Author Topic: Ang Pagbabalik ng Pilyong Makata (Huwad na Diwata)  (Read 728 times)

deosh_pilyo

Ang Pagbabalik ng Pilyong Makata (Huwad na Diwata)
« on: February 04, 2014, 09:35:33 pm »
“HUWAD NA DIWATA”

Sumilay ang araw at pingkit ang init
Lumabas na pilit, maibsan ang inip
Katawa’y dinala ng paa’t inihatid
Sa pusod ng gubat na wari’y kay liblib.

Pagkadaka’y humimlay ang pagal na katawan
Sa luntiang damo nyaring kagubatan
Pumikit ang mata, naglakbay sa karimlan
Sandaling nilimot ang syudad na pinagmulan.

At sa aking pag-iisa’y aking naulinig
Batid kong ito’y agos ng malinis na tubig
At sa biglang pagmulat ng aking busilig
DIYOS ko! Isa palang paraisong BATIS!

Unti-unting dinama ang lamig na bigay
Nang tubig sa batis na kristal ang kulay
Sinubok lumusong at doo’y magtampisaw
Subalit binigo ng mahiwagang sigaw.

Iginala ang tingin sa kalakhan ng gubat
Hinagip ng mata ang sa aki’y nanggulat
At nang aking makilatis kung saan nagbuhat
Sa DIWATANG taring, na birhen ang katulad.

Pumasok sa isip ang maitim na balak
Ano kaya’t bosohan ang DIWATANG nakahubad
May kaba man sa dibdib ay aking nabanaag
SUSMARYOSEP, ang kutis ay animo’y bulak!

Kaya’t yaring isip tumawag na ng santo
Ang panalangi’t dasal, humarap nawa ito
Si DIWATANG walang dungis na sa batis humambo
Masilayan man lang sana ang bulaklak na itinago.

Dininig nga ang hiling at siya’y humarap
Sa pagkamangha ko’y muntik ng bumaliktad
Ang bulaklak ng DIWATA na aking pangarap
Ito pala’y isang TALONG at 2 BOLANG laglag!

 ;D ;D ;D

bored

Re: Ang Pagbabalik ng Pilyong Makata (Huwad na Diwata)
« Reply #1 on: February 05, 2014, 03:02:53 am »
 ::lmao haha makatang pusong espiya.. :applause

deosh_pilyo

Re: Ang Pagbabalik ng Pilyong Makata (Huwad na Diwata)
« Reply #2 on: February 06, 2014, 05:46:01 pm »
salamat kaibigang BORED at hindi ka na-BORED sa pagbabasa nito... hehehe.. mabuhay ka!