Author Topic: Hayaan Mo  (Read 898 times)

icecoldchiq

Hayaan Mo
« on: July 29, 2013, 03:54:37 am »

Ngayon lang ulit ako nagsulat in Filipino na tula. Paumanhin na po kung hindi kagandahan. Salamat! :D

--------------------------------------------------------------------------------------------


Hayaan mo ako na hawakan ang iyong mga kamay
Hagkan ng aking labi ang mukha mong matamlay
Panoorin kang natutulog ng walang kamalay malay
Sisikapin kong sa hirap at ginhawa’y ako ang iyong karamay

Pabayaan mo akong lumayo saglit sa iyo
Ang puso ko’y maselan at madali lamang magtampo
Ngunit masisiguro ko sa iyong ako’y iyong iyo
Hinding hindi kita kailan man basta-basta isusuko

Sanayin mo akong na andiyaan ka lamang parati
At paramdam mo sa aking wala akong kahati
Sa puso mo na siyang aking pinakatatangi
Na ako at walang iba ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi

Gusto ko lamang na ika’y makasama ko
Sa haba ng buhay hanggang sa pagtanda mo
Aakayin ka sa panahong ika’y nalulugmok
Maasahan mong magpapakatatag ako sa kahit ano mang pagsubok

Dahil ikaw ang siyang dahilan ng pagtibok ng mabilis ng aking puso
Ang rason sa bawat saglit na ngumingiti na parang wala sa tamang wisyo
Ang dahilan kung bakit ako’y parating humahalakhak at masaya
Pagkat ako’y inibig mo at wala ng iba
Loved the Beard :)

kupido1000

Re: Hayaan Mo
« Reply #1 on: July 29, 2013, 08:46:22 am »
                                                Ohh binibining sinisinta,
                               dito sa espiya ikw lamang ang hinahanap ng mata
                                         sa mga litanya ng iyong pagsinta
                                 Sinasabi ng puso ko na nabigyan mo ng pag asa
                                         
                                                             bow...



kenji_kulet

Re: Hayaan Mo
« Reply #2 on: July 29, 2013, 11:34:49 pm »
oh binibining icecoldchiq ako'y iyong napapahanga sa bawat tula na iyong ginagawa
ramdam ko ang bawat tamis at pait na iyong nadarama
binibini ako'y sana ay dinggin, pag hanga ko sayo'y higit pa sa iyong inaakala
ako'y nangungulila na balang araw na ika'y makasama
oh binibining icecoldchiq ako'y iyong dinggin, sapagkat ako'y lagi ay narito
nag babakasakali na marinig ang matamis mong....tinig na kay' lambing

 ::lmao

 :applause galing mo talaga gumawa ng tula miss icecoldchiq

icecoldchiq

Re: Hayaan Mo
« Reply #3 on: July 30, 2013, 12:34:54 am »
lols. ang kulit  ::lmao
Loved the Beard :)