Iisa lamang ang Diyos
Marami Siyang pagkakakilanlan
Pero Siya ay iisa lamang
Yahweh, Allah, Jehovah, at iba pa
Sadyang napakabuti Niya
Walang hinangad na masama sa iyo
At sa kahit na sinumang tao sa mundo
Gusto lamang Niya ay ang nakabubuti,
para sa iyo at sa mga nakakararami
Iisa lamang ang Diyos;Madami man ang relihiyon
Iba't ibang pananalig saan mang nasyon
Pagibig ang siyang handog Niya sa iyo
Na sana'y handog mo rin sa kapwa mo
Iisa lamang ang Diyos; Dapat nating pakatandaan
Kristiyanismo, Judaismo, Buddhista, o Islam man
Pagkakaisa ng lahat tanging hangad Niya sa atin
Dahil iisa lamang Siyang Diyos na sumasaatin.
Salamat po.