(Ito ay para sa mga babaeng nakakaranas ng pagmamalupit sa kinakasama dahil sa subrang selos ng asawa...)
" Seloso kung asawa "
sukdulan na sa sakit ang dinanas
sa palad mong malupit, mapangahas
pilit ko mang tiisin, di mapigilan
ang pagtakas ng mga luha, pumapatak hanggang talampakan
ilang beses kong pinilit tumakas
ngunit tila nakagapos sa sobrang lakas
kahit anong rason, di naririnig
pinabayaan mo akong sa dilim ay manginig
hiling kong umuwi, di mo pinagbigyan
at ako pa'y iyong pinagtaguan
pinagkaitan ng karapatan
karapatang makalaya, daig pa ang nagkasala
pag-ibig mong nakasasakal
maari bang wag na at ako pa'y masakdal
pagtingin mong kay sakit, sarilin na lamang
at di ko kakayanin pag nauwi ito sa kasalan
selos ba ang dahilan at ika'y nagkakaganyan
pinagbubuhatan ako ng kamay kahit walang kasalanan
konting bagay lang iyo nang kinagagalit
ngunit kahit ni minsan sa iyo'y di ako naging malupit
patawarin mo ako kung ako'y maglalaho
pagtingin ko sa iyo ngayo'y nagbago
pagmamahal na noon ay buong pagkatao
napalitan ng poot at ng takot
paalam, pag-ibig na nakakayamot.