Author Topic: Kaibigan Ako  (Read 592 times)

icecoldchiq

Kaibigan Ako
« on: September 12, 2013, 10:04:44 pm »
May tumula, ang haba haba
Ang sabi lang naman, hindi daw ako tama
May kaibigan ako, ang isip ay magulo
Masyado pang bata para mahirapan ng ganoon kako

Aminado ang paslit na siya'y nagkamali
Ako'y taimtim lamang na sa kanya'y nakinig.
Ano man ang sabihin ko, payo man o litanya to
Alam na ng batang iyon kung ano ang dapat gawin nito.

Kasalanan ko ba kung sa akin nakinig?
E sa tingin nito'y ang payo ko ang dapat manaig?
Ilang ulit ko siyang sinabihan na gawin kung ano ang nararapat
Payo ko, maikli o mahaba, siya lamang ang makakasukat

Hindi nila alam kung ano ang aking mga sinabi
Kaya huwag maglitanya din ng hindi alam ang lumabas sa aking mga labi
Maitatakwil ko ba ang isang kaibigan sa panahon ng pangangailangan?
Ang taong itinataboy ng mismong taong kanyang pinag-aalayan

Ng oras, pagod, pagmamahal, at panahon
Nagkamali siya, pero huwag sana namang ibaon
Tao din lamang ang kaibigan kong ito
Nasasaktan at napapagod din tulad mo

Hindi ako namagitan, hindi ko siya inutusan
Binigyan ko lamang siya ng kung ano ang aking nalalaman
Tama, hindi ko alam ang buong problema
Pero para maliwanag, heto ang aking litanya:

Hindi ako korte, kung saan kailangan mong magpaliwanag
Isa akong kaibigang malalapitan at magbibigay liwanag
Pagagalitan kita kung ika'y nagkamali
At papalakpakan kung tama naman ang iyong mga gawi

Kaibigan ako, na hindi mang iiwan
Andito ako, sa saya at sa oras ng pangangailangan
Tao ako, na nagkwekwento din lamang
Kung ano ang alam kong mabuti base sa aking mga pinagdaanan

Kaibigan niya ako, wala na akong magagawa pa
Kung hindi ang iabot ang aking kamay at saklolohan siya
Pasensiyahan tayo kung ikaw ay hindi kasama
Isiping maigi kung ano muna ang iyong ginawa

Huwag parating naghahanap ng masisisi
Tandaan na sa pagtuturo, apat ang pabalik sayo na daliri
Loved the Beard :)