Maraming scenario ang mabubuo kapag lumabas yung mga information leaks na yan,
maaaring ang nag-sponsor ng exile ni marcos at ni ninoy noon ay iisang organization lang na may kaugnayan sa CIA, yung kay ni Ninoy may nag sponsor sa kanyang university (some US university) maybe related din sa CIA. Sabi ng lolo ko, nung panahon daw ni Marcos talagang nagkalat na ang communist agent sa buong SE Asia lalo na't may Vietnam War noon. Kaya nagkalat din ang mga CIA agent sa buong SE asia at isa si ninoy sa mga pinaghihinalaan ng CIA, pero mukhang nagamit lang ang dalawang leader (ninoy at marcos) ng US para magkaroon ng transition to Cory. Para nga naman mapalabas na democracy is still in the minds of SE Asian nation. Ano sa tingin nyo mga ka-espiya? Mukha ba tayong napaglalaruan ng US? Sa buong history ng Pinas laging nandito ang influence ng US, maging sa buong mundo, tingnan nyo ang nangyayari sa Iraq at Aghanistan, sa Korea? Ang buong mundo laging umaasa sa US, saan ba nag-origin bakit nagkaroon ng recession sa buong mundo previously? Ito'y opinion ko lang, pero may mga possibility na lahat ng mga pulitikong involved sa mga classified info ng US noon at hanggang ngayon kapag lumabas yan maaring masira ang kanilang integridad.