Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!  (Read 2881 times)

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« on: June 24, 2011, 12:38:11 pm »
Tsk... ano na naman kaya ang malalim na kapalit nito para sa kay uncle sam.....

Pinagtibay kahapon ng Estados Unidos ang kasunduan sa pagitan nito at ng Pilipinas na pagkakaloob ng ‘military aide’, kasama ang mga equipment at armas, ang huli kung kakailanganin nito para idepensa ang sarili laban sa mga dayuhang puwersa.


 Ang pagpapatibay sa Mutual Defense Treaty (MDT) ng US at Pilipinas ay isinatinig kahapon ni US Secretary of State Hillary Clinton sa ginawang pakikipag-usap kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Albert del Rosario na bumibisita sa Washington DC.


 Nakasaad sa treaty na  “each Party recognizes that an armed attack in the Pacific Area on either of the Parties would be dangerous to its own peace and safety and declares that it would act to meet the common dangers in accordance with its constitutional processes.”


 Tinalakay rin ng dalawang kalihim ang kasalukuyang sitwasyon sa West Philippine Sea (South China Sea) at nagbahagi ng mga pananaw ang magkabilang panig na ang umiinit na tensyon ay dahilan para tutukan ang problema upang masiguro ang katatagan at kapayapaan sa rehiyon.


 Ilan sa mga hakbang na handa umanong gawin ng Estados Unidos para sa Pilipinas, ayon kay Clinton, ay pagkakaloob ng “much-needed hardware” para i-upgrade ang puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


 Labis namang ikinatuwa ng Malacañang ang pinakahuling mga kataga ni Clinton sa pagsasabing, “The reiteration of our treaty partnership with the United States and a way forward where all nations can cooperate to their common benefit is timely. The administration continues to work with partners like the United States to accomplish enduring, inclusive growth for ourselves and to be a voice of stability and responsibility in the region,” ani presidential spokesman Edwin Lacierda.


 Hindi naman nagustuhan ni Sen. Gregorio Honasan ang tila pagmamaliit ng Pilipinas sa sarili at lantarang panghihingi ng tulong sa Amerika. “Hindi makakatulong ang self-flagellation o panlalait sa sarili pati ang paghingi natin ng tulong sa US,” giit ng senador sabay giit na panahon na para pulungin ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang DFA, Department of National Defense (DND) at Department of Finance (DOF) para bumuo ng kongkretong mga plano at hakbang imbes na hayaang magsalita sa maselang isyu ang mga alipores sa Malacañang na walang kasanayan sa usaping ito.


 Batikos naman ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan sa bagong pangakong tulong military ng US, “This is proof that the VFA has been around for over a decade has not served our purposes.”


 Kapwa naman naniniwala sina Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at dating Sen. Aquilino Pimentel Jr. na hindi na kailangan ang pagpapakita ng muscle ng US sa usapin para saklolohan ang Pilipinas sa sinasabing pambu-bully ng China.


 Dahil ang tanging kalutasan umano ng tensyon sa Spratlys ay wala sa armadong pagbabanta kundi sa diplomatikong pag-uusap lang.


 â€œWhat is needed to calm down or resolve the situation in the South China Sea is diplomacy, not sabre rattling,” ani Marcos.


 Naniniwala naman si Pimentel na, “ASEAN was designed for the ten nations to help one another and I am sure that even if some of the ASEAN also claim the Spratlys, they don’t war over that piece of rock.”

Source abante: http://www.abante.com.ph/issue/jun2511/news01.htm

mikester

  • Rockheads
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 448
  • Karma 0
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #1 on: June 24, 2011, 01:19:47 pm »
made in China yung mga armas..

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #2 on: June 24, 2011, 01:42:54 pm »

comsci24

  • Regional: America-Canada
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2671
  • Karma 7
  • Gender: Male
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #3 on: June 24, 2011, 02:08:59 pm »
to tell you the truth I don't see anything wrong with cooperating with america, remember nung colony pa tayo ng america, remember nung very active pa ang clark airbase, Philippines back then was one of the most promising and upcoming countries hanggang umalis yung mga americano, pilipino ang namahala ng walang tulong pero may nangyari bang mabuti, wala bumagsak ang pilipinas ng sobra sobra kabikabila ang mga kurakot.

dati nun nasa top ang philippines when it comes to their english proficiency and sa dami ng percentage of pinoy finishing college ngyon ang nasa top na lang tayo sa dumi at corruption.

I'm not saying magpasakop ulit tayo sa america ang sinasabi ko lang walang masama kung makipag cooperate tayo sa america at makipag palitan ng likas yaman at man power.
http://i48.tinypic.com/2hwz1jn.jpg
Read new signature rule -- support@espiya.net

Breath

  • Act what you can do, Dont act like stupid!
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 843
  • Karma 21
  • Gender: Male
  • "Remember The Name"
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #4 on: June 24, 2011, 02:41:22 pm »
This is what I think about this topic:
(Medyo guguluhin ko lang sana ma-gets niyo baka madale tayo ng Intels out there SERIOUSLY)

Wala naman masama, pero malalamang may kapalit...  ???

Pakibasa ng mahinahon ang mga sumusunod at mag isip ng parang sundalo:
(What you see, what you hear, what you read, leave it here...)

This is how Uncle Sam "Intelligentsia" think one way or another...

They gave us 1st class pop corns and a flying birds to front line us...
(I hope this will not happened... We PH will have more Casualties than Uncle Sammy its not a win-win solution, but...)

Then after that they will make a Leche!!!! plan on how to tail bomb the dragons head...
(I hope you get this folks, because we will be a genie pigs if a hammer hits the sleeping dragon)

Then Uncle Sammy will make sure the tiny Island gets a share from it for doing so.
( off course! beacuse they gave us 1st class pop corns and flying birds...)
« Last Edit: June 24, 2011, 02:45:23 pm by Breath »

gkhan

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1502
  • Karma 15
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #5 on: June 24, 2011, 03:57:27 pm »
That's another sensationalism that one tabloid masquerading as a broadsheet has resorted to at ginawa pa nila headline. Di naman ganyang ang pagkasabi ni Ms. Hillary dun sa joint statement nila.  Sinabi lang na tutulong ang US sa Pinas at bibigyan ng pagkakataon ang Pinas na magkaron ng military hardware. Pag sinabi kasi na aarmasan eh para bang ibibigay na lang ng US ang arms sa Pinas pero the truth eh bibilhin pa rin ng Pinas yun.  The way yun headline was worded eh para bang bibigyan ka ni kuya ng "eto 22caliber, yan may baril ka na" which is farthest from the truth.  Pipiliin pa rin ng US ang gusto nila ibenta sa atin and I am sure, hindi yan sophisticated or hindi yan bago, mga pinaglumaan nila yan.  At pagkatapos ay hindi pa rin magbibigay ng assurance ng support ng spares at parts or continued weaponry supply.  I can bet you, walang missile na ibebenta sa atin.  Lalabas lang na pang props ang mga kagamitan.

Ang higit na dapat gawin is for the armed services to develop a self reliant national defense strategy.  Dapat tingnan yan sa mas mahabang time frame at hindi lang band aid solution na bibili ngayon ng armas at iisipin na "modernized" na tayo with the attitude na "ok na yan, andyan naman lagi ang US". Yun pagkasabi ni Ms. Hillary ng ganun eh dapat kunin nating ang technology at gawin ang military hardware dito gaya ng ginawa ng Japan na paggawa ng sarili nilang fighter jet - nakipag joint venture sa isang manufacturer ng jet, kinuha ang technology at ginawa mismo sa Japan ang jet.  Pag ganyan, pwede marami tayo manufacture and it will create jobs and investments in support services.

ssbongbong

  • walang palalampasin lahat tutumbukin!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1907
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • derechupa ang aksyon!
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #6 on: June 24, 2011, 03:58:41 pm »
bat kaya di na lang ulit tayo magpasakop sa america..para maging us citizen tayong lahat..hehehe laffman:: toast::

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #7 on: June 24, 2011, 06:50:58 pm »
Quote
bat kaya di na lang ulit tayo magpasakop sa america..para maging us citizen tayong lahat..hehehe

wala kasi tayong langis

kung may langis lang tayo na kasing dmai ni saddam at qadaffi e di mag-dadalawang isip ang america na sakupin tayo
 

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #8 on: June 24, 2011, 09:22:13 pm »
 ;D ibenta ang isla kapalit ang armas at pondo at sigurado may trabaho pa ang pinoy pag nag tayo ng mga depot ang mga kano

flipblood

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 744
  • Karma 3
Re: U.S sa Pinas Aarmasan namin kayo!
« Reply #9 on: June 24, 2011, 09:41:58 pm »
tama made in china nga kunin nila dahil mas mura ::lmao kapos yng us ngayun