Hello,
Tanong ko lang po kung sino dito ang nakakaalam na small football club na pwedeng ko pong salihan kahit na laro-laro lang every Sunday dito sa bandang Mandaluyong or sa UP Diliman. Minsan kasi naglalaro ako sa UP Sunken Garden, ako lang mag-isa, sipa sipa ng bola sa isang sulok yung iba kasing naglalaro ayaw mamansin. Naiintindihan ko naman kasi syempre may sarili na silang grupo.
Hindi naman po ako masyadong magaling maglaro ng football papawis lang at dala na rin exercise.