Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse  (Read 2481 times)

+Spyed

  • Mature (18+)
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 405
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • +Spyed
Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse
« on: December 07, 2011, 01:09:47 am »
Once Upon A Time in Bohol...... Ang Pagmamahal ng Isang Nurse

Registered nurse si Maria sa States. Kasama niya ang kanyang ina na nagpagamot din doon. Namatay ang ina nito. Dahil sa kamahalan ng pamasahe pabalik sa Pilipinas, nagtipid si Maria. Pinauwi na lang niya ang kabaong ng kanyang ina na mag-isa

Pagdating ng kabaong, napansin ng mga kapamilya niya na dikit na dikit ang mukha ng bangkay sa salamin ng ataol. Nagkomento tuloy ang isang anak, "Ay, naku! Tingnan mo 'yun... hindi sila marunong mag-ayos ng bangkay sa Amerika!" Upang ayusin ang bangkay, binuksan ang kabaong.

Aba! May sulat sa dibdib ng ina. Kinuha nila ito at binasa. Ang nilalaman ng liham na mula kay Maria ay....

Mahal kong Tatay at mga kapatid,

Pasensya na kayo at hindi ko nasamahan ang Nanay sa oag-uwi riyan sa Pilipinas dahil napakamahal ng pamasahe. Ang gastos ko pa lang sa kanya ay mahigit 10,000 dollars na. Ayoko nang isipin pa ang eksaktong halaga.

Anyway, ipinadala ko kasama ni Nanay ang mga sumusunod...

Nasa likod ni Nanay ang dalawampu't apat na karne norte. Ang Adidas na suot ni Nanay ay para kay Tatay. Ang limang pares na de-goma ay nasa loob ng dalawang asul na Jansport na backpack na inuunan ni Nanay. Tig-iisa kayo.

Ang iba't-ibang klase ng tsokolate at candy ay nasa pwetan ni Nanay. Para sa mga bata ito. Bahala na kayong magparte-parte. Sana'y hindi matunaw ang mga ito.

Ang Pokemon stuffed toy na yapos-yapos ni Nanay ay para sa bunso ni Ate. Gift ko sa first birthday ng bata. Ang itim na Esprit bag ay para kay Nene. Ate, nasa loob nf bag ang pictures ni inay, mga Japanese version Pokemon trading cards at stickers.

Suot ni Nanay ang tatlong Ralph Lauren, apat na Gap at dalawang Old Navy t-shirts. Ang isa ay para kay Kuya at tig-iisa ang mga pamangkin ko. Maisusuot mang mga iyon sa fiesta.

Suot din ni Inay ang anim na panty hose at tatlong warmer para sa mga dalaga kong pamangkin. Isuot niyo ito sa party.

May isang dosenang NBA caps sa may paanan ni Nanay. Para sa inyo, Itay, Kuya, Dikong, Tiyo Romy. Bugyan nyo na rin ng tig-isa yung mga pamangkin ko at yung isa ay kay Pareng Tulume.

Ang tigdadalawang pares ng Nike wristband at knee cap na suot-suot din ni Nanay ay para sa mga anak mo, Diko, na nagbabasketball.

Tigdadalawang ream ng Marlboro Green at Winston Lights ang nasa pagitan ng mga hita ni Nanay.

Apat na jar ng Skippy Peanut Butter, dalawang dishwashing liquid, isang Kiwi glass cleaner at tig-aanim na Colgate at Aqua Fresh na nakasiksik sa kili-kili ni Nanay. Hati-hati na kayo, huwag sana kayong mag-aagawan.

Isang dosenang Wonder bra na gustung-gusto ni Tiya Iska, suot-suot din ni Nanay. Alam kong inaasam-asam niyo 'yan tiya. Ang timex na Indigo bilin-bilin mo Tatay, suot-suot din ni Nanay. Kunin mo agad, tatay.

Ang hikaw, singsing at kwintas (na may naksabit na anim na nailcutter) na gustong-gusto mo, Ditse, ay suot-suot din ni Nanay. Kinin mo na rin agad, Ditse.

Isang Ray Ban ladies sunglass na pa-birthday ko kay Ninang Berta, hindi ko na pinasuot kay Nanay. Isniksik ko na lang sa may bandang ulunan ni Nanay. Nasa pink na plastik na maliit.

May Chanel at Champion na medyas, suot-suot din ni Nanay. Tig-iisa kayo, mga pamangkin ko.

Mga pampers, panty liners, cottonbuds, cotton balls, table napkins at mga scotch brite na may foam ay natatakpan ng mga puting bath towels... bale ang pinagkutson ko sa kabaong ni Nanay. Marami-rami rin iyon. Parte-parte rin kayo.

Marami pa akong isiniksik kung saan-saang parte gaya ng kape, coffee creamer, ilang vienna sausage na de lata at Barbie dolls.

Meron ring mga toothbrush, paper cups, plastic spoon and fork, paper at styro foam plates, perfume, cologne, ballpens, stationaries, envelopes, bar soaps, Matchbox toys, used t-shirts, hand towels, CD, VHS tapes, padlock, tools gaya ng screw driver, plais, long nose, atbp. Hindi ko na na-itemize ang mga ito dahil nagmamadali ako.

Marami pa sana akong ipalalagay kaya lang, baka mag-excess at si Nanay pa ang maiwan.

Basta parte-parte kayo. tatay, Kuya, Ate, Dikong, Ditse. Para sa inyo lahat ito.

Bahala na kayo kay Nanay. Pamimisahan ko na lang siya rito. Balitaan niyo na lang ako pagkatapos ng libing.

Pakidouble check ang lista kung walang nawala sa ipinadala ko.



Nagmamahal,

MARIA


P.S. Tatay, Bago Pala ang Lahat ay ihanda nyo ang Bihisan ni nanay. Pag naparte-parte nyo na kasi ang mga ipinadala ko, tiyak na mahhuhubaran ang nanay. Yung Paborito nyang damit pangsimba, yung pink na bulaklakin ang pasuot nyo ha, Itay, Nakatago iyon sa Baul nya.


 music:: music:: music::

deathknight09

  • "Archangel, Dark Angel Lend me thy light Through Death's veil 'Til we have Heaven in sight!"
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 554
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Welcome to the dark side.
Re: Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse
« Reply #1 on: December 07, 2011, 01:35:24 am »
 ::lmao ::lmao ::lmao

ginawa  pang pasalubong ang nanay niya.. haha dun lahat nilagay..

nice one bro!!.. natawa talaga ako dito.. haha  ::lmao ::lmao ::lmao toast::
silently planning your demise

+Spyed

  • Mature (18+)
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 405
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • +Spyed
Re: Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse
« Reply #2 on: December 07, 2011, 02:09:16 am »
Lol dame ko nga tawa dyan e.  ::lmao ::lmao ::lmao

Rockford

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3936
  • Karma 232
  • Gender: Male
  • WORK Hard,PARTY Harder!
Re: Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse
« Reply #3 on: December 07, 2011, 02:32:02 am »
hahahaha!

ginawang balikbayan box yung kabaong!  laffman::

ma-abilidad si Maria!!!

 finger4u





makonotchi

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 173
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • mechanic on duty
Re: Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse
« Reply #4 on: December 07, 2011, 05:14:18 am »
ayos hahaha!  toast::

nice one bro.   laffman::

Xtremist

  • "PinoySpy gentleman"
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2037
  • Karma 59
  • Gender: Male
  • comprende?
Re: Ang Pagmamahal Ng Isang Nurse
« Reply #5 on: December 07, 2011, 05:28:51 am »
hahaha! ok ah! Yung yosi nasa pagitan ng hita. hehe. ang matindi don yung mga tsokolate, nasa puwitan ni nanay, wag sana raw matunaw. haha