ang modus na ito ay ang tinatawag na kinakargahan ng "batingting" (hope i got the spelling right). they put a switch pag minsan sa busina, pag minsan naman sa kambyo, pag minsan naman sa mag accelerator. kaya pag napansin ninyo na medyo mabilis ang metro at medyo weird ang driving habits ni mamang driver, either panay ang busina or laging hinahataw ang accelerator or panay ang kambyo, nasakyan niyo na ang isang madugas na driver. experienced this nung sumakay ako galing airport papuntang bus terminal.
nung napansin ko na medyo mabilis nga ang metro, i was on the phone then, napamura ako in my dialect, eh timing kababayan ko pala yung driver. after i hang up the phone, kinausap na ako nung driver (in my dialect) asking where i am from and saan galing, anong pamilya, etc, etc. ayun, hindi na niya sinunod yung sa metro niya and charged me like 1/3 of what was reflected on the meter. sinabihan ko na ang yung driver na paayos na lang yung metro niya and he meekly replied "sige sir".