Hindi totoo yan...
noong 14 years old ako. isang linggo ako may sakit, tapos may nagsuggest na baka namatanda daw ako kaya pumunta kami sa isang albularyo.
babae yung albularyo. una naglabas sya ng hilaw na itlog
tapos parang dinikit nya sa noo ko, pababa sa dibdib ko, pababa sa tyan ko... tapos medyo bumaba sa puson ko, tapos naramdaman ko na lang ung kamay nung albularyo na sinagi yung itlog ko din.
namolestya pa ata ako.
tapos naglabas sya ng mangkok na may tubig at nagsindi ng kandila... tapos ung kandila tinapat nya sa mangkok, nagpatak patak sya ng tunaw na kandila...
tapos nagkorteng duwende daw... pero ala naman akong makita. tapos nagbayad na nanay ko.
di ko na alam nangyari sa itlog. sabi daw nandoon na daw sa loob ng itlog yung sumpang binigay sa akin. or baka inulam.
kinabukasan, nagpunta na lang kami ng doktor tapos niresetahan ako ng anti biotics. ayun after mga ilang araw gumaling na ako.