Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: mga sir pahelp lang po  (Read 1424 times)

drleklek

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 11
  • Karma 0
mga sir pahelp lang po
« on: April 13, 2011, 05:38:04 am »
nahuli kasi namin ung kapatid ko na me ibang babae kahit me asawa na xa at 2 anak...ngaun po gusto namin pa barangay sa kanila ung babae nya...hindi kasi alam ng nanay nya na kabit pla ung anak nya...kala binata pa ung utol ko..
alam nyo po ba kung saan yung Buganvilla street camarin caloocan city??...balak kasi namin puntahan sa barangay...
thanks po sa makakatulong!!!

Gat J.P. Rizal

  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4930
  • Karma 76
  • Gender: Male
Re: mga sir pahelp lang po
« Reply #1 on: April 13, 2011, 06:10:46 am »
Sir wrong forum po kayo...

Sa akin lang po ba't mo pa kailangan na ipa-baranggay yong kalaguyo ng kapatid mo.  Naniniwala siguro kayo sa kapatid nyo na ang may kasalanan ay yung babae di nyo napansin na unang-una yung kapatid nyo ang nangloloko siya mismo alam niya na may asawa siya bat ba pumasok sa relasyon na yan.  Infairness sa kalaguyo kung di talaga alam niya na may asawa ang kapatid mo yung kalaguyo ang papanigan kot akoy naawa at niloko sa kapatid mo siyay biktima po, tanungin mo kaya't ano napasok sa isip ng kapatid mo?  Isama mo rin sa report yung kapatid nyo siya mismo ay guilty ng concubinage.  Opinyon ko lng po ito kaya wag masamain.

Salamat.
« Last Edit: April 13, 2011, 06:13:40 am by Gat J.P. Rizal »

drleklek

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 11
  • Karma 0
Re: mga sir pahelp lang po
« Reply #2 on: April 13, 2011, 10:09:44 pm »
sori po sir kung wrong thread..san po ba pwede magpost??.... kasi po nung una kinausap na po namin yung kabit nagalit pa siya samn kasi ang kapal daw ng mga mukha namin na kausapin sya..tapos po pakilala pala nya sa kuya ko sa bahay nila e binata kaya ok lang daw po..alam po niya na me asawa kapatid ko..handa daw sila harapin lahat ng gagawin namin..e samin lang naman e gusto lang po namin ipaalam sa mga magulang nya ung ginagawa nila kung ganun pa din gusto nila e wala na po kami magagawa kundi kasuhan sila..na stroke ko na kasi tatay ko dahil sa kanila e... tanung ko lang po sana kung panu pumunta sa bougainvilla street camarin caloocan city...san po kaya pwd mag post???

Sir Gat..tama naman po ung comment nio..kaso po madami na silang nasaktan e...gusto namin bumawi sa magulang nung kabit nya..lahat kami sa part na pamilya ko damay tapos sa part ng pamilya ng kabit ng kuya ko hindi pa nila alam..

thanks po sa pagpansin..hehe...peace po