Mabigat na topic talaga ito mga kababayan. Kanya-kanya syempre tayo ng gusto dahil kanya-kanya rin tayo ng pakinabang sa mga taong ito. But for me, na buhay na since Marcos time, ay si Marcos ang best President. Marami man syang kinurakot sa bayan, madami din naman syang napagawa sa bayan. Look at MOST infrastructures we have today. Halos puro Marcos projects pa yan. Yun namang mga bagong gawa ay Marcos blueprints din yan. Di na lang nya napagawa dahil naalis na siya sa pwesto. Pero mga Presidente after nya ay mga walang nagawa lahat. Puro renovation o maintenance na lang ng mga Marcos projects ang nagawa. Ngayon, up to the lowest government employee ay kurakot na rin. Noong time ni Marcos, wala yan dahil takot lahat sa kanya. Peace and Order? Ok pa rin noong panahon ni Marcos. Sinasabi nilang nakakatakot noong panahon ni Marcos? Ang mga takot noon ay ang mga kriminal at mga taong gusto syang paalisin para makapwesto sa gobyerno at mangurakot (NA SYANG NANGYAYARI NA NGAYON!)