Hindi ko lang talaga maintindihan sa BIR, ang kaylangan daw nila yung original copy from IRS sa US, ang binigay naman nina Pacman yung parang breakdown ng Toprank kaso ayaw i honor ng BIR yun ang gusto talaga yung patunay / original na papers mula IRS eh hindi nga daw nagbibigay ng original na kopya ang IRS. Common sense "kung sakali" nalang kung talagang hindi nagbabayad ng Buwis si Pacman sa US simula 2008 dapat naikulong na siya dun sa US at hindi na nakakauwi at pabalik balik dun sa US.
Kaso I Am thinking posible kaya na hindi nagbabayad ng maayos ang Toprank mismo sa US since maimpluwensiya sila dun? Kasi ang boxing industry sa US nowadays talagang madami ding tagong kalokohan lalo pagdating sa mga pera pera.
Ganun kasi sa pagkakaintindi ko Toprank ang mga nagaayus ng mga papers, Etc. , Posible Kaya ang US nagtimbre sa BIR dito na iforce si Pacman na magpakita ng Original copy? Therefore hahanap talaga ng katibayan si Pacman sa Toprank ng mga papers galing IRS Or mismong rerekta si Pacman sa IRS.
Kapag walang naipakitang papers na maayos ang Toprank, dito na papasok ang US againts Toprank or other persons na connected sa IRS or kung saan man. Naiipit dito si Pacman, Kagaya nun nangutang na daw siya para sa gagamitin niya sa pagtulong sa Tacloban since naka freeze nga mga accounts niya. Madami ng mga malalaking tao sa US ang recently lang nagkaron ng problem about taxes, ang US kasi alam ko, "No Evidence, No Case" mga kuro kuro ko lang share ko hehe (=