Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.  (Read 4153 times)

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« on: May 22, 2011, 03:23:57 pm »
Ingat-ingat lang mga ka-espiya.

MANILA, Philippines - Malaking trahedya umano ang posibleng maganap sa ilang lalawigan bunga ng posibilidad na sabay-sabay na pagputok ng tatlong aktibong bulkan sa pagpasok ng panibagong bagyo sa bansa.

“Ang dasal ko lang eh, parating ang bagyo huwag naman sanang sasabayan ng bulkang Bulusan, Mayon at Taal, dahil malaki ang problemang kakaharapin natin,” nababahalang pahayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) executive Director Benito Ramos kahapon.

Base umano sa impormasyong ibinigay ng Phivolcs sa NDRRMC, may tsansa na magsabay-sabay ng pagsabog ang Mayon sa Albay, Bulusan sa Sorsogon at ang Taal sa Batangas, kasabay ng sinasabing bagyong Chedeng na papasok sa bansa kaya maaring magdulot ng malaking problema sa sandaling mangyari ito.

Sinabi ni Ramos, kung mangyayari ang ganitong problema, may plano na ang civil defense sa Region 8, Region 5, Region 4-A, at Region 4-B, para dito upang maiwasan ang idudulot na trahedya nito sa mga bawat pamilyang maapektuhan.

Taong 1800 ng maitala ang pagsabay-sabay ng pagputok ng tatlong nabanggit na bulkan na maaring maulit muli kaya pinaghahandaan na nila ang “worse case scenario” kasabay ng panalanging huwag nang sabayan ng bagyo.

Inilagay na nila sa Blue alert ang kagawaran dahil sa babala pa lamang anya ng PAGASA ay maghanda na sila 72 hrs bago nito.

Bukod sa Bicol region, nakaalerto rin ang kagawaran sa bahagi ng Northern Luzon, Region 3 at Region 2.

Samantala, ayon sa Phivolcs, inaasahang papasok sa bansa ang tropical storm ngayon umaga (bukas) matapos na mamataan ito sa labas ng ating area of responsibility sa layong 1,070 kilometro, silangan ng Northern Mindanao alas-12 ng madaling-araw.
 

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 75 km kada oras at may pabugsong ihip na hanggang 90 km kada oras. Ito ay kumikilos ng patungong West North West sa bilis ng 15 km bawat oras.

source: http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=688914&publicationSubCategoryId=92

matadoramba

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 175
  • Karma 0
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #1 on: May 22, 2011, 03:36:31 pm »
Wag naman sana.

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #2 on: May 22, 2011, 03:40:57 pm »
literally, nanindig balahibo ko.
A person becomes strong by accepting their fears.

The Dark Knight

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3801
  • Karma 15
  • I think you and I are destined to do this forever.
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #3 on: May 22, 2011, 03:44:13 pm »
Director nang NDRRMC nagsabi nun? Sana hindi "haka-haka" o kutob? Sana nagsalita sya based on facts, may study, may mga experts syang binanggit? HIndi kasi parang nanakot lang sya, ahensya pa naman sya ng gobyerno.

Anyway, since he said it. At least "he" is prepared for "worst case scenario".

boytumba

  • Kahit Nasaan Ka Pa. Itutumba Kita!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1283
  • Karma 1
  • Here I cum to save the day!
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #4 on: May 22, 2011, 03:49:38 pm »
he "said" he is prepared.

paano? at ano? ang paghahandang ginawa/ginagawa nya.
It's not a new world I found. It's a new Perspective.

voyager_

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2717
  • Karma 34
  • Gender: Male
  • ROG Strix GL753-VE
    • "The Iglesia Ni Cristo"
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #5 on: May 22, 2011, 03:53:14 pm »
he "said" he is prepared.

paano? at ano? ang paghahandang ginawa/ginagawa nya.

they are prepared..... to make alibis after.... ;D
Rom 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

xeoxander01

  • Balikatan Participant
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1625
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Beware of half truths. You may get the wrong half.
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #6 on: May 22, 2011, 03:56:32 pm »
ganito ang nangyari nung pagsabog ng pinatubo..

volcanic ash + heavy rain = lahar

wag naman sana..

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #7 on: May 22, 2011, 04:02:18 pm »
true or not, maghanda na tayo para sa sakuna or sa masamang trahedya.
true or not, maghanda na tayo para sa alibi nila  laffman::
A person becomes strong by accepting their fears.

zedlareg

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 209
  • Karma 0
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #8 on: May 22, 2011, 04:29:36 pm »
and to think they are not reliable enough....


aw oo nga pala... nag end na nga pala ang world last may 21, 2011...


as of now... may 23, 2011... new world order nga pala ngaun... lets repopulate the world nlng..

Gat J.P. Rizal

  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4930
  • Karma 76
  • Gender: Male
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #9 on: May 22, 2011, 04:33:29 pm »
waaah ingat mga kapatid, sumabog ulit yung vulcano ng.Iceland maapektuhan na naman buong Europe airspace marami na naman ma starnded mga kapatid nating OFW at seafarers na nanggagaling o mayy stopover sa Europe.

boytumba

  • Kahit Nasaan Ka Pa. Itutumba Kita!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1283
  • Karma 1
  • Here I cum to save the day!
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #10 on: May 22, 2011, 04:37:22 pm »
maghanda nalang sa sarili sariling bahay. mahirap ang umasa sa gobyerno.

kung meron silang naihanda, malaking tulong.. ngunit naka bubuting maging handa tayo para sa mga sarili at sa iba (kung nabigyan ng pagkakataong makatulong)
It's not a new world I found. It's a new Perspective.

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #11 on: May 22, 2011, 04:41:14 pm »
i remember this, laging nang nagrereact yung earth natin, quake sunod sunod, volcano eruption....
dahil sa solar storm... " i forgot what year yun"....  ::moreinfo

alphaflight

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 192
  • Karma 1
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #12 on: May 22, 2011, 05:12:44 pm »
eruption of three volcanos + bagyo = illuminati

zer0below.exe

  • -卐- 3rd class soldier -卍- Rapid Libido Regenerationᶟ
  • Console Gamers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 391
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • (_Ì…_Ì…(̲̲̲̲̲̅̅̅̅̅̅(Ì…_Ì…v_̲̅a_̲̅p_̲̅e_̲̅_̲̅_̲̅_̲̅_̲̅()
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #13 on: May 22, 2011, 05:24:19 pm »
Sana reliable yung source nila. Trully pagdating sa NDRRMC at PAGASA nababawasan yung paniniwala ko sa kanila. sana maglabas sila ng studies ng mga experts. pero if ever na totoo manyan wag naman. sana. . .

Badtrip talaga Binura Account ko!!!

hell_franks

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 491
  • Karma 7
  • Gender: Male
  • "ARF ARF ARF"
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #14 on: May 22, 2011, 05:56:50 pm »
mas may katotohanan pa itong sinasabi niya kesa sa May 21 na end of the world.
 lets prepare na lang..

boy_pektus

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 293
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • kung may disiplina may pag-kakaisa
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #15 on: May 22, 2011, 05:58:03 pm »
they are prepared..... to make alibis after.... ;D


prepared to leave the country ::lmao


curiousguy

  • Console Gamers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 66
  • Karma 0
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #16 on: May 22, 2011, 09:17:17 pm »
bad news yan pagnagkataon.. wag sana mangayari :o

slyph12

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 346
  • Karma 35
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #17 on: May 22, 2011, 09:22:10 pm »
Director nang NDRRMC nagsabi nun? Sana hindi "haka-haka" o kutob? Sana nagsalita sya based on facts, may study, may mga experts syang binanggit? HIndi kasi parang nanakot lang sya, ahensya pa naman sya ng gobyerno.

Anyway, since he said it. At least "he" is prepared for "worst case scenario".
kakasabi lang na may journal/record ng event nung 1800 di ba? ???

pspyrock

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1546
  • Karma 47
  • Gender: Male
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #18 on: May 22, 2011, 09:28:23 pm »
"The most dangerous type of volcanic eruption can be triggered by heavy rain, UK researchers have found. This suggests that simply watching the weather forecast could be used to save lives."

http://www.newscientist.com/article/dn2755-rainstorms-could-trigger-killer-eruptions.html

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: Posible raw sa pagpasok ng bagyo, 3 bulkan sabay sasabog.
« Reply #19 on: May 22, 2011, 09:43:16 pm »
"The most dangerous type of volcanic eruption can be triggered by heavy rain, UK researchers have found. This suggests that simply watching the weather forecast could be used to save lives."

http://www.newscientist.com/article/dn2755-rainstorms-could-trigger-killer-eruptions.html

Ayun tama ka... kaya mga ka espiya ingat kayo lalo na yung ka spies na malapit sa lugar na kung saan delikado.