Noon, ikaw ang buhay ko
Ang ligaya sa umaga ko
Ang pag-ibig na tanging hinihiling
Na sana ay habangbuhay na nasa akin
Nagbago ang lahat
Nang may matanggap kang sulat
Mula sa isang tao
na hindi ko man lang kaano-ano
Nagdesisyon kang lumisan
Kahit hindi mo man lang ako pinakinggan
Naglahong Pagmamahal mo
Dumurog sa puso ko
Makalipas ang limang taon
Nandito ka ngayon
Humihingi ng kapatawaran
Sa iyong kamalian
Ano pa ang magagawa ko?
Sa ngayon ay may pamilya na ako...
Mahalin man kitang muli
Ako ang magsisisi sa bandang huli
Naglahong Pagmamahal...
Yan ang nangyari...
Sa atin na minsan ay bumuo
Ng mga pangarap natin...
Sino ang nagkasala?
Ako ba na ang mahalin ka ng totoo?
O ang kawalan ng tiwala?
Sa pag-ibig na inialay ko...
Sadyang ganyan ang tadhana..
Mapaglaro, mapagbiro
Nasa sa atin ang desisyon
kung tayo ay magpapa-apekto...
Paalam na at ako ay lilisan..
Upang makapiling ang aking kapisan
Sa aming munting tahanan...
Kami ng pamilya ko ay tunay na nagmamahalan...
---dedicated to "beatrice"----
by namster daguman...