Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Ang Payasong si ISKO  (Read 1414 times)

deosh_pilyo

  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 785
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • pilyong makata... simpatikong mangingibig!
Ang Payasong si ISKO
« on: March 16, 2010, 02:05:12 am »
ANG PAYASONG SI ISKO
(halaw sa tula si shel silverstain) - Clooney the Clown

Meron akong kwentong patungkol sa
isang PAYASO na ang ngalan
ay ISKO

Sa Perya at karnabal
doon siya ay may trabaho
Suot ay malaking sapatos
at maliit na sombrero

Subalit maging ang koloreteng
nakakulapol sa kanyang mukha
ay di naging baytang upang ako
… sa kanya ay matawa

Meron siyang torotot na ang
musika’y paos at kulot
Meron din siyang berdeng aso
at isang libong lobo

Siya’y payat at matangkad
at nagkukunwaring isang lampa
Subalit… sa kanya..
ay hindi pa rin ako matawa

Kapag inumpisahan na nya
ang palabas nyang madgik
Ipininupukol sa entablado’y
mga bulok na kamatis
At kapag bumigkas naman
siya ng dyoks…
eh sa halip na tuwa’y
hatid nun ay lungkot

Kapag natanggal naman
ang kabiyak nyang sapatos..
manonood ang hiling,
palabas ay matapos
At kapag pabaligtad syang tumayo
na ang gamit ay ulo,
sigaw ng karamihan
“Matulog ka na ISKO!”

Kapag siya naman ay
tumalon ng mataas
Tumingin ka sa paligid
at inaantok ang lahat
At kung kunwaring kainin
ang kurbata nyang suot,
makikita mo nama’y
walang ibayong lungkot

At dahil dito’y walang kita
si ISKO
Sapagkat anumang kanyang gawin...
Siya’y palpak na PAYASO.

Isang araw ay nagulat
ang madlang taumbayan
Sapagkat isinaysay ni
ISKO ang dahilan
kung bakit sa likod
ng kanyang katauhan
ay malungkot na mukha
ang matutunghayan

Sinabi nyang lahat
ang kanyang kalungkutan
tampo at hinanakit
sa lahat ng napipisan
Ang sakit at kirot,
ang unos at ang lamig
Pati kanyang kaluluwang
sa dilim ay nakaniig

Pagkatapos maisiwalat
lahat ng kanyang daing
Tumingin sya sa paligid
at humanap ng lambing
Subalit sa halip
na habag ang baling
... ay malutong na halakhak
at tawang matining

Walang hanggang tawanan
na halos hininga’y maparam
Pakiramdam ko ang mundo’y
umuga ng kainaman
Ilang araw at ilang linggo,
halakhaka’y di mabago
Na umabot na sa Batanes
hanggang sa isla ng Sulu

Habang buong bansa’y
napuno ng aliw
Ang Payasong si ISKO’y
nakatungong walang giliw
Sa aba nyang kalagayan
ay doon na nagwika
“Ang lungkot na ramdam ko
Sa inyo pala’y tuwa!”

Bagsak ang balikat
at umupong latang-lata
Saka nya ibinuhos
ang tigib niyang LUHA.