eto na po ang hinahangad nyong pagbabago...
Nanumpa kahapon, September 24, si Annabelle Rama kay former President Joseph "Erap" Estrada bilang miyembro ng political parties na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at United Nationalist Alliance (UNA).
Ginanap ang oath taking ni Annabelle sa tahanan ni Erap sa Greenhills, San Juan City.
Ang panunumpa ni Annabelle ang kumpirmasyon na tuloy na tuloy ang pagkandidato niya sa 2013 bilang house representative ng North District ng Cebu.
GRATEFUL TO ERAP. Nagpasalamat si Annabelle kay Erap dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.
Natuwa ang talent manager sa sinabi ng dating Pangulo na “strong contender†siya at kapwa sila mahal ng masang Pilipino.
Saad ni Annabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Erap, matagal ko nang kaibigan 'yan, at saka kaibigan talaga siya ni Eddie [Gutierrez, her husband].
“May nagtanong sa akin, ‘Anong partido ka?’
“Gusto ko talaga kay Erap kaya maraming-maraming salamat, President Erap, sa pagtanggap mo sa akin, sa pagtitiwala mo sa akin na tinanggap mo ako as UNA candidate sa Cebu North District.â€
STRONG CONTENDER. Kampante si Annabelle na malakas ang laban niya bilang kongresista sa North District ng Cebu.
“Talagang malakas,†sambit niya.
“Hindi sa pagyayabang, kasi sa pag-ikot-ikot ko sa Cebu, sa mga pulong-pulong, iba, e. Masa ang nakuha ko.
“Ang tawag nila sa akin, ‘idol.’ Niyayakap nila ako at inaabangan nila ako sa mga bahay-bahay nila.
“Pagpunta ko sa mga bahay-bahay nila, nasa labas na sila, nag-aabang sa akin.
Source:
http://www.pep.ph/news/35769/Annabelle-Rama-on-decision-to-run-for-Congress