Hindi ko maintindihan bakit payag ang mga kababayan natin na mangyari ang nangyayari ngayon.
una, magiging pasamang "precedent" ito na kung saan mapipilitan ng bumoto ang mga natitirang justices ng Supreme Court na pabor sa gusto ng Administration ni pNoy kung hindi ay sila naman ang ma iimpeach kagaya ng sinabi ni Cong. Tupas (justice committee" ng Kongreso kahapon.
Ano magiging epekto nito sa mga ibang justice ng Supreme Court? papa impeach din ba sila pag bumoto sila na naaayon sa tingin nila na interpretasyon ng Saligang Batas? o magiging sunod sunuran na lang sila kahit hindi ito naaayon sa batas na ginawa para sa proteksyon nating lahat?
pangalawa, isa lang naman ang boto ni Corona sa Korte Suprema, hindi naman "Majority of One" ang sistema sa Supreme COurt at nakita na nya ang mga ipiniresenta sa ebidensya bago sila nag desisyon. Collegiate Decision ang tawag dito, meaning, decision by majority vote.
ikatlo, pinag iinhibit sya sa mga kaso ni GMA dahil appointee sya ni GMA. Hindi ba applicable din ito sa mga appointee ni pNoy? sa Senado, sina Drilon, Kiko Pangilinan na ka alyado ni pNoy, hindi ba dapat mag inhibit din sila kasi di pa nila nakikita ang ebidensya kay Corona ay nag hayag na sila ng opinion laban kay Corona?
Ironic talaga na si Cory ang nag pabalik ng Demokrasya sa pilipinas para maging pantay pantay uli ang tatlong sangay ng Gobyerno natin, at si Noynoy ngayon ang may hawak ng executive, Legislative (at Juduciary pag nagtagumpay ito). Mga militar na lang ang kulang sa daan, eh papunta na ito sa Marcos Era.