Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Mayweather wins again!!  (Read 6697 times)

happynewyear123

  • Hearshot Kid Disaster
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 117
  • Karma 1
Re: Mayweather wins again!!
« Reply #25 on: May 06, 2013, 11:53:10 am »
http://bleacherreport.com/articles/1629525-has-boxing-moved-on-from-floyd-mayweather-versus-manny-pacquiao

Ako, hindi na ako umaasa at excited sa Pacman-Mayweather "megafight" na yan. Too late na. Matatanda na sila masyado para maging exciting ang laban. Kung maglalaban sila, sana nung around 2009-2010 pa nung talagang kalakasan nilang dalawa. Although magagaling pa rin naman sila ngayon, there is no denying that Father Time has finally caught up with them sonsabitches. Hindi totoo na "kalabaw lang ang tumatanda."

Honestly, feeling ko takot sila sa isa't-isa kaya hindi matuloy-tuloy yang laban na yan (dagdagan mo pa ng issue sa kwarta, ay anaknampucha wala talagang mangyayari dyan). Kasi naman talagang yung style nilang dalawa eh maganda ang kontrahan kung tip-top shape at best performance nila ang ibibigay nila. Pareho silang may edge sa isa't-isa at tama ang sabi ng mga iba nating kaEspiya na sa strategy at gameplan execution na lang magkakatalo yan. Kung talent at talent lang, halos pareho sila, +offense si Pacquiao, +defense si Mayweather. Styles make fights sabi nga ni Manny Stewart (RIP).

Isa lang ang paraan para matuloy ang Pacquiao-Mayweather fight - umalis siya sa Top Rank at wag puro "whoever my promoter Bob Arum wants me to fight." Nakakamiss yung dating Manny Pacquiao na gutom, may sariling desisiyon at naghahamon sa sinong gusto niya, hindi yung padikta lang sa promoter.

Kapag eto nangyari na tapos hindi pa rin natuloy ang laban, alam na kung sinong takot. laffman::

Hangga't hindi nangyayari yan, maghihintay na lang ako ng next Mayweather at Pacquiao, at sana meron pa ngang dumating within our lifetime. smoking::
With your last breath of air as the Earth comes trembling down, would you give her this last night and give up your life?