Your were too much influenced by the media TS. And you were too much influenced by your conventional perception of morality thought either by your parents or by the people around you.
Influenced or not, what mayor Sara did was wrong; what the father did was gross; what the son did was disgusting and you can't deny nor defend it.
Ang gusto mo dapat ang namumuno ay mabait ang image? Puro pa-pogi sa sarili, puro propaganda ang alam tapos wala namang nagagawa? Try mong ikumpara ang Davao sa ibang City sa Philippines.
Hindi po. Ang dapat mamuno ay yun pong magandang tularan ng tao. Yun pong hindi kamao ang ginagamit sa oras na kailangan ng tao ng kapayapaan. Yun pong hindi nanununtok dahil umakyat ang dugo sa ulo sa galit. Hindi po 'yung nagde-dirty finger na may kasamang arrogance na para bagang pag-aari nila ang mga taong nasasakupan nila.
Dapat po ganyan ang lider KAHIT SAANG lugar sa bansa.
Wala akong paki-alam kahit dalawang dirty fingers pa yang pinakita nila at kahit magmura sa harap ng camera, basta ang ginagawa nila ay para sa mga tao.
Tutoo 'yan, wala kang pakialam. 'Yan ang impluensiya sa 'yo ng mga Duterte. Wala kang pakialam hanggang kakampi mo ang nang-aapi at nag-aabuso.
Malakas ang regionalismo sa kaisipan mo, kaibigan. Kami versus kayo. 'Yan ang gustong-gusto ng mga warlords. Mga taong "kanila". Mga pag-aari nila. Sunod-sunoran. No wonder ang Pilipinas hindi makabangon-bangon.
Kita naman natin sa Davao ang resulta ng magandang pamumuno nila.
So what? Okay, puriin natin 'yung tama at magagandang ginagawa nila. No problem. Pero kung mali at magaspang naman, aba, dapat punahin natin. Ano 'yang mga Duterte, spoiled brats? Kahit mali, sige lang? Basta 'wag lang tayo ang ginawa'n ng mali?
Saka kung may ginawa silang tama, dapat lang kasi 'yun ang trabaho nila. 'Yun ang pinangako nila sa kampanya. Kayo ang amo, sila ang serbisyo publiko.
Baguhin ninyo ang kaisipang alipin. Kayo ang amo ng mga punong halal. Meron kayong boses upang puriin o punahin ang kanilang mga akto. Hindi sila ang amo n'yo.
Peace bro!