Author Topic: remake/cover "Hit" Singles ng mga pinoy artist ngyon  (Read 1331 times)

bigwinner

remake/cover "Hit" Singles ng mga pinoy artist ngyon
« on: October 09, 2012, 04:12:55 am »
I'm not sure kung tamang thread.

Nakaka asar lang ang mga artist or lame excuse to be called "musicians" natin ngyon na walang ginawa kung hindi i-cover/remake ang mga OPM Hit classics katulad ng Prinsesa, Kailan, Ako'y sa iyo at iba pa.

At mas na credit pa sila kay sa mga original artist na gumawa. Sana naman mag karoon sila ng originality hindi yun ginagawang justin beiber ng pinas

 >:(
Conquer Heaven and Earth

Idiot

Re: remake/cover "Hit" Singles ng mga pinoy artist ngyon
« Reply #1 on: October 15, 2012, 04:36:00 am »
excuse kasi nila mapipirate lang CD nila

so bakit pa sila magpapagod kung mas mura ang remake

Erotomania

Re: remake/cover "Hit" Singles ng mga pinoy artist ngyon
« Reply #2 on: October 15, 2012, 11:17:15 am »

and they keep trying to say na OPM is dead at kailangang buhayin ulit, pero sila sila lang naman din ang pumapatay nito.

i was shocked nung nalaman ko na blockbuster hit yung Daya yung Daniel Padilla ba yun? what the.... ni revive nya yung  Rivermaya song. i was like, really? mas maganda yung cover song nya ngayon?

eto ang problema sa atin eh, wala ng creativity, hindi na makapag compose ng matino. pakakantahin na lang ng kung ano anong OPM na sikat na kanta. sinasayang lang nila yung production ng CD's.

sa atin kasi, basta may face value at yung tipong kikiligin ang masa, pwede na kahit walang talent sa pagkanta.

Pierro7

Re: remake/cover "Hit" Singles ng mga pinoy artist ngyon
« Reply #3 on: October 15, 2012, 11:22:06 am »
sa atin kasi, basta may face value at yung tipong kikiligin ang masa, pwede na kahit walang talent sa pagkanta.
Anne Curtis?  ;D
A person becomes strong by accepting their fears.

icarus15

Re: remake/cover "Hit" Singles ng mga pinoy artist ngyon
« Reply #4 on: October 16, 2012, 07:30:19 am »

Nakaka asar lang ang mga artist or lame excuse to be called "musicians" natin ngyon na walang ginawa kung hindi i-cover/remake ang mga OPM Hit classics katulad ng Prinsesa, Kailan, Ako'y sa iyo at iba pa.

Kilala ko to ah. Hahaha. Mas gugustuhin ko pang pakinggan ng paulit-ulit ang Pusong Bato kesa sa linsyak na cover versions na yan.

Ang masaklap, pati yung idol kong kompositor na si Noel Cabangon, naglabas din ng albums na puro OPM covers. :(
"If you're going through hell, keep going."      --Winston Churchill