Usually sa isang ospital gaya ng Philippine Heart Center, hindi lang isang klase ng doktor ang hahawak sa pasyente. Ang isang taong kailangang magpa-bypass, halimbawa, ay may cardiologist na parang coordinator ng kanyang stay sa ospital. Iba pa ang cardiac surgeon, na siyang bahala sa operasyon, iba pa ang anesthesiologist (taga-adjust ng anesthesia sa operating room) at ang physiatrist (na minsan ay specialist pa sa cardiac rehabilitation medicine). Minsan, kung diabetic pa ang pasyente, may endocrinologist pa. Lahat sila, kasama ng mga nurse, medical technologist, therapist (physical, occupational, at speech pathologist), nutritionist, at iba pa gaya ng social worker (para sa mahihirap) at psychiatrist (para sa mga may mental illness) ay bahagi ng tinatawag na health care team.