maglalakad ka ng papeles sa munisipyo 150. kung kulang ka sa requirements para sa papeles, for example, birth certificate, 150 pa ulit bawat kulang na papers.
kung catholic ka, fee ng simbahan sa simpleng wedding, ranges from 700-1500. ngayon kung kulang ka rin ng requirements na papeles sa simbahan, halimbawang di ka pa nabinyagan at nakumpilan ibang set pa ng gastos iyon ranges from sa binyag depende sa dami ng ninong ang fee, 50 pesos kada niniong at ninang. sa kumpil, 250 siningil sa akin 5 years ago.
reception dahil sa bahay naman. magpacater ka na lang para less hassle. 100-150 pesos per person. so kung 100 bisita, syempre kasama kayo sa kwenta, around 15k.
wedding cake ranges from 4k-8k, simple lang ito, single layer.
Barong, as low as 400 meron ka makukuha sa Divisoria, marami doon nagtitinda ng pangkasal. Gown 700 pinakamura.
Invitation, Bili ka na lang ng paper pang diploma, magpaprint ka na lang tapos i-roll mo lang gawin mong scroll, maganda na tingnan. paper + printing expenses 500
give aways, kung may dvd burner ka, cd na lang, mga songs na pinatugtog sa kasal ninyo. 100pcs with case na 1000 pesos.
as for video/pictures. pwede kayong kumuha ng services, for as low as 10k. 8k nga yata meron, from pfotoline or agfa yata, wedding package nila.
to sum it all up kung yung puro pinakamura ia-avail mo
Municipal Fee = 150
Church Fee = 700
Reception = 10000
Cake = 4000
Barong & Pants = 800
Gown = 700
invitation = 500
giveaways = 1000
photo/video = 10000
Total of 27850
para sa barong and gowns ng mga abay, KKB na. kanya kanya na silang bayad. or kung gusto mo nga bilhan mo na lang sila sa Divisoria. photo and video kung meron ka naman camcorder and camera, makakatipid ka pa rin