Yung kabarkada ko sabi nya natry nya daw yung fiber optic na connection sa military base sa Subic, (mataas kasi position ng papa nya sa Navy eh), sobrang bilis daw saka nung nagdownload sila ng movie, kumain lang sila saglit ng cup noodles, tapos na agad. Pero sabi nya di pa daw commercialized yun, saka di raw PLDT ang may hawak dun.
Tapos, nakita ko yung ad ng PLDT sa concert si Rihanna, nag-ooffer na sila ng fiber optic plans. I don't know kung matagal na yan, pero ngayon ko lang talaga nakita yan. Tapos, hindi pa available sa buong Metro Manila, sa mga mayayamang subdivisions palang nila inooffer yang service nila.
Baka mayroon ng naka-subscribe sa inyo dyan, share ninyo naman po ang experiences nyo. Thank yow!
http://pldthome.com/surf/fibr/about