kung may budget ka dalahin mo sa mga nagse-set-up talaga, kasi mahirap na baka magkamali ka sa electrical.
pero kung mejo marunong ka naman or may tutulong sayo na marunong sa electrical, basic need is speakers (choice mo size, pero kung bayo-bayo gusto mo mas madali gamitin 12inch sub-woofers, yung brand eh nasa iyo na din and kung papasok sa budget mo), choice mo din kung band-pass or box lang na kita speakers, kung wala ka mabilihan na box pagawa ka sa marunong then palagyan mo ng carpeting na black.
then amplifiers, V12 common, althoug madami nang peke na V12 na lumabas. meron din choice sa ibang brands and iba-iba din prices nila and yung lakas nila, not to mention 2-channels or 4-channels or kung ilang channels ang meron dun sa amplifier na napili mo. then wattage, amperes (kelangan amperes kasi may ampli mataas amperes madali ma-diskarga battery mo kung nagsa-sounds ka ng patay makina)
then yung mid-range speakers, common ginagamit 6x9 na speakers, kasi may kasama na siya tweeters kaya konti na lang ida-dagdag mo para lumakas naman kalansing and other mid-range sounds ng set-up mo
then tweeters, para sa high pitch tones ng sound set-up mo, commonly used ay mga dome tweeters na nilalagay na mga butas na ginawa sa dashboard or sa inside panels ng pinto ng sasakyan
ito you have a choice na ilagay o hindi:
cross-over, kung ang ampli na nabili mo wala cross over, kelangan nito para mahati yung input sounds mo from the ampli going to the speakers, syempre mas gaganda tunog kasi hindi maghahalo ang tunog na pang subs sa tunog na bang mid-range and sa tunog na pang tweeter
capacitor, in case na hindi kaya ng battery ng sasakyan nakakatulong ito para hindi maubusan ng "juice" ang sasakyan mo
reminder, ang gamitin mong head unit kung magse-set up ka ng sounds sa sasakyan ay yung may low-mid-high na speaker output, para hindi ka magkamali sa wirings.
anything you might want to ask feel free to ask.
dati may na-set-up kami L200, 8inches lang subs nya pero pag bumayo malakas pa sa 12" subs hehehe
peace out!!