Author Topic: Tsinelas  (Read 885 times)

icecoldchiq

Tsinelas
« on: July 16, 2013, 01:23:28 am »
One of my favorite written poems on my last year in college. :D Hope you guys like it.


Tsinelas papunta sa kanto
Bibili ng kung anu-ano
Tsinelas parin papunta sa banyo
Yun parin ang suot hanggang kwarto
Tsinelas minsan gamit ko pagpasok
sa eskwelahang puno ng iba’t ibang tao
Tsinelas ko ang dala kapag dumadaan sa kalyeng mausok
Tsinelas parin ‘pag tatambay na sa kanto
Tsinelas ang suot ko nong fieldtrip nung grade three
Napigtas ang dahon nong tumakbo palayo
Tumingin ako sa paligid, naghahanap ng masisi
Tsinelas kong sira, pwede pa panglaro
College na ako, tsinelas pa rin ang hilig ko
Iba’t ibang kulay, iba-ibang disenyo
Graduation day na
Masaya at malungkot ako

Paalam tsinelas: ‘Nay, ang sapatos ko?
Loved the Beard :)

IORIâ„¢

Re: Tsinelas
« Reply #1 on: July 16, 2013, 02:11:29 am »
O aking tsinelas

Palitan bukas na ang wakas

Kasa-kasamang madalas

Ilang taon ang lumipas

Mahal kita!

O aking tsinelas

 music::

espiya sunday group cavaliers

stanlee1201

Re: Tsinelas
« Reply #2 on: July 16, 2013, 02:48:16 am »
Yano has ended...
icecoldchiq nanaman. looking for her boyfriend.  8)
ang mabait na kapitbahay, walang password ang wi-fi.

☺☻JDC™

Re: Tsinelas
« Reply #3 on: July 16, 2013, 03:28:28 am »
Yano has ended...
icecoldchiq nanaman. looking for her boyfriend.  8)

hahahaha..

Boyfriend ko asan kna..
Ipapalo ko sayo tsinelas kong dala.

olli

Re: Tsinelas
« Reply #4 on: July 16, 2013, 04:09:59 am »
kahit saan man tayo makarating, kahit sinu sinong makakasalamuha, pag uwi natin, tsinelas parin ang hahanapin.

at yan palagi ang pinag papalo sa akin ng nanay ko at rambbo pah! awts!  ::pampam

aanhin pa ang damo kung nagbabato na ang kabayo?

jvoid88

Re: Tsinelas
« Reply #5 on: July 16, 2013, 06:51:16 am »
sisikuhin kita sa hita
pag-uuntugin ko ang tuhod mo
pag hinidi ako nakapag pigil
susuntukin ko ang kili-kili mo
asan ang tsinelas koooooo  laffman::

icecoldchiq

Re: Tsinelas
« Reply #6 on: July 16, 2013, 04:26:03 pm »
Thanks sa responses  ::lmao
Loved the Beard :)