Author Topic: Minero  (Read 741 times)

abdul jakul

Minero
« on: March 14, 2013, 10:57:14 pm »
Lupang pag-aari ng mga Pilipino
Kinalkal at hinukay ng mga Australyano.
Nang matapos ay ibinalik sa Pilipino
Ito namang si Juan at Pedro ay ibinenta sa Koreano

Dito sa isang isla kung saan ako’y nagtatrabaho
May tanso at pilak sa lupa’t mga bato
Subalit sino ba mas nakikinabang nito?
Iyong mga dayuhan ba o tayo?

Ang karamihan ay sampung taon na sa trabaho
Ni walang naitayong maliit na negosyo
Habang yung taga ibang lugar na sa atin ay dumayo
May bahay na sa labas ng bansa, may bahay pa dito

Ang iba naman sa mga kababayan ko
Sa banyaga ay sunud-sunurang parang aso
Kung kaylangang tapakan ang kapwa Pilipino
Gagawin upang sila’y umangat ng pwesto

Ano ba ang maaaring magawa ng ating gobyerno
Upang maiwasan ang mga nangyayaring ganito?
Banyaga nasa trono at nagmamando
Pilipino kayod-kalabaw, todo-trabaho!

Hindi ko sinisisi ang kahit na sino sa tulang ito
Marami lang talagang katanungan ang naglalaro sa utak ko
Bakit ba dinaranas natin ang mga sitwasyon na ganito?
Nasaan ba ang problema, sa banyaga ba o nasa atin mismong mga Pilipino?

Sa kabila ng lahat, nagpapa-salamat pa rin ako
Dahil marami din ang mga nabibigyan nila ng trabaho
Kanya-kanya na lang na desisyon sa pag gastos ng sweldo
Upang makamit ang klase ng pamumuhay na gusto

Maraming maraming salamat din, Panginoon ko
Sa lakas ng katawan at tibay ng isip at kalooban na bigay mo
Dahil ligtas kong nagagampanan ang aking mahirap na trabaho
At marangal kong naitataguyod ang pamilya ko sa pagiging isang marangyang Minero.

reynel

Re: Minero
« Reply #1 on: March 22, 2013, 11:13:43 pm »
pwede siyang gawing rap may punto yung message  :D
-------------------------------------------------


==============================|

abdul jakul

Re: Minero
« Reply #2 on: March 23, 2013, 09:25:08 pm »
kung marunong lang sana ako sir gumawa ng kanta gagawan ko kaya lang hinde eh..sayang.. >:(