Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Unan  (Read 1457 times)

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Unan
« on: October 12, 2012, 11:48:08 pm »
hello, mga ka-espiya. muli akong magpopost ng tula. nagawa ko ito noong Marso pa. at sa totoo lang, hindi ko pa rin it o tapos. dahil binasted na ako ng babaeng inspirasyon ko sa tulang ito noong Abril.
pero, recently, kinamusta niya ako ulit at muling naging malapit (medyo). sana lang magkaroon ulit ako ng lakas ng loob na makumpleto ko ito. dahil last month, naging mailap ulit siya.




Mag-isa't malungkot, nakahiga sa iyong kama.
Malalim ang iniisip.
Mag-isa't malungkot, umiiyak dahil sa sakit.
Masasakit na alaala.
Mag-isa't tulala, tanging unan lamang ang katabi.
Laging nandyan sa iyong piling.
Mag-isa't tulala, yakapin lamang ang iyong unan.
Laging handa sa mahigpit mong yakap.

Nandyan ang unan,
Sasaluhin lahat.
Mula luha hanggang hinanakit.
Kahit mabasa at malukot ay ayos lamang.

Mabawasan lamang ang pait...

Tulad ng unan,
Naririto lamang ako.
Sasaluhin ko ang lahat
Ng iyong hinanakit at mga luha.
Ipaling mo lahat sa'kin.

Ibuhos lahat ng luha hanggang sa matuyo
Dahil bukas ay panibagong araw na dapat harapin ...             
A person becomes strong by accepting their fears.