Paragraph 1:
Hindi ang mawawala sa isang babae ang pagdududa lalo na kung may nakaraan na. Hindi ka nagiisa sa nararamdaman mo, “PERO†dapat mong matutunang kontrolin ang nararamdaman mo. one thing is for sure, lalahatin ko na, ang lahat ng babae ay impulsive. Wag mo ding mahalin ang asawa mo dahil sya ang ama ng anak mo. Bawat tao ay may kanya kanyang ugali kung saan matututunan mong mahalin kung ifofocus mo ang sarili mo sa paghahanap ng maganda kesa sa mali. Madaling maghanap ng mantsa sa puting damit.
May mga tao talagang takot masaktan. At dahil sa takot nila gumagawa na kaagad sila ng bakod sa relationship. Sa madaling salita, dahil ayaw kong maranasan babantayan kita para hindi mo magawa sa akin to. Ang sugat lalong sumasakit kapag sinusundot, takpan mo ang sugat at hindi magtatagal maghihilom yan, ang peklat ay remembrance na lang ng sugat, nakikita mo pero di na masakit.
Do not be insecure of anything. You are beautiful in your own way. Your husband loves you the way you are. Wag ka magisip na baka ginagawa ng asawa mo ang makipagholding hands sa ex nya in public before, hindi! Guys do not express feelings very well. Alam kong naghahanap ng paglalambing, it will come naturally once nakita ng asawa mo kung paano ka rin maglambing sa kanya. Ang dalawang tao na nagpapakasal ay nagmumula sa dalawang pamilya na magkaiba ng upbringing. Magkaiba kayo sa karamihan ng aspeto ng paguugali at pagiisip, both of you have the duty to make things work.
Paragraph 2
Cheating is wrong kahit saang perspective mo pa tingnan. Pero what is the root of cheating ng asawa mo? Kailangan mong malaman yan dahil kahit mali, baka may paraan pa para itama. Minsan ang lalaki nakakaisip magloko kapag nakukulitan na sa asawa nila dahil lagi silang pinagdududahan. Lagi ko nararamdaman yan at may mga lalaki talaga na may tendency na gawin ang naiisip nila. Tao lang naman tayo at depende na yan sa environment at peers. Kung ang lagi mong pagdududa ang dahilan ng pagloloko ng asawa mo dapat mong bawasan. Kung talagang loko loko asawa mo, loko loko mga kaibigan nya, at nasa lugar sya na makakapagloko sya wala ng solusyon dyan.
Paragraph 3
Isa ka ngang certified na espiya. Hehe. Bawasan ng konti kung di kailangan. Ang bisa ng kasal kahit biglaan dahil may lumobo ay hindi nagbabago. Panghabang buhay na kontrata na nagbubuklod sa inyong dalawa pwera na lang kung pareho kayong walang balak suportahan ang isat isa para sa matagumpay na pagsasama. Sa mga babae dyan, Walang Dream Girl na nakukuha. Kahit mapangasawa ko si Angel Locsin may ugali pa rin sya na sigurado akong di ko magugustuhan. Pagusapan nyo ang problema, pero wag daanin sa sigawan. Lahat ng naiisip mo kung ikaw lang ang nakakaalam at ang asawa mo ay hindi nararamdaman na may problema ka, ibig sabihin ikaw lang ang may problema sa relasyon nyo. kapag naging problema na rin nya ang problema mo, sigurado makakaisip na kayo pareho ng solusyon.
Be open to each other and surely you will be closer.