Share ko lang mga ka espiya... teary eyes kasi ako dito..
Nabuo ako nang di sinasadya.
Hindi ko man lang nakilala kung sino man ang aking ama.
Ang aking ina na lamang ang tangi kong kasama,
at bawat luhang pumapatak mula sa kanya ay aking nararamdaman.
Lagi na lamang siyang malungkot. Paano? Paano ko siya matutulungan?
Wala akong magawa para matulungan siya.
Ina mahal na mahal kita, pero paano mo ito mararamdaman kung ako ay nasa iyong sinapupunan pa lamang.
Nasilaw ako sa isang munting liwanag.
Naririnig ang mga tinig sa labas.Pare-pareho ang kanilang sinasabi.
Narinig ko na lamang ang nasanbit ng aking ina “patawarin mo ako anakâ€.
Paulit-ulit niya iyong sinasambit, pero bakit?
May isang instrumento ang aking naramdaman, unti-unting kinikuha ang hindi pa buo kong katawan.
Hindi na ako makailag, wala nang mapuntahan.
Ina, hindi mo na ba ako mahal?
Nasasabik pa man din akong makasama ka,
maramdaman kung paano ka mag-aruga.
Makapaglaro tulad ng ibang bata at masubukang pumasok sa eskwela.
Kahit man lang sana masaksihan ang pagsikat at paglubog ng araw.
Ngunit ang aking mga pangarap ay maglalaho na lang bigla.