Author Topic: Ang Huling Pagbasag  (Read 2254 times)

icecoldchiq

Ang Huling Pagbasag
« on: January 09, 2014, 12:58:09 am »
Yep. After much delay, I decided to post it here anyways. Here goes my 2013 rant that I didn’t get to post due to much consideration. But now that I don’t give a f*ck. Here goes:

—————————————————————————————————————————————-

Ang Huling Pagbasag

At ngayon, mga sasambitin ko naman ang dinggin
Idadaan sa tula’t pagkat ako’y bitin
Ang pananahimik ko’y akin nang babasagin
Ang makakabasa ay siya ko namang pag-iisipin

Napanood ko ang paglipas ng mga pangyayari
Sa bilis ay wala man lang akong pagkakataon na ibuka ang aking mga labi
Nawalan ng ulirat sa sobrang pagdadalamhati
Hindi ko pa rin maintindihan ang mga pagkukunwari

Huwag mong sasabihing hindi mo ito sinasadya
Pagkat marami akong nalaman na kasalungat ng iyong mga gawa
Noon pa lamang, alam ko nang may peligrong sakin ay nagbabadya
Pero hindi ko naisip na ganito na pala kalala

Nagtiwala ako at nanindigan ngunit lubha akong sinaktan
Sa kaibigan ko pa siyang naghanap ng kanlungan
Naniwala ako kahit wala na sanang dahilan
Dahil ang aking inuuna’y ang mga nagawa sa aking kabaitan

Sinubukan kong maunawaan
Ngunit labis ang sakit na pinagdaraanan
Ang mga nagmamahal sa akin ay lubhang nagdaramdam
Tama sila, hindi nararapat sakin ang ganitong kalapastangan

Kaibigan kita at sayo’y nakahanap ng dulungan
Ngunit sa panahong iyon, sa likuran ko’y meron na palang kagagawan
Hindi man lang naisip ang baka sakaling aking pagdaraanan
Dapat sa umpisa pa lamang ako na’y iyong pinagsabihan

Hindi makitid ang aking pag-iisip
Oo nasasaktan ako pero hindi ako ang tipong namimilit
Ngayon, sa palad mo’y heto ang aking sinapit
Huwag kang mag astang biktima, dahil ako ang talagang naiipit

Ilang beses mo siya itinanggi sa akin
At sa huli’y ako pa ang iyong nakuhang awayin?
Ang konsensiya mo’y parang buhangin
Buo, ngunit sadyang mailap hubugin

Ang dami kong nalaman, ni minsan hindi mo ako naisip kausapin
Konting oras lamang ang aking hiniling ng ito na sana’y tapusin
Ngunit ang galit mo ang siyang bumungad sa akin
Galit mong halatang halata na nuknukan ka na sinungaling

Ang sarap sana sa baga mo isaksak ang mensahe mo
Ako pa ngayon ang nais na malimot mo?
Ang kapal ng mukha mong paikutin ang ulo ko
Kaya hindi ka tumagal dahil alam mong di mo kayang bilugin ang utak ko

Hindi porket nananahimik ako ay sumasang ayon ako
Umpisa pa lamang, alam ko na ang karakas mo
Lahat ng ebidensiya, sa akin ay nakatago
Ngayon asan ka? Bakit ka nga ba nagtatago?

Kredebilidad na lamang ang labanan ngayon
Kung babaliktarin ko ang kwento, sa akin pa rin sila sasangayon
Kahit saan mo banda tignan, mali pa rin ang inyong kagagawan
Kung kayo’y sa mga salita’y nasasaktan, hindi kaya’y dahil lahat ay pawang katotohanan?

Tantanan niyo ko sa pag mamaasim ninyo
Hindi ako santa, at lalong hindi ako impokritang tao
Oo, bagong taon, pero hindi ibig sabihin tapos na ito
Dahil hindi niyo din inisip ang mararamdaman ko

Ang pagtataksil ninyo ay hindi matatawaran
Nagtiwala ako sa iyo at sakanya na tinawag kong kaibigan
Nasaktan man kayo, mas higit na nasaktan ako
At sa bandang huli hindi pa rin patas ang ginawa ninyo

Mananahimik na ako at ito’y ibabaon na ng malalim
Dahil ang hawak kong mga baraha ay sobrang matalim
Hindi ko na nais pang makarinig ng kahit anong daing
Dahil wala nang dapat pang maniwala sa mga tulad ninyong sinungaling
Loved the Beard :)

BlueAlphaZero

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #1 on: January 09, 2014, 02:13:19 am »
You revised it.
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #2 on: January 09, 2014, 02:32:49 am »
Yup, I did. But dunno if it improved or not. I felt the last stanza was a bit hanging. So I added another one to put a form of closure to it in a sense.
Loved the Beard :)

FerminaDaza

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #3 on: January 09, 2014, 02:38:40 am »
Breathe. Rejoice. You're FREE. Chin up butter cup 💐






icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #4 on: January 09, 2014, 03:11:26 am »
Oh yes :) Walking on sunshine :D
Loved the Beard :)

SpyDrew

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #5 on: January 09, 2014, 03:30:14 am »
Let's celebrate  toast:: 
There isnt a day that goes by where I dont at some point think of you.. 😙💋💚 #missingyou

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #6 on: January 09, 2014, 03:33:36 am »
Let's celebrate  toast::


Let's drink to that  toast::
Loved the Beard :)

BlueAlphaZero

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #7 on: January 09, 2014, 12:17:53 pm »
Let's celebrate  toast:: 


Let's drink to that  toast::

Now here's a somewhat surprising yet wholly welcome development.
Custodite fideliter quod quae credita est fideliter ad vos.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #8 on: January 11, 2014, 08:27:46 pm »
Now here's a somewhat surprising yet wholly welcome development.

And let's drink to that, too  toast::
Loved the Beard :)

JiangCai

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #9 on: January 11, 2014, 11:37:19 pm »

Now its official you're "ice cold chiq" chiller  bnana anyway you deserve better  toast:: cheer up  ::pampam
        Show respect to all people, but grovel to none.

mandara13

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #10 on: January 12, 2014, 05:27:26 am »
XD
Feel tired.... Inuman Na !

leightot

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #11 on: January 12, 2014, 05:29:43 am »
anu ngyari parang galit yung poem ah haha o galit talaga?. Hope all is well.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #12 on: January 12, 2014, 05:33:37 am »
Now its official you're "ice cold chiq" chiller  bnana anyway you deserve better  toast:: cheer up  ::pampam

thanks :D Cheers!!!!  toast:: I'm ice cold indeed :D

anu ngyari parang galit yung poem ah haha o galit talaga?. Hope all is well.

Sh*t happened. Galit talaga both the poem and the poet  ::lmao
Loved the Beard :)

Schandelah

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #13 on: January 12, 2014, 06:17:49 am »
Paghihiganti sana'y gusto ko nang iwaksi
Sapagkat sa aking pagkatao'y hindi ito makabubuti
Pasasaan ba't malalaman nyo din
Pagkat alam ko.. may gaganti para sa akin.

Wahehe... cheers! Sissy! Pwede na ba yung dinagdag ko? Lol

Paumanhin ngunit ako'y nadala sa iyong pagdadalamhati.
« Last Edit: January 12, 2014, 06:21:24 am by Schandelah »
https://www.facebook.com/DJ.Schandelah.
Before, I have three weaknesses. Boys. Men. Males. Now there's only one. Type_One.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #14 on: January 12, 2014, 06:28:10 am »
Paghihiganti sana'y gusto ko nang iwaksi
Sapagkat sa aking pagkatao'y hindi ito makabubuti
Pasasaan ba't malalaman nyo din
Pagkat alam ko.. may gaganti para sa akin.

Wahehe... cheers! Sissy! Pwede na ba yung dinagdag ko? Lol

Paumanhin ngunit ako'y nadala sa iyong pagdadalamhati.

 :applause :applause :applause :applause :applause

Good job sis!  ::flowers ::flowers ::flowers Ang galing galing :D
Pwede na idagdag dun sa dulo :D


However, di naman ako seeking for justice nor wanting revenge. Lols
Loved the Beard :)

Schandelah

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #15 on: January 12, 2014, 06:30:15 am »
:applause :applause :applause :applause :applause

Good job sis!  ::flowers ::flowers ::flowers Ang galing galing :D
Pwede na idagdag dun sa dulo :D


However, di naman ako seeking for justice nor wanting revenge. Lols

Thank you sissy... hehe.. first try.  ツ
https://www.facebook.com/DJ.Schandelah.
Before, I have three weaknesses. Boys. Men. Males. Now there's only one. Type_One.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #16 on: January 12, 2014, 06:45:25 am »
Thank you sissy... hehe.. first try.  ツ

Better have tried than never  :applause :applause
Loved the Beard :)

leightot

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #17 on: January 12, 2014, 07:08:47 am »
Move on na lang kayo mga girls. you both deserve someone better with something bigger...........











 bigger heart hehehe.  :-*

Schandelah

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #18 on: January 12, 2014, 07:18:05 am »
Move on na lang kayo mga girls. you both deserve someone better with something bigger...........










 bigger heart hehehe.  :-*

Hey pretty hindi ako kasali sa kailangan mag move on... hehehe.  :P

Kaw ba? ツ
https://www.facebook.com/DJ.Schandelah.
Before, I have three weaknesses. Boys. Men. Males. Now there's only one. Type_One.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #19 on: January 12, 2014, 07:21:43 am »
Move on na lang kayo mga girls. you both deserve someone better with something bigger...........



 bigger heart hehehe.  :-*

hahaha thanks leightot but sis Schandelah is happy.  ::inlove
Loved the Beard :)

Schandelah

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #20 on: January 12, 2014, 07:26:46 am »
hahaha thanks leightot but sis Schandelah is happy.  ::inlove

I am. Very.
https://www.facebook.com/DJ.Schandelah.
Before, I have three weaknesses. Boys. Men. Males. Now there's only one. Type_One.

icecoldchiq

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #21 on: January 12, 2014, 07:38:19 am »
I am. Very.

goodie <3 Stay happy and stay in love :D
Loved the Beard :)

leightot

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #22 on: January 12, 2014, 08:29:23 am »
Hey pretty hindi ako kasali sa kailangan mag move on... hehehe.  :P

Kaw ba? ツ

oo [email protected] babae lang yan. dami dyan kapalit. hahahahahahaha! kayo din, lalaki lang din yan, palitan nyo agad sus. :))

Schandelah

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #23 on: January 12, 2014, 08:52:51 am »
oo [email protected] babae lang yan. dami dyan kapalit. hahahahahahaha! kayo din, lalaki lang din yan, palitan nyo agad sus. :))

Ahhh.. kaya pala... :P
https://www.facebook.com/DJ.Schandelah.
Before, I have three weaknesses. Boys. Men. Males. Now there's only one. Type_One.

bouya harumichi

Re: Ang Huling Pagbasag
« Reply #24 on: January 12, 2014, 12:51:22 pm »
Yep. After much delay, I decided to post it here anyways. Here goes my 2013 rant that I didn’t get to post due to much consideration. But now that I don’t give a f*ck. Here goes:

—————————————————————————————————————————————-

Ang Huling Pagbasag

At ngayon, mga sasambitin ko naman ang dinggin
Idadaan sa tula’t pagkat ako’y bitin
Ang pananahimik ko’y akin nang babasagin
Ang makakabasa ay siya ko namang pag-iisipin

Napanood ko ang paglipas ng mga pangyayari
Sa bilis ay wala man lang akong pagkakataon na ibuka ang aking mga labi
Nawalan ng ulirat sa sobrang pagdadalamhati
Hindi ko pa rin maintindihan ang mga pagkukunwari

Huwag mong sasabihing hindi mo ito sinasadya
Pagkat marami akong nalaman na kasalungat ng iyong mga gawa
Noon pa lamang, alam ko nang may peligrong sakin ay nagbabadya
Pero hindi ko naisip na ganito na pala kalala

Nagtiwala ako at nanindigan ngunit lubha akong sinaktan
Sa kaibigan ko pa siyang naghanap ng kanlungan
Naniwala ako kahit wala na sanang dahilan
Dahil ang aking inuuna’y ang mga nagawa sa aking kabaitan

Sinubukan kong maunawaan
Ngunit labis ang sakit na pinagdaraanan
Ang mga nagmamahal sa akin ay lubhang nagdaramdam
Tama sila, hindi nararapat sakin ang ganitong kalapastangan

Kaibigan kita at sayo’y nakahanap ng dulungan
Ngunit sa panahong iyon, sa likuran ko’y meron na palang kagagawan
Hindi man lang naisip ang baka sakaling aking pagdaraanan
Dapat sa umpisa pa lamang ako na’y iyong pinagsabihan

Hindi makitid ang aking pag-iisip
Oo nasasaktan ako pero hindi ako ang tipong namimilit
Ngayon, sa palad mo’y heto ang aking sinapit
Huwag kang mag astang biktima, dahil ako ang talagang naiipit

Ilang beses mo siya itinanggi sa akin
At sa huli’y ako pa ang iyong nakuhang awayin?
Ang konsensiya mo’y parang buhangin
Buo, ngunit sadyang mailap hubugin

Ang dami kong nalaman, ni minsan hindi mo ako naisip kausapin
Konting oras lamang ang aking hiniling ng ito na sana’y tapusin
Ngunit ang galit mo ang siyang bumungad sa akin
Galit mong halatang halata na nuknukan ka na sinungaling

Ang sarap sana sa baga mo isaksak ang mensahe mo
Ako pa ngayon ang nais na malimot mo?
Ang kapal ng mukha mong paikutin ang ulo ko
Kaya hindi ka tumagal dahil alam mong di mo kayang bilugin ang utak ko

Hindi porket nananahimik ako ay sumasang ayon ako
Umpisa pa lamang, alam ko na ang karakas mo
Lahat ng ebidensiya, sa akin ay nakatago
Ngayon asan ka? Bakit ka nga ba nagtatago?

Kredebilidad na lamang ang labanan ngayon
Kung babaliktarin ko ang kwento, sa akin pa rin sila sasangayon
Kahit saan mo banda tignan, mali pa rin ang inyong kagagawan
Kung kayo’y sa mga salita’y nasasaktan, hindi kaya’y dahil lahat ay pawang katotohanan?

Tantanan niyo ko sa pag mamaasim ninyo
Hindi ako santa, at lalong hindi ako impokritang tao
Oo, bagong taon, pero hindi ibig sabihin tapos na ito
Dahil hindi niyo din inisip ang mararamdaman ko

Ang pagtataksil ninyo ay hindi matatawaran
Nagtiwala ako sa iyo at sakanya na tinawag kong kaibigan
Nasaktan man kayo, mas higit na nasaktan ako
At sa bandang huli hindi pa rin patas ang ginawa ninyo

Mananahimik na ako at ito’y ibabaon na ng malalim
Dahil ang hawak kong mga baraha ay sobrang matalim
Hindi ko na nais pang makarinig ng kahit anong daing
Dahil wala nang dapat pang maniwala sa mga tulad ninyong sinungaling

 :applause :applause :applause  ::flowers ::flowers ::flowers



"If you don't know defeat, it's just because you have only ever been picking on people that weaker than yourselve. There's a word for that: embarrassing!"