Author Topic: Patula  (Read 748 times)

icecoldchiq

Patula
« on: September 11, 2013, 05:54:09 pm »
May mga bagay na sadyang mahirap ipaliwanag
May mga tanong na mahirap bigyan kasagutan
May mga pangyayaring talagang nakakabagabag
May mga sagot namang hindi maintindihan

Ngunit alam mo kung ano ang mga ito
Puso mo lamang ang sadyang nakakapuna
Utak man ay kahit gaano katalino
Walang itong  katumbas na payo o pahina

Nuknukan ka man ng galing
Pero may mga problemang sadyang nakakapraning
Saksakan ka man ng bait
May mga karanasan ka pa ring sadyang mapait

Ngunit sino ba ako para inyong pakinggan
Heto nga ako't may matinding palaisipan
Hindi ko alam saan dudukot ng lakas
Ang mukha ko'y luha ang bumabakas

Nais ko man ikwento ngunit hindi alam ang simula
Pakinggan mo na lamang ang aking mga salita
Masakit naman masyado para aking isadula
Kaya ang mga luha'y idadaan na lamang sa tula
Loved the Beard :)

Pierro7

Re: Patula
« Reply #1 on: September 12, 2013, 12:40:29 am »
when everything is contained inside ...
the pen is a good friend.
When there are pent-up emotions ...
the wind is ready for your cries.

break it down, yow!  ;D
A person becomes strong by accepting their fears.

icecoldchiq

Re: Patula
« Reply #2 on: October 14, 2013, 12:36:27 pm »
when everything is contained inside ...
the pen is a good friend.
When there are pent-up emotions ...
the wind is ready for your cries.

break it down, yow!  ;D

Natawa ako sa break it down  ::lmao ::lmao ::lmao
Loved the Beard :)

MiKeDaCuTe

Re: Patula
« Reply #3 on: October 14, 2013, 01:03:30 pm »
thanks for sharing...  ;)

icecoldchiq

Re: Patula
« Reply #4 on: October 14, 2013, 10:19:00 pm »
thanks for sharing...  ;)

Thanks for reading :D
Loved the Beard :)