Nice share TS
Pero malayo pa at marami pang kailangan gawin para makaahon ang pinas lalo na pagdating sa corruption.
Sabi nga ng ibang dayuhan nasa genes na raw ng mga filipino ang paging corrupt.
Masakit pakingan pero kung titingnan sa araw araw na pamumuhay ng mga pinoy maaring tama.
Ang corruption naguumpisa sa tahanan, sa school hanggang sa trabaho.
Ng bata pa ako sabi ng nanay ko anak pagbutihan mo sa school pag 100% ka sa test bigyan kita ng 20 peso, parang reward pakinggan pero subtle form of corruption dahil sa pera na matutuon ang isip ng bata.
Not to mention ang mga kasunod, corruption sa school, corruption sa trabaho at gobyerno kasi parang doon tayo hinulma.
Kaya dapat ang pagbabago magumpisa sa sarili ng bawat filipino