Naka-ugat na ito sa kultura ng Pilipino, kaya pare-pareho ang apelyido na mapag-aaralan ng mga bata sa history ng Pilipinas kasi sila-sila din ang namumuno, palit-palit lang ng pwesto, isali mo sa listahan si NoyNoy at si BongBong, at marami pang iba lalo na sa local positions.
May bumoboto sa kanila kaya sila nananalo. Yun ang nakakalungkot. Wala daw kasing pagpipilian at proven na sila, kasi nga walang matinong mag-isip na babangga sa kanila dahil sila lagi ang pipiliin ng tao dahil sila ang nakamulatan mula pa noong unang panahon. That is simply an unfair advantage for them. Tapos takot yung iba na iba ang mamahala sa isang lungsod kasi nga proven na nila si mayor at ang pamilya nito, minsan parang utang na loob pa ng mamamayan yung mga proyekto ni mayor sa lugar nila, ang hindi nila alam ay yun dapat ang tamang ginagawa ni mayor kasi yun ang trabaho nya at sineswelduhan sya ng bayan para gawin yun, hindi utang na loob yun ng mamamayan.
Ang dapat imulat sa kamalian ng ganitong kalakaran ay yung mga nasa elementary pa lang, hindi na mababago yung ganitong pagpili ng mga matatanda, yung kamalayan ng mga bata ang may pag-asang mabago. Imulat sila na wala silang utang na loob na dapat tanawin sa mga nasa pamahalaan dahil trabaho nila ang maglingkod sa bayan. The people doesn't owe them anything.
"Kung ano ang puno, sya'ng bunga." Nakasabit din minsan sa ganyang konsepto yung pagpili ng ilang mga Pilipino sa halalan. Kaya yung mga bago at hindi kilalang Pilipino na may potensyal sana na maging totoong lingkod bayan ay hindi pumapasok sa pulitika dahil alam nila na hindi din sila mananalo laban sa mga pamilya ng mga nasa pwesto.
Dapat sana yung pangulo, pangalawang pangulo at pangulo ng senado ay wala nang papatakbuhin na kapatid, asawa, anak at kamag-anak sa halalan habang sila ay nasa pwesto, yan man lang ay gawin nila para sa pagbibigay oportunidad sa ibang tao na maglingkod sa bayan at hindi maging family business ang pamahalaan ng Pilipinas. Yung lahat ng nasa pwestong senador ay pagbawalan din ang anak, asawa, kapatid at kamag-anak na tumakbo habang nasa pamahalaan pa sila. Libre ang mangarap, kapag hindi na sakim sa kapangyarihan itong mga pamilya na ito, saka siguro mangyayari yan.Government position = Family heirloom
It is best to keep it in the family.