Salamat sa babala..
Last December naman, habang naglalakad ako sa A street, bago mag 1st street, Al Khobar din, pauwi, gabi, hawak ko iphone ko, may natanawan ako nakabike sa kabilang kalsada, hindi ko pinansin. Mayamaya, may humablot ng phone, buti mahigpit hawak ko pero nakuha pa rin nya, kaso sa pagkakuha nya, lumuwag yung casing na mophie tapos ang nahawakan nya eh yung ilalim, kaya nabunot yung phone at nagpatak sa kalsada. Ang nakuha nya eh yung lower part ng casing pero tinapon din nya. Buti na lang. Kaya ingat kayo.
Ingat din sa mga manyak.