have You Ever Think How Lucky You Are?  (Read 1971 times)

simpleman1225

  • I Am A Living Legacy To The Leader Of The Band
  • Mature (18+)
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 267
  • Karma 149
  • Gender: Male
  • Share information so that others can benefit.
Have You Ever Think How Lucky You Are?
« on: May 17, 2014, 11:50:05 pm »



MASWERTE KA KAIBIGAN!!!

"Sa lahat ng nakakabasa nito, swerte tayo. Know why? Kapag umalis ka ng bahay at napatambay ka sa lugar tulad ng sakayan ng Jeep. May makikita kang mga barker ng jeep na patuloy ang pagsigaw para maambunan ng limang pisong barya. Tumingin ka sa kanan eh may Ale na nagtitinda ng Palamig at sa harapan mo naman eh may lalakeng nagtitinda ng Pinya. Then uuwi ka ng bahay niyo may makakasalubong kang nagtitinda ng Yakult at hila ang karitela na puno ng Yakult. At paglagpas eh makakakita ka ng matandang Lalake na may dalang malaking FOAM or Aparador para ibenta sa inyo sa tapat ng initan.

Kung iisipin mo, ang laki ng ginhawa ng buhay mo ikumpara sa kanila, pero they continue living right?

Meaning.. Kung ano man yung problemang nararanasan natin eh kailangan nating tanggapin at hindi iwasan. Na kailangan nating isipin na yung mga bagay na hindi natin pinoproblema eh pinoproblema ng iba. Hindi ba't nakakalungkot isipin na may mga taong iniwan lang ng JOWA nila eh gusto na nilang mamatay? Without knowing na swerte pa rin siya dahil maginhawa ang buhay niya? Na hindi dapat masyadong pinoproblema ang ganung klase ng problema? Na dapat sa likod ng nangyari sa kanya eh swerte pa rin siya sa buhay hindi tulad ng iba.

Minsan ba sumagi sa isip mo na nababasa mo to kasi swerte ka? Kasi may sarili kang Computer o kaya naman ay may pangbayad ka para makagamit ng Computer. Habang yung iba eh nasa labas ng bahay hindi magkanda ugaga buhayin ang pamilya o kaya mag hanapbuhay. And still sasabihin mong "Fuck I Hate this Life?"

Sabi nga eh never take things for granted. Hindi lahat ng bagay na meron ka eh nararanasan din ng iba. Magpasalamat tayo na yung mga bagay na naabot ng buhay natin eh inaabot palang ng iba?

Minsan, kailangan mong mapansin yung mga malilit na bagay para malaman mong malaking bagay na pala ang naibigay sayo. Still, we keep searching for more.
"You know my name, not my story. You've heard what I've done, not what I've been through."

dweizz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 756
  • Karma 35
Re: Have You Ever Think How Lucky You Are?
« Reply #1 on: May 18, 2014, 12:05:47 am »
amen ... dyan nakabase pagiging masaya ko sa buhay

click4screw

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 104
  • Karma 1
Re: Have You Ever Think How Lucky You Are?
« Reply #2 on: May 18, 2014, 08:22:15 pm »
so true. a nice read to start the week.

agent 007

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 981
  • Karma 18
  • Gender: Male
  • "oh yes i'm beginning to like it...."
Re: Have You Ever Think How Lucky You Are?
« Reply #3 on: May 18, 2014, 09:41:14 pm »
lahat tayo maswerte, yung magising ka lang sa umaga ay biyaya na ng dyos sa atin meaning binibigyan nya tayo ng isang pang araw para baguhin kung ano ang nagawa nating mali...

BlueAlphaZero

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3860
  • Karma 213
  • Gender: Male
  • We would like you to know a few things.
Re: Have You Ever Think How Lucky You Are?
« Reply #4 on: June 03, 2014, 03:53:35 pm »
Just out of curiosity, who originally posted this online?
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

weedkid66

  • B.O.N.E 4 lyf
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 120
  • Karma 0
  • ``f-u-c-k-!!U!!```
Re: Have You Ever Think How Lucky You Are?
« Reply #5 on: August 08, 2014, 03:55:56 am »
Amen

maniac2999

  • Console Gamers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1287
  • Karma 178
Re: Have You Ever Think How Lucky You Are?
« Reply #6 on: August 08, 2014, 05:26:30 am »
Konting reality-check muna "May makikita kang mga barker ng jeep na patuloy ang pagsigaw para maambunan ng limang pisong barya" -- wag natin kunsintihin yung mga barker at pagtunuging kaawa awa yung nangyayari sa kanila -- pabor sa sasakay kung sobrang tamad nya magtaas ng isang kamay para pumara -- PERO perhuwisyo sa traffic enforcers at sa mga driver, bakit kamo? technically wala naman silang ginagawa , sasakay pa rin yung pasahero, at titigil pa rin sa harap yung jeep, pero mapipilitan magbayad yung driver ; tapos TRAPIK pa, yung pinupuwestuhan ng barker tinitigilan ng jeep na nagpupuno pa pero wala namang toda, kadalasan pumipila pa yang mga yan - sakit sa ulo ng vehicle owners at enforcer.