Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: History of Islam in the Philippines  (Read 20404 times)

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
History of Islam in the Philippines
« on: September 20, 2011, 03:20:49 am »
Sa Ngalan ng Allah, ang Pinakamahabagin, ang Pinakamaawain

Luwalhatiin ang Allah, ang Tagapagtaguyod at Tagapagtangkilik ng lahat ng mga nilalang!

Ang Islam ay nakilala sa Pilipinas noong 13 siglo sa pamamagitan ng isang Arabong Misyonaryo na si Sharif Makhdum na lumapag sa Sulu. Ipinagawa niya ang unang Masjid sa Pilipinas sa Tubig-Indangan, Pulo ng Simunol, Lalawigan ng Tawi-Tawi. Ang natitirang bahagi ng Masjid ay makikita pa rin sa dati niyang kinalalagyan. Si Makhdum ay namatay sa Pulo ng Sibuto, Lalawigan ng Tawi-Tawi at ang kanyang puntod ay dinadayo ng mga turista hanggang sa ngayon.

Ng taong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa Bansa at pinagpatuloy ang pagpapalaganap ng Islam na sinimulan ni Sharif Makhdum. Si Abu Bakr ay dumating sa Jolo noong 1450 at pagkatapos ay pinakasalan niya ang dalagang anak ni Rajah Baginda na si Putri (Princess) Paramisuli. Si Abu Bakr ang nagtatag sa tinatawag na Sultanate of Sulu na kung saan silang mag-asawa ang naging unang Sultan at Sultana.

Pagkatapos maitatag ang Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay naglakbay patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan. Siya ay lumapag sa Maguindanao (Cotabato) sa taong 1475 at pagkatapos ay pinakasalan niya si Putri Tunina. Sila rin ang kauna-unahang Sultan at Sultana sa Maguindanao.

Sa paglipas ng maraming taon, maraming Datu na Muslim ang pumunta sa Pilipinas pagkatapos marinig ang magandang balita sa magandang pagtanggap sa mga naunang Muslim. Magmula sa Borneo ay dumating ang sampung Datu na lumapag sa Panay. Ang mga Datung ito ay sina : Datu Puti, Datu Sumakwel, Datu Bangkaya, Datu Dumalogdog, Datu Paiburong, Datu Paduhinog, Datu Lubay, Datu Dumangsil, Datu Kalantiaw at si Datu Balensula.

Si Datu Puti ang siyang pinuno ng grupo ng mga Datu. Si Datu Puti ay dalubhasa sa paglalakbay at sila'y lumapag sa San Joaquin, Iloilo (ang pangalan nito noong una ay Siwaragan). Si Datu Puti at ang mga kasama niya ay binili ang mababang lupa sa Iloilo na nagmula kay Marikudo, ang pinuno ng mga Ita. Nagtatag sila ng sarili nilang pamayanan. Nang ang pamilya ng mga taga Borneo ay natatag sa Panay, si Datu Puti, si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay naglakbay muli at kanilang narating ang Batangas na sakop ng Luzon.

Si Datu Balensula at si Datu Dumangsil ay nagtatag ng sarili nilang pamayanan at si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo sa daang Mindoro at Palawan. Isinalaysay niya ang kanyang karanasan sa mga Borneans at dumami ang nabighani para makapunta sa Pilipinas.

Nang lumapag si Magellan sa Pulo ng Limasawa noong ika-16 ng Marso 1521, ang Pilipinas ay isa ng Bansa ng mga Muslim sa kadahilanang ang karamihan ng populasyon ay mga Muslim na. Pinatutunayan din sa kasaysayan na noong dumating si Legaspi (ang pumalit kay Magellan na napatay ni Lapu-Lapu), ang kaharian ng mga Muslim ay naitatag na sa Batangas, Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Bohol, Samar, Manila, Palawan, na hindi pa kasali ang solidong mga Pulo ng Mindanao.

Noong ika-13 ng Hunyo 1571, ang mga Kastila ang nagpasimula ng mainit na digmaan laban sa mga Muslim ng Maynila na pinamumunuan ng huling haring Muslim na si Rajah Soliman (ang pinuno ng mga Sultan sa Luzon).

Ipinagtangol ni Rajah Soliman ang kanyang kaharian ng buong tatag hanggang sa kahulihulihang hibla ng kanyang buhay na nangyari sa Bangkusay, (sa dalampasigan ng Tondo). Sa pagkatalo ni Soliman, ang mga Kastila ay nagdulot ng lagim sa Pulo ng Luzon. Pinatay nila ang mga lalaki at babae, matanda at bata.

Ang mga Muslim sa karatig bayan ay nagtangol sa kanilang mga sarili hanggang sa kanilang huling hininga. Itak at palaso laban sa baril at kanyon.

Itinatag ng mga Kastila na pangunahing lugar ang Manila at nagplano sila na lusubin ang Visayas. Sa maikling sandali, nalupig nila ang Visayas. Ang mga Muslim na hindi namatay sa digmaan ay napilitang talikdan ang kanilang relihiyon at tanggapin ang Kristiyanismo. Pero ang mga matatapang at bayani ay mas nilubos pa nilang mamatay kaysa sumira sa ALLAH (Subhanahu Wa Taala). Ang mga katutubo na mahihina ang pananampalataya sa kanilang dating relihiyon ay tinangap ang relihiyon ng mga Kastila.

Hindi huminto ang mga Kastila sa pagsakop sa Luzon at Visayas. Di pa sila nakontento, pinangarap pa nilang masakop ang mayamang lupain ng Mindanao. Pero ang mga tribu ng Kalagan, Maguindanao, Iranon, Maranaw, Tausog, Yakan at Sama, nilabanan nila at pinahinto ang pangarap ng mga Kastila.

At doon nagsimula ang tumanyag na digmaan ng mga Muslim at Kastila.

Dalawang bagay ang dahilan kung bakit nagkaroon ng digmaan :

1) Gusto ng mga Kastila na siyang maghari at sakupin ang mga Muslim pero mahal ng mga Muslim ang kanilang kalayaan at mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa maging alipin ng mga Kastila.

1) Nagpahayag ang mga Kastila ng mensahe ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng espada kaya't nag-alsa ang mga Muslim at ginamit ang kanilang kris at bolo para ipagtanggol ang Islam hangang sa huling sandali.

Ang mga Datus na nagtangol sa lupain ng Mindanao laban sa kasakiman ng mga manlulupig na Kastila ay ang mga sumusunod :

1) Si Sultan Pangiran na isang Tausog, ipinagtanggol niya ang lugar ng Zamboanga at Sulu.

1) Pinatay nila Datu Sirugan at ang kanyang kapatid na si Datu Ubal ng Maguindanao si Kapitan Figueroa na isang Kastilang mananakop.

1) Sa ginawang paglusob ng mga Kastila sa Mindanao, naghiganti sina Datu Sirugan ng Maguindanao at si Datu Buisan ng Lanao ng isa ring maingat na paglusob. Nilusob nila ang Cebu, Negros at Panay at nabihag nila ang maraming Kristiyano at sila ay kanilang ginawang alipin.

1) Si Datu Tagal ng Cotabato ay nakapatay ng maraming mandirigmang Kastila.

1) Si Sultan Kudarat ng Cotabato, ipinagtanggol niya ang Lamitan hanggang siya'y napilitang lumipat sa Iligan dahil sa napakalakas na puwersa ng mga Kastila.

1) Si Sultan Bungsu ng Zamboanga ay nakipaglaban sa mga mananakop ng buong giting. Nang ang kanyang asawa na si Pangian Tuan Baloca ay nahuli ng mga Kastila, sinikap niyang maging maganda ang kanyang pakikidigma hanggang sa makuha niya ang Jolo noong taong 1645 sa mga kamay ng mga Kastila at iniutos niyang sirain ang kanilang garison na itinayo sa Zamboanga.

1) Si Sultan Jamaluddin Al Alam at si Sultan Badruddin II ang siyang nagpatuloy ng pakikidigma para protektahan ang Mindanao hanggang sa dumating ang mga taga-Britanya. Sa dahilang hindi malupig ng mga Kastila ang mga Muslim, sila ay napilitang lumagda ng kapayapaan at nagbayad ng buwis kay Jamaluddin at Badruddin.

1) Si Datu Udtog ng Cotabato ang siyang pumatay kay Gobernador Emilio Terrero na isang Kastila.

1) Si Datu Ali ng Baloi, Lanao, napatay niya ang Gobernador ng Misamis na si Valeriano Weyler.

1) Pinatay ng mga magigiting na Maranaw si Heneral Ramon Blanco sa huling pagsubok ng mga Kastila na sakupin ang Mindanao.

Ang pagsakop ng mga Kastila sa Pilipinas ay nagwakas noong taong 1898 at ang mga Amerikano ang siyang pumalit sa mga Kastila.

Sa mahigit na tatlong daang taon na sinubukan ng mga Kastila na sakupin ang mga Muslim, ang Espanya ay bumagsak at napahiya dahil ang mga Muslim sa Mindanao ay nagtagumpay na maipagtangol ang Islam sa Mindanao. Ganoon din ang nangyari sa mga Amerikano at Hapon na walang nagawa para sakupin ang mga Muslim. Dito natin makikita ang kapangyarihan at kadakilaan ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) na kapag ginusto Niya, walang makapipigil lalo na't ipinaglalaban ng mga Muslim ang relihiyon ng ALLAH, ang Islam.

Kaya't masugid naming mambabasa, buksan ang kaisipan at damdamin para ang ganap na gabay at liwanag tungo sa Kanya at makamtan.

Manumbalik loob tayo sa dati nating relihiyon, ang Islam, at ang kapayapaan at kapanatagan ay mapapasaatin.

Nawa'y gabayan tayo ng ALLAH (Subhanahu Wa Taala) para makamtan natin ang kaligtasan at kaligayahan tungo sa buhay na walang hanggan - ang PARAISO.

References :

1) Muslim In The Philippines by Prof. Muhammad Kurais

2) Philippine Islamic History by Ustadz Ismael Iljas

3) The Land Of Promise " MINDANAO " by Senator Santanina Tillah Rasul (Al Hadja)

4) Salsila by Ustadz Habib Zain

jonnel01

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 237
  • Karma 5
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #1 on: September 20, 2011, 03:35:21 am »
nice info bossing napagaralan ko na to sa social science

bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #2 on: September 20, 2011, 03:39:49 am »
ano ba ang koran? baka pwede din pakilagay kahit na konting info about sa koran.. about sa mga turo etc. totoo ba na pati ang pagdumi ng tao at nakalagay dun kung papano gagawin? pati ang tamang pagkain etc. pagkamay gamit ang tatlong daliri lamang... salamat

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #3 on: September 20, 2011, 03:52:15 am »
ano ba ang koran? baka pwede din pakilagay kahit na konting info about sa koran.. about sa mga turo etc. totoo ba na pati ang pagdumi ng tao at nakalagay dun kung papano gagawin? pati ang tamang pagkain etc. pagkamay gamit ang tatlong daliri lamang... salamat

Ang Banal na Qur’an ay ang panghuling kapahayagan ng Allah. Ito ay tunay na salita ng Allah na napanatili sa kanyang orihinal na anyo.

Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa pamamagitan ni Anghel Gabriel sa loob ng dalawampu’t-tatlong taon. Ito ang saligan o batayan ng pananampalatayang Islam. Ang kapahayagang ito ay siyang binibigkas ng mga Muslim sa tuwing magdarasal ng limang beses sa maghapon. Ang Banal na Qur’an ay ipinahayag ng Allah bilang gabay sa sangkatauhan.

Sa katunayan, maraming Muslim ang nasasaulo ang buong Banal na Qur’an. Ito ay isang patunay na ang Banal na Qur’an ay hindi maaaring baguhin magpakailanman at isang tanda na ito ay pinangangalagaan ng Allah laban sa anumang pagbabago.

Sa Banal na Qur’an (15:9) ang Allah ay nagsabi :

“Katotohanan, ipinadala Namin ang Kapayahagan; at katiyakang pangangalagaan Namin ito (sa ano mang pagbabago).”

thebreed

  • 2008 Guardians
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 422
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #4 on: September 20, 2011, 04:30:42 am »
@: islam_way

  sir muslim ka poh ba,, na tanong ko lang,,?

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #5 on: September 20, 2011, 05:03:30 am »
@: islam_way

  sir muslim ka poh ba,, na tanong ko lang,,?

yes!

agent__orange

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 27
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #6 on: September 20, 2011, 06:53:52 am »
copy paste ka naman, sana yung mula talaga sa puso at isip mo.

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #7 on: September 20, 2011, 07:03:17 am »
copy paste ka naman, sana yung mula talaga sa puso at isip mo.

yes kapatid, ina admit ko po yan. dahil hindi po ako historian. sini share ko lang kung ano nababasa ko at nakikita ko.
dahil marami sa atin dito na wala pang alam sa history ng islam sa pilipinas.

agent__orange

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 27
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #8 on: September 20, 2011, 06:42:34 pm »
marami din naman ang nag college dito na kasama ang islam sa topics sa subject na religion. pero kung muslim ka man talaga e parang mali yata ang sistema mo para maka hikayat ng iba.

anyway, googluck sayo. sarap ng litson noh?

thebreed

  • 2008 Guardians
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 422
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #9 on: September 20, 2011, 09:55:43 pm »
@ : islam_way,,

dati ka  ba christian,,? alam mo siguro ang Kafir o Munafiq,, anyway sir good luck,,

sikensangwits

  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 520
  • Karma 4
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #10 on: September 20, 2011, 10:36:00 pm »
Binasa ko ung sinulat ni TS, maganda naman sya. naliwanagan ako. Subalit kung papipiliin ako, sana naging Espanyol na lang tayo pala, kasi pihado pogi tayo matatangos ang mga ilong, matatangkad at higit sa lahat..... yummy!   laffman::
 
sprong04

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 110
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #11 on: September 21, 2011, 02:47:42 am »
Binasa ko ung sinulat ni TS, maganda naman sya. naliwanagan ako. Subalit kung papipiliin ako, sana naging Espanyol na lang tayo pala, kasi pihado pogi tayo matatangos ang mga ilong, matatangkad at higit sa lahat..... yummy!   laffman::

Natawa naman ako dito...

tama ka pero nag ka chance din tayo na maging kano eh kaya lang matataas kase ihi ng mga tao noon kung di sana naging state of america din sana tayo...

sprong04

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 110
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #12 on: September 21, 2011, 02:49:51 am »
TS bakit hindi kasama si
Raja Manggubat at Datu Bugna sa kanila..
alam ba nila na si Amaya and babae sa tadna?

kupido1000

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 147
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #13 on: September 21, 2011, 03:23:27 am »
marami din naman ang nag college dito na kasama ang islam sa topics sa subject na religion. pero kung muslim ka man talaga e parang mali yata ang sistema mo para maka hikayat ng iba.

anyway, googluck sayo. sarap ng litson noh?
::wagbastos :

tsk tsk tsk

tdaturbanos

  • gReAt SaLvAtiOn
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 56
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • gReAt SaLvAtiOn
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #14 on: September 21, 2011, 04:16:47 am »
sobrang tawa ko naman dito ahehehehe
TS bakit hindi kasama si
Raja Manggubat at Datu Bugna sa kanila..
alam ba nila na si Amaya and babae sa tadna?

::lmao ::lmao ::lmao ::lmao ::lmao laffman:: laffman:: laffman:: laffman:: laffman:: ::lmao ::lmao ::lmao ::lmao ::lmao
gReAt SaLvAtiOn

bugtook

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 447
  • Karma 6
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #15 on: September 21, 2011, 07:51:48 am »
TS bakit hindi kasama si
Raja Manggubat at Datu Bugna sa kanila..
alam ba nila na si Amaya and babae sa tadna?

hahahahaha natawa ako dito  ::lmao
"DO LESS COMPLAINING, and pay more attention to giving."

derbydadi

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 37
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #16 on: September 21, 2011, 11:21:23 am »
please don't feed the masses with "tasteless" dinner..force-feeding ideals is not the right way of enlightening others. ive seen enough of these here in saudi.

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #17 on: September 21, 2011, 08:11:52 pm »
pero yung ibang nakasulat e pumunta muna sila sa cebu at noon nasa luzon na sila ay may bitbit na silang mga cebu archers

batman217

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1596
  • Karma 22
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #18 on: September 21, 2011, 09:04:56 pm »
TS bakit hindi kasama si
Raja Manggubat at Datu Bugna sa kanila..
alam ba nila na si Amaya and babae sa tadna?

 laffman:: laffman::. Napunta sa Amaya. ???

Mahirap talagang pag-usapan ang relihiyon, pati sa mga beauty pageant, parang hirap ang isang contestant pag patungkol sa relihiyon ang tanong sa kanya sa Q & A portion. Sabi nga ng isang kasabihan, 'Religion divides people'.

Pero ang mangibabaw sana sa ganitong usapan eh, ang respeto at pag-galang sa paniniwala ng bawat isa.  toast::
'What if I'm not the hero, what if I'm the bad guy'

sprong04

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 110
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #19 on: September 22, 2011, 02:11:23 am »
Tama ka jan Brod batman217 we have to respect them but still they have to know the truth because as the bible says  ( John 8:32   And ye shall know the truth, and the truth shall make you free ) marami na akong mga nakausap na muslim good for them na pinaglalaban nila ang kanilang paniniwala pero grabe kung mang alipusta o mang lait ng mga kristyano mga yan... wala akong galit sa kanila dahil ang Diyos is a JUST GOD.. ito lang masasabi ko sa kanila at pag isipan nilang mabuti...

Ang Diyos na aking sinasamba ang sabi nya MAHALIN MO ANG KAAWAY MO, PAG SINAMPAL KA SA KANAN IBIGAY MO PA ANG KALIWA..

Subalit ang Diyos na tinuturo ng mga muslim.. (at kung totoo silang mananampalataya kay Allah na tinatawag nila alam ko aaminin nila ito)

Patayin mo ang mga Kaaway mo or tayung mga infidel na tinatawag nila na hindi muslim..
kapag sinampal ka sa kanan - sampalin mo sya ng kaliwat kanan

sabi nga nung isa nating kasama magkakaroon daw sila ng gantimpala na 72 virgins kapag pumatay sila ng mga infidel.

An Author ones says:

Christian - I WILL DIE FOR WHAT I BELIEVE
Muslim - YOU WILL DIE FOR WHAT I BELIEVE
 
Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #20 on: September 22, 2011, 09:00:14 pm »
problema kase sa islam tol huwag sanang sumama ang loob mo

ang pinaka unang religion natin e dinaman islam kundi  pagano may sariling dios ang mga ninuno natin yun ay si "BATHALA"

1. Madaling maakit ang mga ninuno natin sa pangako ikaw ba naman bigyan ng 72 na birhen di ka ba papayag o sa Kristianismo na  malayang masakop ang isang lupain at magbayad ng buwis

tsaka sa muslim e kung wala kang pera wala kang asawa vice versa sa kristianismo

sa muslim e bawal kumain ng baboy siguro kahit na mamatay ka sa gutom di ka kakain sa kristianismo e pwede kang kumain na may pagpipigil

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #21 on: September 23, 2011, 06:10:08 am »

di ko ikakasama ng loob kapatid. alam ko iba talaga perception nyo sa islam o muslim.
about sa baboy. sasagutin ko yan sa ibang topic. about sa 72 birhen, sasagutin ko yan pag may maibibigay kayong talata mula sa Qur'an.

peace be with you brother.

kluverbucy

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 508
  • Karma 4
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #22 on: September 24, 2011, 05:43:01 pm »
Tama ka jan Brod batman217 we have to respect them but still they have to know the truth because as the bible says  ( John 8:32   And ye shall know the truth, and the truth shall make you free ) marami na akong mga nakausap na muslim good for them na pinaglalaban nila ang kanilang paniniwala pero grabe kung mang alipusta o mang lait ng mga kristyano mga yan... wala akong galit sa kanila dahil ang Diyos is a JUST GOD.. ito lang masasabi ko sa kanila at pag isipan nilang mabuti...

Ang Diyos na aking sinasamba ang sabi nya MAHALIN MO ANG KAAWAY MO, PAG SINAMPAL KA SA KANAN IBIGAY MO PA ANG KALIWA..

Subalit ang Diyos na tinuturo ng mga muslim.. (at kung totoo silang mananampalataya kay Allah na tinatawag nila alam ko aaminin nila ito)

Patayin mo ang mga Kaaway mo or tayung mga infidel na tinatawag nila na hindi muslim..
kapag sinampal ka sa kanan - sampalin mo sya ng kaliwat kanan

sabi nga nung isa nating kasama magkakaroon daw sila ng gantimpala na 72 virgins kapag pumatay sila ng mga infidel.

An Author ones says:

Christian - I WILL DIE FOR WHAT I BELIEVE
Muslim - YOU WILL DIE FOR WHAT I BELIEVE
 
Koya para kay TS ito ahh..

@TS

Sagutin mo nga ito.. ang dami mong sinasagot yung mga ganitong katanungin or comment hindi mo sinasagot?

Kaya nga sa muslim, uso talaga ang suicide bomber..

Palagay mo tamang asal ba yan at turo sa islam?..

@TS

Bansang pilipinas muslim na dati pa? Hindi siguro!

May nagkalat lang pala ng Islam eh, naniwala naman dun sa Arabo? Tapos ngayon sinisigaw ng mga Muslim sa Mindanao Sakanila daw ang Mindanao.. Papano yung Luzon at Visayas?

islam_way

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #23 on: September 24, 2011, 05:56:09 pm »
Koya para kay TS ito ahh..

@TS

Sagutin mo nga ito.. ang dami mong sinasagot yung mga ganitong katanungin or comment hindi mo sinasagot?

Kaya nga sa muslim, uso talaga ang suicide bomber..

Palagay mo tamang asal ba yan at turo sa islam?..

@TS

Bansang pilipinas muslim na dati pa? Hindi siguro!

May nagkalat lang pala ng Islam eh, naniwala naman dun sa Arabo? Tapos ngayon sinisigaw ng mga Muslim sa Mindanao Sakanila daw ang Mindanao.. Papano yung Luzon at Visayas?

kapatid, paulit ulit ko nang sinasagot yan. kailan man ang suicide bomber ay hindi pinahihintulutan sa Qur'an.
 
kung meron sigurong bomba noong panahon ng kastila. baka si bonifacio nag suicide bomber na sa mga kastila.

pero, ituturing mo ba siyang terorista? hindi, ituturing mo pa rin siyang bayani.

wala sa Qur'an ang mag suicide. kung meron kayong nakita, pakibigay ng talata.

ang pagpapalaganap ng islam sa pilipinas ay sa mabuti at magandang paraan. ibinalita ang tamang pagturo.

paano ba pagsakop at pagpapalaganap ng kristyanismo sa pilipinas? sa pamamagitan ng dahas, at ang di susunod ay papatayin. natawag ba silang terorista?

kapatid, wag tayong bias. ang kristyanismo ay tanda ng ating pagkatalo at pagka alipin sa mga kastila.

na hanggang ngayun ay andyan  parin ang tanda ng ating pagka alipin sa mga kastila.

kluverbucy

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 508
  • Karma 4
Re: History of Islam in the Philippines
« Reply #24 on: September 24, 2011, 06:35:49 pm »

-Eh yan?